FILWM [17]

36 2 0
                                    

Leen POV

"Juskoday!!!! Utang na loob Jared umuwi na kayo!!!" Mangiyak ngiyak na sabi nila Katrina kay Jared dahil kanina pa ito natatalo sa truth or dare.

"Why? Were just playing truth or dare..." natatawang sabi ni Jared.

"Wag mo ako ma english english ngayon Jared ah! Baka masapok lang kita." Pag babanta ni Katrina saka inikot ang bote at tumama ito kay Michy Michy!!!!

"Dare..." sagot ni Mich.

"Kumain ka ng sile!" Sabi nila Cedric at Neil.

"Game." Matapang na sagot ni Mich.

Naghanda sila Cedric ng pulang sile at binigay ito kay Mich.

Kinuha ni Mich ito at halos mapanganga kaming lahat.

"Ayos ka lang ba Mich?" Tanong ni Bea.

Tumango lang ito at walang kahirap hirap na nilunok niya ang sile.

"Pre, talo na tayo ng mga babae!" Sabi ni Neil kay James.

"Nakapanliliit naman!" Sabi naman ni Jared. Walang umimik at pinaikot ni Michelle ang bote.

8:00 na ng gabi at wala silang balak umuwi. Sabi kasi sleep over daw. Nagpaalam naman ako kala mommy na magslesleep over sila kasama ang mga boys. Nung una ayaw pero nung narinig na nila ang boses ng mga kaibigan ko puwede.

Bakit kaya ganon. Pag ikaw nagpaalam sa magulang, hindi puwede. Pero pag pinaalam ka ng kaibigan mo, puwede.

May punto rin kasi sila mommy at daddy kung bakit ayaw nila. May lalaki kaming kasama pero nandiyan lang naman sa tabi tabi ang mga mistulang sundalo na guwardya namin eh. Saka nandiyan din si manang sa kabilang kuwarto.

Dahil lima lang ang guest rooms namin ay dapat isa lang gagamitin. Ayon ang condition nila mommy.

"Okay! Sakin tumapat." Natatawang sabi ni Neil.

Eto ang pinagbago ni Neil. Naging jolly na siya. Masiyahin rin. He always look at the bright side. Never kong nakita na may problema siya.

Pero minsan kabaliktaran ang lahat. Ang pinakamasyang tao, siya rin ang pinaka malungkot na tao.


"Truth na lang. Ayoko kumain ng sile." Natatawang sabi ni Neil.

"Kung ikaw ay babae, sino sa apat mong kaibigan ang idedate mo?" Pagtatanong ni Michelle kay Neil. Tinutukoy niya sila James, Jake, Jared, at Cedric.

"Dude... wag ako.." sabi ni Cedric at lumayo layo na kay Neil.

"Umayos ka ah. Walang ganyanan." Sabi naman ni Jared.

Napakamot naman sa ulo si Neil dahil walang maisip.

"Si Jake?" Tanong pa ni Neil.

Tumingin ako kay Jake na ngayon ay nanliliit ang mata kay Neil.

"I love you Jake!" Sabi ni Neil at nag flying kiss. Natawa naman kaming lahat samantalang si Jake ay poker face.

"Putek! Madiri ka!" Sabi ni Jake.

Tumawa na lang kami at pinaikot na ito ni Neil. Tumapat naman ito kay James.

"Truth." Sabi agad ni James.

"Kelan pa naging kayo ni Michelle?" Tanong ni Neil.

"Ayieee!!!" Malakas naming tile namin ni Bea at sila Kat at Pat ay ngiti ngiti kay James.

Si Michelle ay naghihintay ng sagot ni James.

"L-Last... two months..." nauutal na sagot ni James at siyang napagtili samin.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon