Leen POV
"Leen, mama mo!" Sigaw ni manang mula sa kusina.
Nandito kaming lahat sa dining at kumakain na ng umagahan.
Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at naglakad patungo kay manang. Binigay niya saakin ang telepono.
"Hello ma—"
[Leen Yarez! Ilang beses na ako tumatawag sayo kagabi at di mo sinasagot ang cellphone mo! Bukas din ang skype kagabi kaya tinawagan kita pero hindi ka rin sumasagot don! Ano nangyayari sayo?!]
Shet naka silent phone ko kahapon. At tama nga nakabukas skype ko kaya nalowbat ako.
"Naka silent po yung phone ko..." sagot ko.
[Jusmiyo kang bata ka! Nga pala, sabi ni manang na di lang sila Michelle ang kasama niyong nag sleep over. May kasama pa kayong mga lalaki!]
"Ma mga kaibigan namin yun. Mapagtitiwalaan naman sila." Sagot ko ng totoo.
[Wala ba nangyari kagabi na—]
"Ma! Kayo lang nag-iisip ng ganyan!" Naiinis kong sagot.
[Anak, Leen. Mabuti na ang maingat.] Sagot niya na lang.
Bumuntong hininga na lang ako.
[Kayo na diba?]
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni mommy.
"Po?"
[Nak.. Yang manliligaw mong... si Jake ba yon?]
Mas lalong nanlaki ang mata ko na kilala niya si Jake.
[Nak dumaan ako sa ganyan. Kaya alam ko.] Sabi ni mommy.
Buti pa si mommy alam niya yung nararamdaman ko. Kesa si daddy na laging BAWAL.
"Mom... ano po... kami na—"
[Kelan pa?!] Excited na tanong ni mommy na ikinangiti ko.
"Kagabi po." Sagot ko.
[OMG! Nandiyan ba siya? Paka usap naman!] Sabi niya.
Sinabi ko na oo at binaba sa tabi ang telepono saka pinuntahan si Jake.
Lumapit ako sakanya at bumulong...
"Kakausapin ka ni mommy..." bulong ko. Tumango siya at nagpunas ng bibig bago tumayo.
"Uy ano yan!" Bigla singit ni Cedric.
"Hayaan na natin sila! Baka may kung ano..." pang aasar ni Katrina. Nagtawanan na lang sila. Hindi na lang namin sila pinansin at ginuide ko si Jake papuntang kusina.
"Bakit ako gusto kausapin ng mommy mo?" Tanong niya bago itapat sa tainga ang telepono. Nagkibit balikat aki dahil ayoko sagutin ang tanong niya.
"Hello? Jake po." Sagot niya sa telepono.
"Umm..." napakamot siya sa ulo niya. "Opo ako nga po." Halata sa boses niya na kinakabahan siya.
Umalis na lang ako doon at hinayaan siyang kausapin si mommy.
"Oh? Kelan ang meet the parents?" natatawang asar ni Cedric sakin. Inirapan ko na lang siya.
Umupo na ako sa puwesto ko kanina at pinagpatuloy ang pagkain.
Isusubo ko na sana ang kutsara ng sumigaw si Jared.
"IPIS!"
Sa sobrang gulat ko ay tumapon sa katabi kong si James ang laman ng kutsara ko.
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
LosoweHindi mo alam kung pano nagsimula. Wala kang alam kung bakit nangyari yun. At ang tanging alam mo lang ay mahalin siya. Talaga bang gusto niyang mahulog ka sakanya o trip lang? Well, he just want you to... "Fall in love with me..." In love, you don...