FILWM [8]

47 3 1
                                    

Leen POV

"Class dismissed."

Agad ko naman na inayos ang gamit ko.

"Uy Leen. Alam mo na ba?" Biglang tanong ni Neil.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Nag a-anounce na sila ng mga clubs. Like dance club, glee club and such. Sasali ka?" Tanong niya. Mahina ako sa music sa di kinalaman na dahilan. So pag sumali ako sa glee club, maaring nadagdaga nm ng points.

"Glee club." Sagot ko.

"Tamang tama. Tara sumabay ka na sakin. Magsisimula na ang club." Sabi niya sakin sabay hila na. Nakarating kami sa music room at halos iluwa ko ang mata ko.

"Mr. Vilanueva, why are you late? And that... member ba siya dito?" Tanong niya kay Neil.

"No sir, but she want's to be a member here in your club. Excuse us." Sabi niya saka hinila ako sa bakanteng upuan.

"Bakit di mo sinabi sakin na siya ang mag hahandle ng club na ito?!" Mahinang bulong ko kay Neil.

"There's anything wrong to sir Andrada?"

"Wag mo siyang tawaging sir dahil magkasing edad lang kayo. At alam mo naman na siya ang sumugod saakin sa clinic noon diba?"

Tama kayo nang iniisip. Si Joseph Andrada lang naman ang nag handle ng club na ito. Like what the hell, pano?!

"There's anything problem mr. Vilanueva and ms. Yarez..?" Joseph ask. Magsasalita na sana ako ng takpan ni Neil ang bibig ko.

"Nothing, sir. We may continue ." Sabi niya sabay alis ang kamay na nakatakip sakin.

"Neil, di ko kayang mag stay dito ng matagal lalo na kasama ko yan!" Sabi ko kay Neil.

"Ano bang meron sakanya?"

"May past kaming dalawa, okay?" Sabi ko dito.

"At tsaka, walang puwedeng mag quit sa club na ito." Rinig kong sabi ni Joseph kaya napatingin ako sakanya. He's looking at me. I just roll my eyes to him.

"Pano yan? Di ka na makakapag quit." Sabi sakin ni Neil.

"Well, that's for now. You may go." Sabi niya kaya nagsialisan sila. Tanging natira kaming tatlo ni Neil. Lumapit naman ako sakanya na hinawakan ako ni Neil sa braso para pigilan.

"Anong kalokohan toh Joseph?" Cold kong tanong.

"There's anything problem Ms. Yarez?"

"Wag mo ako matawag tawag ng ganyan Joseph! Seryoso ako."

"Okay chill."

"Ano ba gusto mo ha? At parang set up toh?"

"Alam ko naman kasi na sasali ka sa club na ito kaya ako na naghandle. Part time job din toh. At makikita kita. I just want you back." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. Kinuha ko naman iyon.

"Past is past Joseph. Kung ano ang tinapos mo, tapos na. Were over right? Your the one who told me that. So wala ka nang dapat balikan. I'll quit in this club weather you like it or not." Sabi ko at akmang tatalikod ng hawakan niya ang braso ko.

"Alright, di ko na ibabalik ang dati just don't quit in this club. Diba matagal mo ng gustong sumali sa glee club? This is your chance. Let's start over Leen. Please." Sabi niya pero di ko pinapansin.

"Brad, wag mo muna siyang kausapin. Sa susunod na lang." Rinig kong bulong ni Neil kay Joseph. Binitawan naman ako ni Joseph kaya agad ako umalis na ng tuluyan pero naiwan don si Neil.

Tumakbo ako palabas ng school at sa gate. Wala nang mga estudyante. Ang bilis nila mawala pero hindi pa rin matago sa puso ko ang sakit.

Umulan pero wala akong pake.

Wala akong pake kung umulan man habang tumatako ako. Ang gusto ko lang ay tumakbo ako ng tumakbo.

Hanggang sa biglang nadapa ako ay napaupo na lang ako.

Parang akong naghahabol kay Joseph noon. Hinahabol ko siya kasi ayoko siyang mawala.

Napahagulgul na lang ako ng iyak.


Sana hindi ko na lang siya inalala. Sana hindi ko na lang siya nakita.
Sana hindi ko na lang siya nakilala.
Sana... tuluyan ko na siyang makalimutan.

"Leen!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses ngunit wala akong balak lingunin yun.

Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa balikat ko sa likod at hinarap niya ako sakanya.

"Nababaliw ka na ba?! Magkakasakit ka niyan!" Sigaw niya sakin.

"Oo! Nababaliw na ako dahil di ko na kaya tong sakit na nararamdaman ko!"

Napatahimik naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo naman diba...? Alam mo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko dahil you feel the same way!"

"Leen, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganyan na lang lagi. Kahit nasasaktan ka, kailangan mong maging matatag."

"Masakit! Mahirap maging matatag!"

"Hindi yan mahirap kung gugustuhin mo talaga siyang kalimutan!" Sigaw niya na ikinatigil ko.

"If you really want to move on, makaka move on ka ng walang choice. You can easily forget about him if you really want to move on." Dagdag niya.

Nanatili siyang nakaluhod saakin at ako ay nakaupo.

"Wag mong pahirapan ang sarili mo sa simpleng bagay na madaling sulusyunan."


~•~

AN: short update. Peace! ✌

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon