Nakapasok na kami sa bahay nila Rome na may matinding pag-aalala sa aking sarili sa mga mang yayari. Dumiretso kami sa dining area nila. Tinawag naman ng Mommy ni Rome ang dalawang katulong para initin at simulang ihanda na ang pag-kain. Pag kaupo ko agad akong binanatan ng tanong ng Mommy nya.
"So Anu ang natapos mo?" walang emosyon nitong tanong sa akin.
"Co- computer Science po Maam." Kinakabahan kung sagot sa kanya.
"Ikaw pala ang Ace na KAIBIGAN ng anak ko way back in High School." Pag bibigay diin nya sa salitang kaibigan.
Di ko alam ang isasagot ko. Ramdam ko na pinag papawisan na ako. Tumingin ako kay Rome para sana mag patulong pero naka yuko lang ito.
"Opo.. ako nga po yon." Ang pabulong kung sagot pinilit hindi mag stammer ang boses ko.
"So dati na ba kayong may SPECIAL na pag tingin sa isat isa?" sabi ulit nito "Alam ba ng parents mo na ganyan ka?" dagdag pang sabi nito.
Gusto ko nang mag walk out dahil feeling ko minamata na ng Mommy ni Rome ang aking pagka tao. Hindi ko rin alam kung anung tanong ang sasagutin ko.
"O-opo." Ang pilit kung sagot sa huling tanong nito.
"San ka nag aral nung collge? Don ka rin ba sa Cebu nag aral?" ang may halong galit na nyang sabi. "I didn't expect this honestly. I was expecting na babae ang dadalhin ng anak ko but it turns out na lalake pala." Dagdag pa nito sa parehong tono.
"Mommy Stop it. Wag nyo.." ang sabat ni Rome na pinutol agad ng Mommy nya.
"Stop what? Nag tatanong lang naman ako. Wala naba akung karapatang mag tanong sa SPECIAL someone ng nag iisa kung anak?" sarkastikong sagot agad ng Mommy ni Rome.
"Mom.."
"Shut up Ervin im not finish talking to Ace." May diin nitong pag papa tigil kay Rome.
"Sa Manila po ako nag-aral" ang sagot ko nalang para di ma bulyawan si Rome ng Mommy nya.
"So kelan pa ito? How did this happened Ace? How about your parents okey lang ba sa kanila ang relasyon nyo ng anak ko?" sunod sunod na tanong nito.
Nag desisyon na akong tumingin sa kanya. Nag buntong hininga muna ako bago sumagot.
"Hindi pa po kami ni Rome wala pang namamagitan sa amin. Way back in high school Best friends talaga kami wala po yun halong malisya." Ang sagot ko sa Mommy ni Rome habang nakatingin ako sa mata nito.
"Walang namamagitan pero special ang tingin ng anak ko sayo? Where did it start then?" balik nanaman ito sa walang emosyong mukha.
"Honestly Mrs. Ruales I also don't know where it started. Wala naman kasi ito sa plano ko." Medyo nanginginig na ako sa kaba buti nalang di ako nag stammer.
"I want to meet your parents." Ang sabi nya na may ngiti na sa labi.
Hindi ko alam kung bakit biglang nag iba ang expression ng mukha ng Mommy ni Rome. Kanina lang kasi parang gusto ako nitong sakalin ng sabihin ni Rome na ako ang special someone nito. Isama pa ang mga tanong nito sa akin.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo iho? Effective ba ang pag tataray ko?" ang wika nito sabay tumawa ng nakakaloka. Napa nganga talaga ako sa biglaang pag babago nito ng mood.
"Si Mommy talaga syado mo namang pinahirapan ang future wife ko." Ang naka ngisi nitong sabi habang naka tingin sa akin.
Napakunot ako ng nuo. Hindi ko na alam ang mga nang yayari naguguluhan ako kung bakit biglang nag iba ang atmosphere sa loob ng bahay nawala ang tensyon na kanina lang ay ramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Right Time
RomantikSi Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay...
