by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Epilouge
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. Ang araw ay nakangiti habang isinasalubong nito sa akin ang isang mapagpalang liwanag.
Isang taon na pala ang lumipas. Isang taon na puno nang malulungkot at masasayang mga sandali sa buhay namin ni Rome. Masaya ako sa takbo nang relasyon namin. Mahinang sambit ng isip ko.
“Good morning sunshine!” Bati ko sa kanya.
Sumagot naman ito kasabay ang pagkampay ng hangin sa aking pisngi. Iwinawagayway naman ng mga puno ang kanilang mga sanga na wari mo’y magiliw na nagsasayaw. Ito naman ay sinabayan pa nang awitan ng mga ibong kumakampay sa paligid.
Napakagandang pagmasdan ang mga gawi nila. Nahahawa ako sa kaligayang dulot nila. Napapangiti ako nang sobra.
“Ace, anak. Ang tagal mo naman diyan. Kanina pa naghihintay sila Rome sa simbahan.” Boses ni mama sa likod ng pintuan.
Lumapit ako rito para buksan ang pinto. Gulat na gulat ito nang makitang hindi pa ako naghahanda.
“My God Ace! Hindi ka pa nakakaligo?” Sinipat na rin niya ang susuotin ko ngunit nadismaya siya dahil wala pa akong naihahanda. “Kahit kailan ka talaga. Hala maligo ka na. Ako na mag-asikaso nang susuotin mo. Mga bata nga naman.”
BINABASA MO ANG
The Right Time
Любовные романыSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...