Epilogue

267 9 1
                                    

10 years passed.

Isang prinsesa na nagngangalang Xeira ang ating sinamahan sa kanyang buhay. Tinahak ang problema at pati narin ang kasiyahan ng buhay.

Maaaring maraming nagsasabi na hindi natin kailangang magbago para mahalin tayo ng isang tao, tama naman ngunit kung ibabagay sa sitwasyon. Minsan ay kailangan rin nating alamin ang pagkakamali sa atin, at maging totoo sa ating nararamdaman.

At yun ang bagay na nagawang tahakin ni Xeira upang malaman ang importansya ng pagmamahal.

--

"Mommy? Daddy? Kailan ko po ulit pwedeng madalaw sila Chloe at Haley?" tanong ng isang batang babae sa magulang nito.

Magkakahawak ang kamay ng mga ito. Nasa gitna ang bata, at hawak naman ng magulang sa magkabilang kamay ang kanilang anak.

Ngumiti naman ang magulang nito sakanya. "Pupunta tayo sakanila bukas, okay?" masayang sambit ng ina nito.

"Sa ngayon, maglalaro muna tayo. At ako ang taya, kaya hahabulin ko kayo" masayang sigaw ng ama atsaka naman sila nagtakbuhan at naghabulan. Mababakas ang saya sa mga mukha nito na masaya sa kanilang buong pamilya.

"Raniya, kain muna tayo" sambit ng ina atsaka naman sila umupo sa isang kumot na nakalatag at kumain.

"Xeira? Clark?" napatingin naman ang dalawa sa tumawag ng pangalan nila, pati narin ang kanilang anak na si Raniya ay napatingin.

"It's you, guys! Do you remember me? It's trina, school president of our school" sambit nito, masayang napatayo naman ang mag-asawa.

"Ikaw pala! Kamusta na?" saad ni Clark dito. Ngumiti naman si Trina atsaka pinalo ng mahina si Clark.

"Hindi ko naman akalain na kayong dalawa ang magkakatuluyan, at makakabuo ng isang napaka-cute na bata" sambit nito, atsaka kinurot sa pisngi si Raniya. Ngumiti lamang si Raniya at nag-'hi' dito.

"Ah, oo. Ikaw ba? May pamilya kana ba?" tanong naman ni Xeira. Nailipat naman ni Trina ang tingin kay Xeira at tumango.

"Oo, may dalawa na 'kong anak. Hahaha! Parang dati lang, tinutulungan niyo ko sa pag-oorganize ng prom 'no? Tapos ngayon, may sari-sarili na tayong pamilya" sabi ni Trina, napatango na lamang sila.

"Oo, tapos yung ang layo pala ng bahay niyo nun. Hindi mo manlang sinasabi, kaya pagod na pagod na kami bago pa kami makarating sa bahay niyo" saad naman ni Clark na ikinatawa naman nilang lahat. Saglit lamang sila nagkwentuhan at umalis narin agad si Trina.

Nagpapahinga sila Xeira ng narinig nito ang kanyang phone na tumutunog. Napabangon naman ito sa pagkakahiga kasama ang kanyang pamilya at sinagot ang tawag.

"Ah.. sige, we'll be there" saad nito sa telepono at agad na ibinaba. Nagtatakang tumingin sakanya ang mag-ama atsaka naman sila kinurot sa pisngi.

"Raniya, mama and papa wants to see you. Atsaka Clark? You have a meeting, right?" napatayo namang bigla si Clark, samantala si Raniya ay nakangiti.

"Oo nga pala, halika na" sambit nito. Agad narin naman silang umalis at bumalik sa mansion.

Ilang saglit lang ay narating naman na agad nila ang Mansion. Hindi pa nakakadating sa loob ng bahay ay tumakbo na agad si Raniya at tumuloy sa kanyang Lolo, samantala si Clark naman ay dumiretso na sa bahay nila Yui para pag-usapan ang bussiness.

Tumuloy ito sa kwarto niya at nakita ang kanyang ina na nakaupo sa upuan kaharap ng salamin habang suot ang tiara nito bilang Queen. Agad siyang hinila nito at pinaupo sa inuupuan nito kanina.

Nanlaki ang mga mata ni Xeira ng tanggalin ng mama niya ang tiara mula sa ulo nito at isinuot sakanya.

"You're no longger a princess, xeira. Live your wonderful life with my full blessings, Queen xeira"

Naglakad naman ng pirme si Xeira na nakapukaw sa atensyon ng lahat ng maids at buttler. Luminya ang mga ito sa harap niya, atsaka nag-bow.

"Welcome...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Queen Xeira"

XeiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon