Clark's P.O.V
Prom day na. Si Elaine ang date ko.
Kabababata ko si Elaine. Mahinhin at maituturing mo siyang perpekto pero wala sakanya ang katangiang meron si Xeira na nagustuhan ko.
Girlfriend ko siya. Pero dahil lang yun sa mga magulang niya. May cancer si Elaine. Hiniling nila ang bagay na ito, para kay Elaine. Kahit anong oras pwede na siyang mawala sa mundong ito, kaya gusto nilang makitang masaya ang anak nila sa huling pagkakataon.
Hindi ako nakatanggi, dahil kahit papaano gusto ko rin siyang makitang masaya bago siya mawala pero mali. Sobrang mali na sa huling pagkakataon, magsisinungaling pa ko sakanya.
Pero anong gagawin ko? ... kung ang bagay na ito ang makapagpapasaya sakanya bago siya mawala.
Sofia's P.O.V
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Xeira. Napakaganda niya talaga at hindi mapagkakaila ang korte ng katawan niya na sumakto sa gown nitong nude ang kulay.
"You look wonderful, xeira" sambit ni Yui sakanya. Nawala ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko sa mga mata ni Xeira ang lungkot kahit na nakangiti ito.
Nasasaktan parin siya.
Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Edward at sumakay naman ako. Habang nasa biyahe, napukaw ng atensyon ko ang phone kong nagriring.
"Mom? Why?"
"Uh~ Nothing sofia. I just wanted to ask kung kasama mo si Xeira, hindi ko kasi siya matawagan" saad naman nito.
"Actually mom, kakaalis lang namin ng Mansion. Nasa harap lang namin yung kotse nila. Ano po bang gusto niyong sabihin sakanya? I'll tell her."
"Really? Tell her na naayos ko na kamo yung ticket niya papuntang Paris. Her schedule is the day after tomorrow at 12nn. Ayos na kamo lahat, that's all sofia. Goodbye and Enjoy"
Binaba na ni Mom ang tawag bago pa ko makapagtanong. Bakit siya aalis? For what?
Nakatitig lang ako sa sasakyang nasa harap namin.
Xeira's P.O.V
Ilang saglit lang ay nakarating narin kami sa School Mansion, dito ginaganap ang mga events na hawak ng school. Kaya dito gaganapin ang Prom.
Bumaba ako ng kotse nang hindi inintay ang pagbukas ni Yui ng pinto.
"Yui, mauna kana! Gagamit lang ako ng Restroom" sambit ko rito, tumango naman ito.
Naglalakad ako papuntang Restroom ng makita ko si Sofia na nakatingin sa akin mula sa malayo, nilapitan ako nito na parang.. galit na ewan?
"Bakit ka aalis?" tinaasan ko siya ng kilay at magpapatuloy na sana sa paglalakad ngunit, hinarang niya ang daan ko.
"Naiihi nako, pag ako umihi dito kasalanan mo! Tss." seryoso parin ang mukha nito na nakatingin saakin.
"I'll leave, kahit ano pang sabihin niyo, kahit pigilan niyo pako. Aalis parin ako!" tumalikod ako dito, at naglakad.
"Running away, again? huh?" napalingon ako kay Sofia na walang pagbabago ang emosyon.
"Running away? Is that all you can do, Xeira? Tatakas ka nanaman ba katulad lang nang dati"
Humarap ako sakanya at diretsong tinignan ang mata niya "Maybe im running away. If i've learned something from the past, it is to gave happiness to someone, that only me could do. Aalis ako para kay Elaine, sofia. Aalis ako para sa kasiyahan na mabibigay ko sa isang tao."
"Anytime pwedeng iwan ni Clark si Elaine at hindi ko hahayaang mangyari yun, hindi ko hahayaang maramdaman ni Elaine yung naramdaman ko nung nawala si Kuya, lalo na't kahit kailan pwede siyang mawala." saad ko dito.
"Stop running away, Xeira. Please just stop it already. Learn to face everything that had to happen. Everything happens for a reason"
"Buo na ang desisyon ko, Sofia. If everything happens for a reason, maybe there is a reason why i should go to Paris and why i should run away" tinalikuran ko siya at iniwang walang emosyon ang kanyang mukha.
Sorry, Sofia. This is all i could do. If running away is to make someone happy, then i better run away,
.
.
.
.
.
.
again.
--
Author's Note: BAKASYON NA. Alamnadis! HAHA. ☺
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013