by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com
URL:
http://zildjianstories.blogspot.com/
Ito na po ang Chapter 16. Salamat ulet sa mga taga comment ko na sina-
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
K
inaumagahan agad kaming tumungo na sa bahay nila Rome para ipaalam sa parents nya na dumating na kami. Gusto nyang doon nalang kami mag lunch sa kanila. Habang nasa daan kami pinag uusapan namin ang bago naming setup.
Nasa ganun kaming usapan ng maalala ko na kailangan ko rin palang ipakilala si Rome sa mga pinsan ko ngayong kami na. Isa yon sa napag desisyunan ko kagabi pagkatapos naming mag talik. Paninindigan ko ang relasyon namin tulad ng ginawa nya. Wala akong paki-alam kung anu ang sasabihin ng mga pinsan ko sa akin ang importante masabi ko sa kanila na si Rome ang mahal ko. Ang kinakabahala ko lang sa gagawin ko ay ang mga Aunties at Uncle ko isama mo na sina lolo at lola. Alam kong hindi ganito kadaling tanggapin ang relasyon namin pero anu ang magagawa ko tinamaan na ako eh.
Dumating kami ni Rome sa bahay nila mag aalas 12 na nang hapon.
“Mommy were home!” Pasigaw na pag tawag ni Rome sa Mommy nya.
“Sigurado ka na nandito sila? Baka umalis para atang walang tao.” Sabi ko sa kanya.
“Sure ako na nandito sila. Tinext ko si Mommy na pauwi na tayo kanina.” Sagot nito sa akin.
Agad namang ibinaba ni Rome ang mga gamit nya sa gilid ng pintuan nila bago namin pinuntahan ang kusina. Baka kasi nag lulunch na daw ang mga magulang niya dahil sa walang katulong na nagbukas sa amin.

BINABASA MO ANG
The Right Time
RomanceSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...