Chapter 14

2.1K 56 0
                                    

 

by: Zephiel

email: zildjianace@gmail.com

URL: http://zildjianstories.blogspot.com/

 

 

 

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

 

Kinaumagahan nagising ako dahil sa malakas na ingay na nagmumula sa baba. Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Ala una palang pala. Sabi ko sa sarili at napilitang bumangon. Pumasok ako sa banyo na magkasalubong ang kilay sa sobrang inis. Pagkatapos kong gawin ang everyday routine ko ay agad na akong bumababa para bulyawan sana kung sino mang mga hudas na malalakas ang boses na nag kwekwentuhan sa baba.

“Mabuti naman at gising ka na.”

Napatingin ako sa kanila. Yung kaninang inis ay nawala nang makita ko ang expression nang mga mukha nila. Halatang kulang din sa tulog ang mga kabarkada ko dahil sa inuman namin kagabi.

“Ano nangyayari dito? Baka nakakalimutan nyo bahay namin to.” Sabi kong may halong pangiinis. “At bakit parang may sabong?”

“Ito kasing si Red nakakainis. We decided na sya ang hahawak ng bar dahil di ba nga sabi ni tita Evette isang boss lang dapat.” Bungad ni Tonet agad sa akin.

“Uh-uh. Tapos?” Walang expression kong sabi.

“Anong tapos? Tulog pa ba kaluluwa mo? Umaayaw sya!” Sabay turo kay Red na nakangisi lang habang nakaupo sa sofa.

“Bakit?” Pang iinis ko pang lalo kay Tonet.

“Di raw nya kaya mag handle ng negosyo. Baka raw malugi lang ito. Teka nga, bakit parang nang-aasar ka pa dyan? Baka gusto mo ikaw na lang.” Biglang nagliwanag ang mukha nito “Tama!! Ikaw nalang at si..” Di nito natapos ang sasabihin nya dahil sumabat agad si Carlo.

“Baby.” Sabay iling nito. Kita ko namang napatakip si Tonet sa kanyang bibig.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon