Leen POV
"Kampi-han!"
White kaming dalawa ni Katrina at black sila Michelle, Bea at Patricia.
"Kami mauuna!" Sabi namin ni Katrina kala Michelle. Tumango na lang sila at poste sila Bea at Patricia.
Nasa garden kami magkakaibigan. Nag lalaro ng ten-twenty xD. Tunay na pililina kami eh!
Nauna si Katrina maglaro bago ako.
Nung nasa under the pwet na ay napatigil ako.
Hindi ko ito abot eh T.T
"Kat! Ikaw na lang!" Sabi ko at umalis sa garter.
"Walang pass! No lahat lahat nga eh." Sabi ni Michelle.
"Bahala na nga. Pag na dead naman ako nandiyan si Katrina." Nakangisi kong sabi at nag simulang tumalon.
Sobrang lapad ng ngiti ko nang maabot ko ang 100. Pero bigla naman nawala ang ngiti ko nang naramdaman kong may tumalon sa likod ko. Ang kinalabasan ay nagbuhol ang paa ko sa garter kasabay ng pagbagsak ko sa lupa.
"Shit!" Sigaw ko at napahawak sa ankle ko.
Putek ang sakit.
"Leen!"
Agad naman ako tinayo nila Katrina at Michelle at pinaupo sa malapit na bench.
"Leen!"
Hindi ko nilingon ang tumawag sakan at inintindi ang ankle ko.
"Sino ba yung tumalon sa likod ko?" Iritado kong tanong.
"Si Jared..." sagot ni Patricia at nilingon si Jared. Tumingin din ako sakanya na naka peace sign pa siya.
"Ano ginawa mo sakanya?!" Galit na sabi naman ni Jake sakanya.
Ano toh? Nandito nanaman silang lima? Aba! Ginawa nilang tambayan ang bahay namin!
"Tumalon lang naman ako eh! Di ko naman alam na madadapa siya..." kinakabahan na sagot ni Jared. Hindi ito pinansin ni Jake at lumapit sakin.
"Okay ka lang?" Tanong niya sakin.
"Bat nandito na naman kasi kayo? Hindi kayo marunong kumatok ah!" Naiinis kong sabi.
"Hindi ba kami welcome dito?" Tanong ni Cedric.
"Hinde!" Galit kong sabi at nag martsa paalis doon.
Bahal sila diyan! Nakakayamot sila!
Bea POV
"Ano nangyari don? Bat galit na galit?" Tanong ni James.
"Pano ba naman kasi. Nananahimik kami dito dumating pa kayo. Nasasanay kayo na pumapasok dito na walang pasabi porket wala lagi ang parents niya." Paliwanag ni Katrina.
"Sabagay. Alis na kami?" Tanong ni Cedric kaya binatukan siya ni Patricia.
"Pagkatapos niyo sirain ang laro namin aalis kayo? Aba pabalikin niyo dito si Leen! Dapat good mood na." Sabi ni Patricia at pumasok na sa loob ng bahay.
Napakamot na lang sila ng ulo.
"Lalo ka na." Turo ko kay Jared. "Ikaw dapat sumuyo don." Sabi ko at nauna na. Sumunod na lang sila Michelle at Katrina.
---
Leen POV
"Shh! Ano ba! Ang ingay niyo!"
"Ikaw ang maingay diyan noh!"
"Ano ba nagtalo pa kayo!"
"Shh! Baka naririnig niya tayo!"
"Nyeta! Mga bunganga niyo!"
ARGGHHH
Padabog kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ko at bumungad sakin ang limang lalaki na ngayon ay tulala sa kawalan.
"ANG IINGAY NIYO LAM NIU UN?!" Iritado kong sabi.
Walang sumagot kaya binagsak ko ang pintuan at dumapa na sa kama para makaharap ko ulit ang mahiwagang laptop ko.
---
Bea POV
"Ang ingay mo kasi eh!"
"Bat ako? Ikaw kaya diyan!"
"Che! Ang iingay niyo!"
"Puta kami pa maingay?"
"Eh mas lalo iingay kung iingay pa kayo eh!"
Napahilamos naman kami ni Michelle ng mukha dahil sa talunan ng mga lalaki.
"Ano ba! Kung puwede tumahimik kayo!" Saway ni Katrina at nilapag na ang waffles na binake niya.
Nasa kusina kami at magmemeryenda na. Pero ang limang dakilang panggulo ay bumalik samin dahil binagsakan sila ni Leen ng pinto.
"Waa! Girls! Tulungan niyo kameeee!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jared samin. Na pa roll eyes naman si Katrina.
"Ni hindi ka man lang nag sorry kay Leen kanina." Sabi ni Patricia at sinimulan kumain.
Binatukan agad ni Jake si Jared.
"Pahamak ka kasi eh. Girlfriend ko yung nasaktan mo!" Naiinis na sabi ni Jake.
"Edi ikaw na may girlfriend— este oo kasalanan ko!" Sabi na lang ni Jared nang samaan siya ng tingin ni Jake.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Agad ko kinuha sa shorts ko at nakita kong may text galing kay Leen.
From Leen♡
I know what your or they planning. Please pahirapan niyo. Grabe I can't believe na gagawin nila ito sakin.
Napatawa ako sa text niya.
Nakita ko naman na kinuha nila Patricia, Michelle at Katrina ang phone nila. Mukhang nag text din si Leen sakanila.
To Leen♡:
I guess you already inform them? Hahaha. Saka napamahal na rin sila sayo. Best friends na tayong lahat. :)
SENT
"Bea, okay na?" Tanong sakin ni Katrina. Nag vibrate bigla ang phone ko at nag text si Kat.
From Katring♡
The plan is iwanan sila kunwari sa bahay. Pero diyan lang tayo sa tabing kuwarto. Bahala na si batman kung ano mangyayari.
Tumango na lang ako at nagsenyas kala Michelle. Napangiti na lang kami.
"May pinaplano kayo noh?" Kinakabahan na tanong ni Cedric.
"Wag po! Bata pa ako! Wag niyo ako reypin-- AH!"
For the second time around binatukan ulit ni Jake si Jared.
~~~
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RandomHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...