FILWM [19]

28 2 0
                                    

Leen POV

23 friend requests

61 messages

105 notifications

Ano toh? Smallest to biggest?

Ugh... never mind.

Nasa bahay na ako. At ohmay lang. Di pa rin ako maka get over sa nangyari kanina.

"Bye..." paalam niya na may ngiti.

"AHHHH!" tili ko.

Shemay.

Kinausap kasi ni Katrina si Anthony. Syempre, kami si dakilang supportive friends niya ay kasama kami.

Then nagkuwentuhan kami kanina ng sandali. Tas nung nagpaalam na siya...

ANG GUWAPO PA RIN.

Now itatry ko siya istalk.

Pero hindi ako stalker. LOL

Cinlick ko ang search sa facebook at tinayp ang 'Anthony'

Agad naman siya lumabas kaya pinindot ko ang profile niya.

Pagka pindot ko nakita ko agad na may 102 mutual friends. So may nang istalk din sakanya?

I-a-add friend ko sana siya pero nakalagay 'accept friend request"

So inadd na niya ako?

Bumalik ako sa HOME at tiningnan ang friend request.

Carryle Anne

Faith Hazel Sagun

Cheska Obico Ramos

Reiner Lee

Jeric Jervine Sanggalang

Yahzee Gazmin

Darylle De Perio

Nicole Franco

Julian Patrick Guevera

Gee Corea

Anthony Venas

Alyssa Paguirigan

John Bleau Santos

Wait nga lang.

Iniscroll up ko at...

Anthony Venas
Accept Ignore

"OH MAY GASH!!!!" Sigaw ko sa kilig.

"Ma'am! May bisita po kayo." Rinig kong sabi ng isang katulong namin.

"Paki sabi po wait lang!" Sigaw ko pabalik at sinarado na ang laptop ko.

Bumaba na ako sa kama at naglakad papuntang sala.


Sa hagdan pala lang ay tanaw ko na ang bisita.

"Jake." Pagtawag ko sa pangalan niya.

Lumingon naman siya sakin na nakasimangot.

"Diba naka sound proof ang kuwarto mo? Pero rinig na rinig ko yung tili mo." Nakasimangot niya sabi. Nilapitan ko naman agad siya.

"Eh kasi eh..." ano sasabihin ko? Wala naman eh. T.T

"Ano? Dahil kay Anthony na naman?" Tanong niya. Tumango ako.

"Leen..." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Ayoko mag away tayo. Kaya please wag ka gumawa ng mga bagay na ikagagalit ko." Sabi niya at binitawan ang balikat ko.

"Nagseselos ka ganon?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin.

Putek lakas loob kong sinabi na nagseselos siya pero para akong nilalamon ng lupa dahil don.

"Wala ka naman ikaselos eh." Sabi ko na lang.

Tumango na lang siya.

Naglakad na siya patungong pinto pero bumalik siya sakin at nilagay sa palad ko ang fres candy. Tumakbo siya palabas ng bahay na walang nagsasalita saming dalawa.

Dalawa ang fres na binigay niya sakin. Tiningnan ko yung isa at may nakalagay na 'sorry' at yung isa naman ay 'I love you'

Napangiti na lang ako.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon