Ito na po ang Chapter 6 ng The Right Time salamat ulit kina:
Dave17, Dada, Zekie, jay! :), Mcfrancis, J.V, Wastedpup, R3b3l^+ion, R.J, Ram, David Thaddeus, Ernes aka jun, Marclestermanila, Rue, jayfina at kay Anoymous
Dahil sa patuloy ninyong pag bibigay ng kumento sa bawat chapter ay lalo akong ginaganahang mag sulat. Para mapasalamatan kayo ay gagawin kung every 2nd day ang posting sa bawat Chapter. Salamat sa inyo at Ingat lagi tayo… Zildjian
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Dumating si Rome sakto lang tapos na ako mag impake ng mga damit ko. Agad syang pumasok sa aking kwarto na hindi ma drawing ang mukha at pinag papawisan.
“Oh? Anu ng yari sayo bakit ganyan ang mukha mo?” ang natatawa kung tanong sa kanya.
“May Problema tayo na di ko naisip agad. Di pa ako nakapag pa reserve ng tutuluyan natin sa Cebu dahil underage pa ako buti pinaalala ni Mommy sa akin kanina at mahirap daw makahanap ng matutuluyan doon kasi nga maraming torista.” Malungkot na sabi nya sa akin.
“Naku! Palpakers ka talaga! Sabi ko na nga ba walang magandang naidudulot ang instant na mga desisyon mo. Teka tawagan ko si Mama baka magawan nya ng paraan.”
Tinawagan ko agad si Mama para magpatulong. Agad naman nya kaming nahanapan ng matutuluyan, Crown Regency ang nakuha nya dahil sa kilala na sya doon, don kasi sila madalas mag meeting at don din nila tinutuloy ang mga ka-meetings nila at mainam daw yon dahil malapit lang sa Fuente sa may sky walk at Colon at nasa likod lang nito ang Robinsons mall.
Nakatitig naman sa akin si Rome habang kinakausap ko si Mama sa telepono. Di ko pinapahalata sa kanya na wala nang problema para pakabahin ko pa sya nang kunti. Wala na akong kausap sa telepono di ko pa rin ito binababa. Nag papangap parin ako na kausap ko si Mama habang nakakunot ang noo ko at nag prepretend na disappointed. Pagkababa ko sa telepono nag buntong hininga ako para mas lalong kapani paniwala.
BINABASA MO ANG
The Right Time
RomantizmSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...
