Chapter 01

4.8K 82 9
                                        

by: Zildjian

Email: zildjianace@gmail.com

URL: http://zildjianstories.blogspot.com/

 

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

 

Sabi nila. Kahit daw mahal nyo pa ang isa't isa kung hindi pa ito ang tamang oras para sa inyo ay mag hihiwalay din kayo.

Alas 3 ng hapon at kagigising lang. Open agad ng fb para mag laro nang naadikan kung laro na ninja saga. Pag-open ko sa fb ko nakita kung may bagong friend request nanaman ako. Chenik ko pero di ko maalala ang mukha. Hinayaan ko nalang at nag laro na.

Habang nag papaka-busy ako sa pag-lalaro ng ninja saga bigla nalang may  nag appear na notification na may nag message sa akin. Agad ko naman itong binasa.

SUBJECT: O.O

Message:

“Musta na?”

Nang i-check ko ang profile ng taong nag sent sakin ng message na yon, napag-alaman ko na ito pala ang taong nag sent sakin kanina ng friend request.. agad kung pinindot ang accept button sa profile nya at nag reply agad ako sa message nya.

AKO:

“Woi! Okey lang naman ako hehe.. dapat talaga ganyan ang subject mo parang naninilip lang lol!hmmm familiar ang mukha mo ah pero yung name mo kakaiba hahaha!”

Hinihintay ko na mag reply sya sa message ko pero nakapag palitan nalang kami ng batian sa chat ng mga ka kabarkada ko eh d pa rin na reply. Chenik ko nalang ang profile info nya kasi familiar talaga sakin ang mukha ni kolokoy.

Habang cheni-chek ko ang profile nya bigla nalang sya nag pm.

SIMPATIKO AKO: cnxa na dc hehe

AKO: walang problema. :P hu u ba?

SIMPATIKO AKO: iba ka na talaga lol! D mo na aq kilala huh.. Rome to.

AKO: Rome? Dami ko kakilalang Rome lol! cnung Rome at bakit iba pangalan mo sa fb? Adik kaba o poser lang?

SIMPATIKO AKO: wahahahaha!!! Ervin Rome Ruales bestbud mo…yay!!!

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon