Leen POV
"The way you cry, the way you smile. Naege eolmana keon uimii geolkka? Doraseomyeo huhoehassdeon nal. Sagwahal tejiman geunyabg deureoyo I'll sing for you, sing for you."
Bumuntong hininga ako.
Kanina pa kumakanta sa labas ng kuwarto ko. At mukhang ito ang panuyo nila sa'akin.
"Hajiman oneureun kkok malhago sipeogeureoni deureoyo."
Wala akong nagawa at binuksan na ang pinto ng kuwarto ko para sana patigilin sila.
Nakita kong si James ang nag-gigitara sakanila. Sabay sabay muli silang kumanta.
"The way you cry, the way you smile. Naege eolmana keun uimii geolkka? Hagopeun mal nohchyeobeorin mal. Gobaekhal tejiman jom eosaekhajiman. Geunyang deureoyo I'll sing for you, sing for you...."
Napangiti na lang ako habang pinapanood silang kumanta sa harap ko.
I'm so lucky to have that kind of friends...
"Geunyang deureoyo I'll sing for you, sing for you..."
Pinalpakpakan ko naman sila.
"Waaa! Leen! Patawarin mo na kami." Nakangusong sabi ni Cedric.
"Oo nga Leen. Sorry dun sa nangyari sa'iyo. Hindi ko akalain na ganoon ang manguayari." Hingi paumanhin ni Jared.
"Ang also, sorry kung wala kaming permiso mo na pumapasok sa bahay niyo." Sabi ni Neil.
"Yun naman pala eh!"
Napatingin kaming lahat kala Bea na paparating dito.
"Bea?"
"Michelle?"
"Patricia?"
"Katrina?"
Sabay sabay nilang sabi.
Huli kayo mga tsong! Planado lahat ito.
"Oo! Kung hindi namin kayo tatakutin na iiwan dito hindi kayo gagawa ng ganyan ganyan pa." Naiinis na sabi ni Patricia.
Mapalalaki man o babae, magkakaibigan.
Sampu kami, hinati sa lima. Limang babae at lalaki. At kami ay magkakaibigan.
-
"Uwi ka na?" Tanong ni Neil sakin. Tumango naman ako.
Lunes ngayon at uwian na.
Wala ako dapat i kuwento sa maghapon ko. Dahil ganoon pa rin at walang pinagbago.
Si Anthony, ang matalinong estudyante na ipinakilala ni Ma'am Sanggalang ay wala na.
Once in a blue moon lang namin siya makikita T.T
Sumabay na ako ng lakad kala Bea dahil laging magkakatabi ang kotse ng pamilya namin.
Tawanan lang sila nang tawanan tungkol kay Peter--- ang nerd na nag cucrush kay Patricia.
"Ang epic talaga ng mukha niya kanina! Di ko ma explain." Tawang tawang sabi ni Patricia.
Kanina kasi sa canteen nung patayo na kami may hawak na C2 si Patricia. Saktong pagkatayo niya nandoon si Peter na hindi namin namalayan kaya sa gulat niya nabuhos niya ang C2 kay Peter.
Hindi kami nag-sorry kay Peter at pinagtawanan.
Ang sama talaga namin. XD
Pero nung dumating sila Cedric at Jared sila ang humingi ng pasensya kay Peter. Samantalang kami ay tawa ng tawa.
"Yan kasi napapala ng mga katulad niya. Sinabi na kasing huwag umasa sa diyosa." Natatawang pag puri Bea kay Patricia. Kumaway kaway naman si Patricia na parang may fans siya. Tumawa na lang kami.
"Ano? Itutuloy mo pa yang plano mo?"
Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong nag-uusap na dalawang lalaki.
Hinayaan ko na ang mga kaibigan ko maglakad. Hindi naman nila ako napansin
"Ewan pero wala eh... hindi ko maramdaman..."
Nagtago ako sa gilid.
May munting garden kasi sa labas ng school namin malapit sa parking lot.
At dun nag-uusap sila James at Jake.
Nagtago ako sa poste para hindi nila ako makita.
Hindi ko alam pero gusto ko marinig ang paguusapan nila.
"So kayo pa rin? Hindi pa kayo nag bebreak?" Tanong ni James kay Jake na ikinataka ko.
"Hindi pa..." sagot ni Jake na ikinagulat ko.
Sa pagkakaalam ko , ako lang ang girlfriend ni Jake. So it means...
Makikipag break siya sakin?
Hindi na ako nakinig at tumakbo na papuntang parking lot kung san naghihintay sila Bea.
"San ka nanggaling? Bigla ka nawala?" Tanong ni Michelle.
"A-Ahhh... nalaglag bigla yung panyo ko. Eh hinanap ko pa." Palusot ko.
"Siya sige. Mauuna na ako at gusto ko nang matulog." Inaantok na sabi ni Katrina.
Nag group hug muna kami saka nagpaalam sa isa't isa. Sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan para makauwi na. Syempre may drivers kami. Pero si Patricia ay sinusundo ng ate niya.
"Hindi pa..."
Jake... ano yon?
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RandomHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...