Chapter 05

2.1K 59 8
                                    

by: Zildjian

email: zildjianace@gmail.com

URL: http://zildjianstories.blogspot.com/

 

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

 

Kabado talaga ako, hindi ko alam kung dapat ko ba talagang sabihin sa kanila ang tunay na ng yari nung nasa STEFTI pa ako. Panu kung pandirihan nila ako? Panu kung iwan din nila ako kagaya ng mga ka ibigan ko sa dati kung paaralan? Mga katatungan na hindi ko kayang sagutin unless sabihin ko sa kanila ang totoo. Siguro mas mabuti na ito. Habang maaga pa para na rin malaman ko kung may pupuntahan ba talaga ang barkadahan namin. Kung tunay ko talaga silang mga kaibigan maiintindihan nila ako at tatangapin nila kung anu talaga ako. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas.

“Sige game. Sinu una mag tatanong sa inyo?” Ang may paghamon kong sabi sa kanila.

“Actually Arl pare-pareho kami ng itatanong sayo. Sana wag kang magalit. Umiiwas lang kami na itanong sayo ito noon kasi baka bigla ka nanamang manahimik sa isang tabi at di na naman ulit mamansin.” Si Tonet.

“Tama si Tonet friends mo naman kami Arl diba? Panu ka namin matutulungan ng lubusan kung hindi ka marunong mag open o mag tiwala sa amin?” Si Angela na sa pangalawang pag kakataon ko palang ata marinig na mag seryoso. “Curious talaga kaming lahat kung anu ang nang yari sayo sa dati mong school. Alam namin na narinig mo kami ni Mina na nag-uusap about sayo at nang mag walk out ka sa room noon alam na namin na somewhat may totoo sa mga sinabi namin kasi di ka mag rereact nang ganun. We really wanted to know the real story behind the issue. May idea na kami pero gusto namin mismo sa bibig mo mang galing.” Si Angela ulit.

“Ito lang naman ang tanong namin Arl” huminga muna si Mina siguro kumukuha ng  ng bwelo.

“What happened to you sa dating mong school? What is the story behind the rumors na you were caught kissing a guy sa CR?”

Tinunga ko muna ang tagay ko at nag buntong hininga.

“The rumors are true.” Casual kung sagot.

Nakita ko ang pag ka bigla sa mata ni Rome, Red, Carlo and Antonet pero nanatili pa rin silang tahimik. There’s no turning back yon nalang ang nasabi ko sa aking sarili bago nag patuloy.

“I dunno what happened. Nagising nalang ako isang araw na umiiyak at sinisisi ang sarili dahil madali akong na dala. I was one of the famous students sa dati kung school dahil ang Mom at Dad ko ay malaki ang naitulong sa school namin nung time na nag karoon ng problema  about sa lupa na kinatitirikan ng school. Dahil don naka attract ako ng attention ng mga students. Syempre tao lang ako nabubulag rin ako sa popularity kaya nakisakay ako. Don ko nakilala ang 4 na barkada ko, sina Chad, Romeo, Crom at Aileen. Si Chad at Aileen ay galing din sa isang magandang pamilya while si Romeo naman average lang. Si Crom  eh sa pamilyang mahirap kaya sunod sunuran sya kay Chad kahit inaalila na sya nito basta libre sya sa recess.” Tumigil muna ako para tingnan kung anu ang mga reaction nila. Lahat sila ay naka tingin ng seryoso sa akin.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon