"Arl?!" Ang kanya lang nasabi sa pagkabigla.
Nakita ko sa mga mata nya ang pagkagulat nang makita nya ako. Ginising ng presensya nya ang matagal nang nahihimlay na damdamin para sa kanya. Waring isa akong bulkan na malapit nang sumabog anu mang oras.
Nag tense ang panga ko at naikuyom ang mga kamao ko.
"Anung ginagawa mo rito?!" Sigaw kong sabi at patakbo ko syang nilapitan at binigyan ng malakas na suntok.
Dahil siguro sa pagkabigla hindi na sya nakaiwas pa.
Agad namang napatayo sa pagkagulat si Red. Napa sigaw naman ang mga babae naming kabarkada sa nang yari. Akmang bibigyan ko ulit sya ng isa pang suntok sa mukha ng pigilan ako ni Red.
"Ace teka anu ba?! Bakit mo sya sinuntok?" Ang gulat paring pag awat ni Red habang naka yakap sa akin mula sa likod.
"Hayop ka! Sinira mo ang buhay ko!" At nag pumiglas ako sa pagkakayakap ni Red sa akin para mabigyan pa ng suntok ang taong iyon.
Bigla namang natauhan ang mga kabarkada kong na bigla at saka lumapit sa amin para tulungan si Red na awatin ako. Hinila ako papalayo ni Red ka sa taong iyon. Si Carlo naman ay inilalayan itong tumayo.
"Putangina mo! Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita dito hayop ka!" Pasigaw kung sabi.
Pinunasan muna nito ang dugong dumaloy sa ilong nya bago sya nag salita. Guilt ang nakita ko sa mga mata nya.
"Arl let me explain." Ang may pagsusumamo nitong sabi.
"Explain? Para anu? Pag katapos ng anim na taon saka ka mag eexplain?!" Pasigaw kung balik na sagot sa kanya at binigyan sya ng masamang tingin. Tingin ng isang taong gustong pumatay.
"Wala nang magagawa ang page explain mo! Sinira mo ang buhay ko hayop ka! Papatayin kita! Bitawan mo ako!" Nag wawala pa rin ako sa mahigpit na yakap ni Red.
"Sino kaba? Bakit ka nandito? At bakit ganun nalang ang galit sayo ni Ace?" Sunod sunod na tanong ni Tonet.
"H-he's my boyfriend, Richard." Ang nag papanic na sabi ni Mina na nasa gitna namin ng boyfriend nya.
"Chad Blones! Sya ang taong sumira ng buhay ko sa STEFTI! Sya ang lalaking nasa picture na kahalikan ko!" nag hi-hysterical kong sabi sabay nang pag bagsak ng mga luha ko sa sobrang galit.
Kita ko ang gulat sa mga mata nilang lahat. Pati si Mina ay napanganga sa mga nalaman.
"Kung hindi dahil sayo hindi sana ako ma kikickout sa STEFTI! Kung hindi dahil sayo hindi mababa ang tingin sa akin ng mga taong malalapit sa akin! At kung hindi dahil sayo masaya na sana ako ngayon!"
Nakaramdam ako ng panginginig ng aking mga tuhod. Humahagulhol akong napaluhod.
Para akong nauupos na kandila sa sobrang bigat ng dinadala ko. Hindi ko na mahagilap ang sarili ko sa tensyong nagaganap.
" Arl hindi ko sinasadya. Nung nahuli tayong nag hahalikan ni Aileen ay agad nya itong kinunan nang picture at ginamit nya iyong pang blackmail sa akin para syotain ko sya. Wala akong nagawa at hindi kong anu ang dapat gawin. Natakot ako sa banta ni Ailenn. Hindi ko kagagawan kung bakit kumalat ang picture sila Crom at Romeo."
"Bakit di mo nagawang sabihin ang totoo?! Bikit hindi mo inamin na ikaw ang nag initiate ng halik sa akin! Bakit mo ako nilaglag!?" Galit ko pa ring sabi sa kanya.
Hindi sya agad nakasagot.
"Nung binigyan ka nang pagkakataon na mag sabi ng totoo nung nasa Disciplines Office tayo, hindi mo ginawa! Imbis na sabihin mo ang totoo mas lalo mo pa akong idiniin!" panunumbat ko pang sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Right Time
RomanceSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...