Chapter 11

2K 56 3
                                    

Pag pasok ko ng bahay agad ko namang nakita sina Mama at Papa na nanunuod ng tv sa sala. lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Kumusta ang lakad nyo?" Pag pansin ni Mama sa nakasimangot kung mukha.

"Wala naman po na pagod lang siguro." Pag dedeny ko sa kanila at nag bigay ng pilit na ngiti.

"Sya nga po pala pupunta bukas dito ang barkada kasi mang hihingi kami ng advice about sa business na itatayo namin." Pag bibigay impormasyon ko sa kanila.

"What kind of business naman yan anak?" Tanong naman ni Papa.

"Naisip kasi naming mag tayo ng Jazz Bar pero tuwing Friday gagawin namin itong Acoustic." Sagot ko sa kanya.

"Aba maganda yan. But you have to know the risk with upon putting up a business." Sabi naman ni Mama.

"Risk? What do you mean Mom?" Nag tataka kung tanong sa kanya.

"Pwedi yan maging rason ng pagkakasira nyo ng barkada mo. When you talk about money kasi kahit kapatid mo makakaaway mo." Si Mama sa seryosong tono.

Alam ko ang ibig sabihin ni Mama pero may tiwala kami ng mga barkada ko sa isat isa at hindi pera ang sisira sa barkadahan namin.

"We aware of that Mom at nakikita ko na hindi kami mag kakaproblema about sa ganyan." Ang sigurado kung sabi.

Patuloy lang ang discussions namin ni Mama about sa business namin ng may biglang nag door bell. Napakunot nuo ako kung sino ang taong yon at maging si Mama ay nagtaka. Mabigat ang paa kong tinungo ang pintuan para pagbuksan ang hindi inaasahang bisita. Pag kabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Red.

"Oh akala ko ba uuwi kana?" ang may pagtataka kong tanong sa kanya.

"Pauwi na sana ako kanina kaso hindi ako na satisfied sa naging rason mo kanina kung bakit nag iba yung 

mood mo kaya napag pasyahan kong puntahan ka at kausapin." Seryoso nyang sabi.

"Papasukin mo yung bisita mo." Ang narinig kong sabi ni Mama.

"Lika pasok ka muna." Ang nasabi ko nalang sa kanya.

Agad naman syang pumasok sa loob at bumati kina Mama at Papa. Kwentohan ang sumunod na nang yari sa kanila bago nilang naisipan na pumasok sa kwarto nila para mag pahinga.

"Ace pwedi naba tayong mag usap?" tanong nito sa akin.

"Sige sa garden nalang tayo magusap."

Lumabas kami at tinungo ang garden kung saan merong coffee table sa gitna. Pagka upo namin agad akong binanatan ni Red ng tanong.

"Alam ko na nag away kayo ni Rome base sa reaction ng mukha nya kanina. May idea na ako kaso gusto ko sayo ko mismo marinig ang totoo." At tumingin sya sa mga mata ko, Yung tingin na hindi mo pweding hindian.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang totoo. Tahimik lang sya habang sinasalaysay ko sa kanya ang naging bangayan namin ni Rome. Nang matapos kung ipagtapat sa kanya ang lahat agad syang nag kumento.

"Ace mahal na mahal ka ni Rome. Hindi ko sya masisisi kung bakit pati ako pinag selosan nya. Ang mabuti pa kausapin mo sya para ma resulba nyo agad ang problema. Wag mo nang patagalin pa para hindi na lumaki at para hindi kana din mahirapan." kita ko sa mga mata ni Red na sincere sya sa sinabi nya.

"Hindi kasi ganun kadali yon Red. Hindi ko kasi ma tanggap na ganun pala ka babaw ang tingin sa akin ni Rome. Sobra akong nasaktan nung binigyan nya ng malisya ang pag angkas ko sayo."

"Naiintindihan kita Ace. Pero dapat mo rin sanang intindihin na kaya lang nasabi ni Rome yon dahil sa sobrang paninibugho. Kung ako man ang nasa kalagayan nya sigurado ganun din ang gagawin ko." Pag tatangol ni Red kay Rome.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon