Nang maka upo ako at busy pa rin sa pakikipag usap sa mga ka barkada ko agad namang may kumuha ng pansin namin.
"EHEM!!!" napalingon ako sa taong nagpapapansin. Di ko inaasahan ang nakita ko mas gwapo sya kesa sa pictures nya, mas maputi at mas lumaki ang katawan. Yummy! Sabi ko sa aking isip.
"So mag tititigan nalang kayo ganun?" si Mina ang bumasag sa huminto kung utak.
"uhmm.. Hi Rome." Ang nasabi ko nalang. Pakshet wala akong maisip na sasabihin sa mokong na to.
"Kanina pa yan naka simangot. Nag tatanong kung nag text kanaba or kung buhay kapa." Ang sabi ni Red.
Binigyan ko sya nang isang ngiti saka nag salita. "Sorry Rome ah.." may idudugtong pa sana ako pero na unahan ako.
"Ok lang yon ang importante nandito na Supah Ace ko" sabay bitiw ng isang ngiti na kita ang dalawang dimples nya.
Namula naman ako sa sinabi nya. Tumayo sya sa kanyang upuan at binitbit ito sa tabi ko sabay bumulong sa akin nang "I miss you Supah Ace" Di ko alam kung panu eexplain ang aking naramdaman ng marinig ko ang sinabi nya basta may pinag halong kaba at kiliti yon ang sigurado ako.
"Oi!!! May pabulong bulong na sila! Anu nabang level yan Ervin?" ang walang prinong banat ni Angela.
Tumingin naman ako sa paligid at baka may nakarinig kay Angela sa lakas ng pag kakasabi nito talo pa ata ang sound system. Nakita ko naman na nakatingin lahat ng ka batch namin sa amin . Pasimple akong umusog para makaiwas sa intriga.
"bakit ka umusog? Kinahihiya mo ba ako?" agad na tanong ni Rome ng mapansin nyang umusog ako palayo sa kanya.
"Hindi naman. Naiinitan lang ako dahil sa naparami ako ng ininum kanina sa family gathering." Ang nakangiti kung sagot sa kanya para di nya mahalata pero dumikit pa rin si mokong sa akin.
Tuloy tuloy ang aming kwentohan at kumustahan. Napag usapan rin namin kung anu ang balak namin ngayong tapos na kami ng college. Habang nakikinig sa kwentohan ng barkada narinig ko naman ang usapan ng dalawang babaeng ka batch namin na katabi lang ng lamesa namin.
"Ang gwagwapo at ang gaganda talaga nila no?" sabi nang isa.
"Mababait pa lalo na yang si Ms. Garcia kinausap namin yan kanina at talaga namang nakipag kwentohan sa amin kahit sa states nag aral ganun pa rin ang ugali." Komento naman ng isa na ang tinutukoy ay si Tonet.
"Talaga? Okey lang kaya kung lumapit tayo sa kanila para makipag usap? Gusto ko talagang makausap ang Crush ko!." Tila kinikilig naman na sabi ng isa.
"Nakakahiya naman yon. Nakikita munang busy sila sa pag uusap about sa mga nang yari sa kanila nung college eh." Pag tutul ng isa.
Napangiti ako sa mga narinig ko. Natutuwa ako na tama ang napili kung barkadahin. Hindi mga mata pobre at marunong makipag kapwa tao ang mga barkada ko. Sobrang proud ako ng marinig ko ang kumento ng dalawang babae na yon sa kanila.
Habang nag kwekwentohan kami pa simple namang humawak si Rome sa kamay ko at itinago ito sa ilalam ng lamesa namin. Natawa ako sa ginawa nya halatang sabik na sabik si loko. Tiningnan ko sya at nakita kung sa akin pala sya nakatingin habang may mga ngiti sa kanyang labi. Napangiti na rin ako sa ginagawa nya. Fast and furious style si mokong ah. halatang nag mamadali. Ang sabi ko sa aking isipan habang nakangiti ng ubod ng tamis sa sobrang kilig.
"hoy Ace anu? Bakit di ka makasagot? Di ka naman ata nakikinig eh!" ang reklamo ni Tonet.
"ha!? Ahh... ehh... anu ba kasi ang tanong di ko kasi narinig, ang lakas ng Speaker." ang palusot kung sagot.
BINABASA MO ANG
The Right Time
Roman d'amourSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...
