Third person's P.O.V
"Lincoln family had made an event for all the orphan's in this city. This family is known to be very helpful and down to earth, that's why the people here said that they really are lucky to have them" saad ng isang reporter habang hawak ang kanyang mikropono.
Si King wilford at Queen eliza ang nagmamay-ari ng Paradise city. Isa itong royal city. Mayaman, maayos at payapa ang lungsod na ito ngunit hindi ito hadlang upang hindi mismong intindihin ng King at Queen ng mga mamamayan. Ang pamilyang Lincoln ay may dalawang prinsesa.
Si Xeira at Sofia.
Bukod dito, masasabing walang masusumbat ang mga mamamayan sa pamilyang ito. Matulungin ito sa lahat ng mga tao, nakikisama at walang pinipiling kaibiganin. Ang kanilang dalawang anak ay madalas na sumama sa kanila tuwing may mga events silang pupuntahan na pagtulong, ngunit nananatiling tahimik ang mga ito at walang kibo sa mga tao.
"Princess xeira, ang ganda niyo po"
"Ang bait niyo pa po"
"Sana po maging katulad ko kayo, paglaki ko" sambit ng mga bata kay Xeira, tinignan lamang sila ni Xeira at agad rin namang umalis at dumiretso sa kanilang kotse.
Xeira's P.O.V
I left those kid with their unmarked face. Dumiretso ako sa kotse namin at agad din namang umalis. Ilang saglit lang ay narating din naman agad namin ang mansion. Bumaba agad ako ng kotse at papaakyat na sana sa kwarto ko ngunit pinigilan ako ni Mom.
"Xeira, you'll eat dinner with us" maikling sambit nito. Dumiretso agad ako sa kwarto at hindi ito pinansin. Nang marating ko ang kwarto ko, halos malaglag ang panga ko sa gulat dahil sa dami ng katulong sa kwarto ko.
Lumapit ako sa kwarto ko at agad din naman akong napansin ng ibang maids. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Napukaw naman bigla ng isang katulong ang atensyon ko, tangkang hahawakan nito ang isang pairs ng sapatos ko.
"Don't you dare!" sigaw ko. Nataranta naman ito at napayuko. Tinignan lamang nila ako at luminya sa harap ko. Umabante naman sa pagkakalinya yung kaninang katulong na nagtangkang hawakan ang sapatos ko.
"Sorry, princess" mahinang sambit nito. Natawa na lamang ako sa kanyang sinabi, atsaka siya nilapitan. Tahimik ang ibang katulong ngunit halata sa kanilang mga mukha ang kaba na baka kung anong gawin ko sa katulong na 'to.
I grinned then said "O'cmon! Sorry? Really? So, you think i accept apologies? So, damn funny!"
"Ah.. princess. Pasensya napo, bago lang po siya" napatingin naman ako sa nagsalita. Iisa-isahin ko na ang pag-iintroduce sa sarili ko, first. Ayoko sa madaldal, kapag hindi kinakausap.
"Shut up, can you? Hindi kita kausap pero dahil nakisali kana rin naman. Sige at pagbibigyan kita, ano sa tingin mo ang pakielam ko kung bago siya? Wala, diba?" napatawa naman ako sa reaksyon ng mukha nito. Mukha silang ewan.
"So, new? If she's new then why did all of you send her in my room?! Alam niyo sa lahat ang ayaw ko, pero mukhang hindi kayo nakakaintindi. Sa susunod, lahat ng papasok sa kwarto ko ay dapat alam ang mga ayaw ko, pakitatak sa mga utak niyo!" sigaw ko sakanila. Tumango na lamang sila.
"Sorr---" hihirit pa sana ang bagong katulong na 'to pero dahil naiirita ako, sinigawan ko sila.
"GET OUT!" agad din naman silang naglabasan ng kwarto ko.
Well, let me introduce my self even though i don't know why i have to. Tss! My name is Xeira Lincoln. Satisified?
I'm not kind, not even helpful. Ibahin niyo ko sa pamilya ko, ibahin niyo ko sa lahat. 'kay?
Masungit? Maldita? Maarte? Pakielam ko?! Hindi naman ako tanga para hindi maniwala sa lahat ng yan, dahil totoo naman. Akalain mong mag tatlong 'M' ako sa buhay ko at higit sa lahat trending ako lagi sa istoryang 'to. Ayoko sa mga taong madaldal, katulad ng nabasa niyo kanina. Ayoko rin sa mga papansin, at higit na ayoko sa mga pakielamera.
Katulad nalang nabasa niyo kanina, ayoko ng hinahawakan ng iba ang sapatos ko. IBAHIN NIYO KO SA LAHAT! Dahil kapag nahuli kitang hinahawakan ang sapatos ko? Well, better be prepared to die!
"Princess xeira. Pinapatawag na po kayo ng Queen, handa na daw po ang hapunan" satsat ng maid sa pintuan ko.
"Whatever!" sambit ko. Ayoko sa lahat ng sumasabay sa hapagkainan sa kanila, si Mom lang naman ang bukod tanging nakakapilit saakin dahil simula nang bata pa ko hanggang ngayon, hindi parin nawawala ang takot ko sakanya.
Sofia's P.O.V
"So, mom. Any events for tomorrow?" tanong ko habang nakain kami. Kumpleto kami sa hapagkainan, isama niyo si Xeira.
"Wala, sofia. You can stay here" sagot naman ni Mom. Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Ako nga pala si Sofia Lincoln. Isang prinsesa. Anak ni King wilford at Queen eliza na nagmamay-ari ng Paradise city.
Bokabularyo ng pamilya namin ang tumulong lalo na't kami ang namamahala ng Paradise City. Si xeira, malaki ang pinagkaiba niya saamin. Sumasama lamang siya sa mga events dahil pinipilit siya ni Mom pero kung hindi, malamang ay magkukulong lang siya sa kwarto niya.
Biglaan nalang naging ganyan ang ugali niya. She never talk to anyone, kay Mom lang siya may takot.
Simula ng mamatay ang kapatid namin na si Harold na sobrang malapit sakanya, tsaka lang sya nagkaganyan. Hindi ganoong nalabas ng kwarto at hindi madalas nakikipag usap. Ibang iba sa dating Xeira na kilala ko at kilala ng lahat.
Natapos na kaming kumain, didiretso sana ako sa kusina upang tulungan sa pagligpit ang mga maids ng hawakan ni Xeira ang braso ko. "Samahan mo bukas si Mom, ayokong sumama sakanya" maikling sambit nito atsaka umakyat papuntang kwarto nito.
Napatango na lamang ako. Hindi siya madalas maging pormal sa pagsasalita, dito kasi ang prinsesa ay kailangang maging pormal. Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang cabinet ko, ihahanda ko lang ang susuotin ko para bukas kasama si Mom. Bigla naman akong nagtaka, hindi ba't sabi ni Mom wala namang event para bukas? Hindi kaya si Xeira lang ang kasama?
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013