Chapter 10

2K 55 0
                                    

"Ace nasabi ba sayo ni Rome kung bakit ako nawala?" Ang tanong ng Daddy ni Rome sa akin.

"Hindi po." Simpleng sagot ko naman.

"Napilitan akong mangibang bansa dahil sa isa ako sa mga minalas na matanggal dahil sa recession. Ayaw man akong payagan ng asawa at anak ko nag pumilit pa rin ako. Sobrang eager ako na makaalis dahil na hihiya ako sa mga parents ko na sa kanila parin ako umaasa kahit na may pamilya na ako. Nahihiya rin ako sa asawa ko dahil hindi ko sya pinag trabaho nung makasal kami because of my pride."pag papatuloy nya.

"But instead na intindihin ko sya. Inaway ko sya at pinag bantaan na hihiwalayan pag nag patuloy sya sa binabalak nya." Ang pag butt in ng ina ni Rome. "Pero hindi sya nag papigil, tumuloy pa rin sya at iniwan kami ng anak nya sa bahay ng mga magulang nya. Hindi naging maganda ang trato sa akin ng Mama nya dahil ayaw nito sa akin. Nang magkaroon ng pag kakataon, tumakas ako sa bahay nila kasama si Rome at dito kami napadpad kami dito. Dito na kami nag simula ng panibagong buhay.

Tahimik kaming nakikinig sa Mommy ni Rome.

"Swerte naman at nakapasok agad ako sa hospital dito. Naging ka klase ko ang may ari ng Hospital na ninang pa ni Rome. Hindi naman naging sarado ang isipan ko kahit na may sama ako ng loob sa asawa ko. 

Hinihintay ko pa rin ang pagkakataon na makapag usap kami."

"Iyon pala ang totoong nang yari." Pag sabad ng Daddy ni Rome.

"Yon ang naging kasalanan mo. Mama mo lang ang pinapakinggan mo. Pero tama na yon past is past."

"Im sorry hon di ko naman alam na ganun pala ang gagawin sayo nina Mama." pag aalo ng Daddy ni Rome sa asawa.

Hindi ako nakaimik ng marinig ko ang detalye sa likod ng pagkawala ng Daddy ni Rome. Nakatingin lang ako sa mag asawa tuwing mag sasalita sila.

"How about you iho? Kumusta naman ang parents mo at anu ang mga trabaho nila?" ang pag iiba ng usapan ng Daddy ni Rome.

"Pareho po silang nag mamanage sa Family Company na pinamana ng lolo at lola ko." Sagot ko sa tanong nito.

"Talaga? Gusto namin silang makilala." Sabi ng Mommy ni Rome.

"Why don't you invite them Mom sa Birthday mo." Ang suhestyon ni Rome.

"Good idea anak. Ikaw na mismo mag bigay sa kanila ng invitation." Pag sangayon ng Daddy nya.

Natapos ang dinner namin sa pamilya ni Rome na maganda ang kinalabasan. Inaya ako ni Rome na mag punta sa garden nila para mag pahangin at makapag usap naman daw kami ng sarilinan.

"Supah Ace ngayong okey na ang lahat pwedi nabang maging tayo?" agad na tanong sa akin ni Rome pag-kaupo namin sa swing nila.

Ewan ko ba hindi ko alam bakit may pag aalinlangan pa rin ako na sagutin si Rome. Di ko maintindihan kung bakit. Mahal ko naman sya at alam ko naman na mahal nya ako pero may parte sa akin na nag sasabi na hindi pa ito ang tamang oras para maging kami. Nag buntong hininga muna ako bago sumagot.

"Dahan dahanin muna natin Rome matagal tayong di nag kita. Kilalanin muna natin ng mabuti ang isat isa para di tayo mag kamali." Sabi ko naman sa kanya.

"Pero ang tagal ko nang nag hihintay para maging tayo Ace. Akala ko ba pag nag kita tayo magiging tayo na? at bakit kailangan pa natin kilalanin ang isat isa? Diba matagal na naman nating kilala ang bawat isa?" pangungulit nyang sabi.

"Give me 1 more month Rome okey lang ba? Ayaw ko kasing may pag sisihan kung sakaling maging tayo." seryoso kung sabi sa kanya.

"Ok hihintayin ko ang sagot mo sa birthday ni Mommy." At muli ko nanamang natikman ang malambot na labi ni Rome.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon