Chapter 12

2K 57 1
                                        

Matapos kong makita si Rome na may kasamang babae sa kama at kapwa hubo't hubad, hindi ko na mapigilan ang sarili kong malungkot at magtanim ng hinanakit sa kanya. Lahat ng pag-asa kong magkaayos pa kami ay nawalang parang bula.

Dali-dali akong lumabas ng bahay nila at hindi na nagawa pang magpaalam kay tita. Narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko na inalintana pa. Masyado nang mabigat ang nasaksihan ko, hindi ko na kaya pang humarap kay tita.

Bakit ganun? Kung kailan ako handa para kausapin siya at ayusin ang kung ano mang gusot mayroon kami, saka ko naman natuklasan na hindi pa pala ito ang right time. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse at agad itong pinasibad. Tuliro ang isip ko. Bahala na kung saan ako dalhin ng sasakyan ko, ang gusto ko lang ay makalayo ako sa lugar na iyon.

Namalayan ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang bar. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na ako.

"Johnny Walker please!" Sabi ko sa barista.

Maya-maya pa ay inaabot na nang barista yung alak. Pagka-abot ay agad ko na itong tinungga. Um-order pa ako nang isa pa at ng isa pa hanggang sa maramdaman ko na medyo nahihilo na ako.

Hindi ko na napansin ang paglapit ng isang lalaki. Um-order ito nang alak at tumabi nang upo sa akin.

"Hi dude!" Sabi nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya.

"May hinihintay ka ba?" Tanong niya sabay inom ng alak.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Mind if I join you?" Medyo naiirita na ako sa isang to. "I'm having a bad time sa bahay. Everyone's been watching over me. I want my liberty back." Paglalabas nito nang hinanakit. Hindi ko alam bakit ako ang napili nitong pagkuwentuhan.

I remained still and ipinagpatuloy ang pag-inom mag-isa. I didn't paid much attention sa mga pinagsasasabi niya.

"You know what, you look familiar." Bigla nitong sabi. Napatingin ako rito.

"Yeah I know you! Ikaw yung nasa kumakalat na picture when I was in high school. I never thought na makikita kita rito. God, mas masarap ka na ngayon!" Walang pigil na sabi nito sa akin siguro dala nang kalasingan.

Medyo nag-init ang tenga ko sa narinig. Tumayo ako at itinulak siya.

Dahil sa ginawa ko ay medyo nakakuha kami nang attention. Para silang nanunuod lang ng isang showdown na pumalibot sa aming dalawa. Rinig na rinig ko naman ang pagsigaw nila nang 'fight'.

"Ano bang problema mo!" Sabi nito na nag-aamba na nang away.

"Fuck you! Ikaw ang may problema hindi ako!"

Napamaang ito sa sinabi ko.

"Did you know the concept of privacy?" Sabi ko pa rito.

"In the first place wala ka nang privacy. Nagawa mo ngang makipaghalikan sa campus with the school's heartthrob." Panunumbat nito.

"Damn you!" At sinugod ko na siya. Nakailag siya sa suntok ko.

Patuloy lang ako sa pagsugod sa kanya ngunit palagi naman siyang nakakaiwas.

"Kala mo hindi kita matatamaan?" Pang-aasar ko sa kanya dahil napuruhan ko rin siya.

Hindi ko naman inaasahan na gaganti ito na magiging sanhi nang pagkatumba ko. Putok-labi ako na nakahiga sa sahig. Hindi na ako makatayo dahil sa pagkahilo.

Hiyawan naman ang mga nakapanuod sa laban naming iyon. Halos lahat sila ay tuwang-tuwa sa kinahinatnan ko.

"Urghh!" Inis na sabi ko habang pilit na tumatayo.

The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon