Clark's P.O.V
Naghahanda na ko para sa pagpasok. Hindi ko parin malimutan yung nangyari kagabi. Kundi dahil kay Sofia, wala akong alam ngayon.
- Flashback -
" Excuse me ? Are you alright ? " - Tanong ko kay Sofia
Nagulat ako ' bigla nya kong niyakap. Hala ! Lumingon si Xeira.
-__- « Xeira
" Thank you " - Sabi ni Xeira in a very cold voice. Nakakatakot yung boses nya -_-
" Ah ? Sofia ' T-teka ! Bakit mo ko n--- "
" Thank you. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ni Xeira after mamatay ni Kuya. Nakikita kong nagbabago sya ' at alam ko dahil yun sayo. Sige ' alis na ko " - Sofia
Bago ? Dahil sakin ? Hindi ko maintindihan ' -__-
" SOFIA ! Meet me at the Cafe tommorow morning ! OKAY ? " - Sigaw ko, gusto kong maintindihan yung mga sinasabi nya kaya ko sya niyaya. Buti nalang nagthumbs up sya.
[ Morning at the Cafe ]
Andito na kami ni Sofia, agad nyang sinimulan ang pagkukwento.
" Si Xeira. Hindi ko alam kung anong meron sakanila ni Kuya, ang tanging alam ko lang ay close na close sila dati, Laging magkasama at hindi naghihiwalay. Kaya hindi nakakapagtaka kung sobra syang masaktan sa pagkawala ni Kuya, pero sumobra na yung depresyon nya at umabot sa muntikan na syang mamatay. Gabi nun ' nung nakita namin sya sa banyo nya na nakahandusay sa sahig at bumubula ang bibig. Buti nalang at naagapan sya kundi pwede raw kumalat ang lason sa katawan nya " - Sabi nya
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013