Leen POV
"Binabayaran ko kayo para bantayan ang pamamahay ko pero ano tong balitang toh?! May nakapasok sa bahay ko ng di niyo alam?!" Sermon ni dad sa mga guard.
"Sorry po, sir."
"Anong sorry sorry?! Pano kung may nangyaring masama sa anak ko, ano pa silbi ng sorry niyo?!--"
"Hon, tama na. Walang may gusto sa nangyari" sabi ni mom kay dad.
Nakauwi na sila mom and dad kaninang 6 ng umaga. Pero si Mich na lang ang naka abot sakanila dahil pumasok na yung tatlo. Si Mich ang bantay ko ngayong araw. At siya rin nag sabi kala dad sa nangyari kagabi.
"Dad, wala pong may gusto sa nangyari." Sabi ko kay Dad.
"What if, may nangyari saiyo? Kung di dumating si Mich eh baka nadukot ka na tanginang lalaking yon!" Sabi ni dad. I remember again Joseph begging in front of me na sumama sakanya.
"Sige na, makaka alis na kayo." Sabi ni mom sa mga guard.
"Opo ma'am. Sorry po talaga." Sabi nila at umalis na.
Ngayon kami nila mom, dad at Mich na lang ang natira dito sa sala.
"What happen again Mich?" Dad ask again Mich.
"He's back tito. Di ko po alam kung kelan pero kagabi ko lang po siya nakita. " report ni Mich kay dad.
"Bakit pala nahimatay si Leen kahapon?" Tanong naman ni mom.
"Stress daw po siya sabi ng nurse sa clinic and I think... nandon si Joseph." Sabi ni Mich.
"How do you say so?" Tanong ni dad.
"One of our friend ay binabantayan siya. At tumawag si Leen kay Bea. And later on, may narinig na pamilyar na boses si Bea which is si Joseph nga yun. Base rin sa kuwento ng friend namin , pagbalik niya don ay may lalaking nagpupumilit na siya ang boyfriend ni--"
"Stop. Di ko na kinakaya ang nalalaman ko." -dad.
Natahimik naman kaming apat dito sa salas at ako na ang nagputol ng katahimikan.
"Mom... dad..." tawag ko.
"Yes baby? Why?" Dad ask.
"I... r-remember my p-past..." nauutal kong sabi dahil di ko kayang malaman ang past ko.
"What?" Gulat na tanong ni dad.
"I knew it! Siguro ipinagkapilitan niyang ipaalala kay Leen ang lahat kaya agad naalala ni Leen! That asshole!" Sigaw ni dad at pinakalma ni mom.
"Hon... kumalma ka na muna." Sabi ni mom at kumalma.
"Leen, ano lahat ang natatandaan mo?" Bulong ni Mich sakin.
"Lahat." Sagot ko.
"Panong lahat?" She ask.
"Simula magkakilala kami, hanggang sa na aksidente ako." Sabi ko. Napahilamos naman siya ng mukha at humarap kala dad at mom.
"Tito, tita. Hihiramin ko lang muna si Leen." Sabi ni Mich. Tumango na lang si mom.
Sinenyasan ako ni Mich na sumunod sakanya kaya sumunod ako.
Hanggang sa dinala niya ako sa kuwarto ko.
"Ano na balak mo? Na nalaman mong niloko ka ng sira ulong yon?" Galit na tanong ni Mich sakin. Napaupo naman ako sa kama ko at iniisip ang isasagot ko. Ano pa nga ba ang gagawin ko at nakilala ko na siya? Siguro kaya sa lahat ng puwedeng kalimutan ko ay yung tungkol pa samin. Siguro gusto ko na talagang kalimutan yun.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
AléatoireHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...