FILWM [22]

31 2 0
                                    

Leen POV

"Wala na ba kayong ibang maisip na laro at puro truth or dare na lang?" Naiiritang reklamo ni Jared.

"Eh bakit ba! Nakahiligan na eh." Sagot ni Katrina.

Nasa garden kami nag lalaro ng truth or dare.

Maaga kami pinalabas ngayong Martes dahil mga hindi pala pumasok ang aming mga guro. Ni hindi sinabi saamin. Kaya ayan, nganga kami.

Mamaya pa kami uuwi at tatambay sandali dito. Mag cocommute kami pauwiiiiii. Porst taym *0*

"Sige na nga!"

Nagawa ko pa rin umakto na parang wala ako narinig kahapon.

Hindi ko akalain nagawa pa akong kausapin ni Jake pagkatapos ng lahat.

"I love you..."

Hindi niya yan nalilimutan pag tuwing matatapos na ang usapan namin.

Ang sakit... lalo na't alam kong hindi totoo iyon.

Jake bakit hindi mo pa aminin?


Sinadya mo bang ihulog ako... at kunwaring sasaluhin na hindi naman?

"Leen! Ano? Payag?"

Nagising naman ako sa realidad nang hilahin ni Patricia ang buhok ko.


Hindi masakit promise. -_-

"Oo." Sagot ko at hindi na inabalang umaray. Inayos ko na lang ang konting nagulo sa buhok ko.

Pinaikot na ni Patricia ang bote ng Sprite at tumapat ang takip nito kay Jared.

"Ma man! Ako pa talaga." Naiiritang sabi ni Jared.

Tumawa na lang ang iba sa inakto ni Jared.

"Ganoon talaga! Oh, truth or dare?" Natatawang tanong ni Patricia.

"Dare! Ayusin mo dare ko ah." Sabi naman ni Jared.

"Mag sexy dance ka kay James!" Natatawang utos ni Patricia.

Pffttttt

"Ano?!" Sabay na sigaw nila James at Jared.

"Dali na!" Pagmamadali ni Bea na mukhang excited.

Napakamot na lang si Jared.

"Hoy Jared. Umayos ayos ka ah! Mamaya magkagusto ka sakin." Paalala ni James kay Jared.

"Pakyu." Sagot na lang ni Jared at nag simulang umikot sabay kembot kay James.

"HAHAHAHA!"

Tumawa ng kalakas lakas si Cedric na parang walang bukas.

Tumigil kami sa pagtawa maging si Jared ay huminto sa pagsayaw.

"HAHAHA....hahaha..."

Tumigil tigil sa pagtawa si Cedric at tumingin saamin  nang nagtataka.



"What?"

"Para kang nakakatol." Sabi ko na lang. Napakamot na lang siya sa ulo.


Inikot ni Jared ang bote at tumapat ito kay Jake.


Napatingin naman kami ni Jared sa isa't isa.


Mukhang alam ko na ang binabalak nito.

"Umayos ayos ka Jared." Pagbabanta ko sakanya.

Ngumisi na lang siya saakin.

"Dare." Sabi ni Jake kahit wala pang tanong.

"Halikan mo nga sa pisnge si Leen."


Napatulala sandali ako at na realize kong nagtitilian na ang mga katabi kong babae.



GAGYU KA JARED


Nakita kong nagtinginan sila Jake at James.


Ano yun? Nagsesenyasan ba sila?



Hinintay kong lumanding ang labi ni Jake sa pisngi ko.



Pakapalan na ng mukha toh. Grabe siya nung hinulog niya ako. Ngayon, dito ko mapapatunayan kung.... totoo ba siya.

"Ayoko."



Boom.



Ang shakit...



"Pero—"


Hindi pinakinggan ni Jake ang sasabihin ni Jared at pinaikot na ang bote.



Halos lahat sila ay nakapag truth or dare na kaya ako na lang ang natitira.


Ang huling huling nag truth or dare ay si Bea.


"Dare din ako." Sabi ko.


"Game. Sampalin mo nga si Jake, bilang pambawi na hindi ka hinalikan—"


Bago pa niya tampusin ay lumapit agad ako kay Jake at sinampal siya ng malakas.



Nagulat naman siya sa malakas kong sampal.


Tumahimik rin ang paligid dahil sa pagsampal ko sakanya.



Nakahawak lang si Jake sa pisngi niya at nakatingin sakin na nagtataka.



Umiwas agad ako ng tingin dahil naluluha ako.


Agad kong kinuha ang bag kong nasa tabi ni Jared at lumarga na.



Sorry... hindi ko sinasadya. But you deserve it.



Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon