Dalawang araw na ang lumipas. Isang magandang umaga ang sumalubong saakin sa aking paggising. Siguro ay dahil alam 'kong ngayon na ang simula ng pag-momove on 'ko. Sisimulan 'ko narin ang tuluyan 'kong pagbabago. Ang pagbalik ng dating Xeira sa dati. Yung kilala ng lahat.
Baka ma mis-interpret niyo. Hindi naman ako magbabalik sa dating masama. Babalik ako dun sa unang ako. 'kay?
"Tara sa Eiffel tower?" pagyayaya saakin ni cath. Ngumiti naman ako, pinapangarap 'ko ng puntahan ang Eiffel tower dati kasama si Kuya, pero nung nawala siya. Binalewala 'ko nalang.
"Sige, best. Maliligo lang ako" at ayun naligo na nga ako, nag-ayos narin.
Ilang saglit lang naman natapos nadin ako at umalis na kami. Nang makarating kami dito, hindi na 'ko nabigla sa nakita ko. Ine-expect ko na ang magandang Eiffel tower na 'to. Ang daming mga lovebirds kuno dito. Yung iba holding hands while walking, yung iba naman nagtutukaan. Sabagay, ano pa nga bang i-eexpect mo sa napakagandang lugar na 'to? Napa-sigh nalang ako.
"Carmen!" nagulat naman ako sa pag-sigaw ni Best sa gilid 'ko. Wagas e, ang lapit pa sa tenga 'ko. Napatingin nalang ako sa tinawag niya. Okay, di ko kilala.
"Best! Wait lang ha? Saglit lang 'to, may itatanong lang ako" tumango nalang ako. Alangan naman pigilan 'ko?
Nag-paiwan nalang muna ako dito sa isang bench malapit sa eiffel tower. Ayoko namang sumama kay Cath na kausap ung Carmen na sinasabi niya, baka ma-OP lang ako. Mas okay na dito, atleast ang dami pang tao. May mga magagandang couples kang makikita, at seriously, di ko mapigilang maiingit. Ay! Joke lang yun, magmomove-on na nga diba? On processed na 'ko sa pag move on e.
Nasabi 'ko na nga pala kay Best ang lahat. Yung tungkol sa pagbabago 'ko simula ng mamatay si Kuya na naging dahilan ng pagputol 'ko sa communications namin. Nabigla pa nga siya nun, pero niyakap niya lang ako. Nakakatuwang isipin na andyan lang talaga siya para saakin, kahit pa ang layo ko sakanya at kahit pa sinubukan ko ng putulin ang pagkakaibigan namin.
Napag-usapan din namin ang mga balak namin dito sa Paris. Well, dapat talaga aasikasuhin ko dito ang business namin nila Mom kaso, sabi ni Mom e wag na daw. Kaya naman daw nila, isipin ko nalang daw na bakasyon 'to at magpakasaya ako. Eh bakasyon lang naman talaga 'to e. Medyo matagal-tagal lang pero ni minsan di naman sumagi sa isip ko na mag-stay dito.
So, ayun nga. May maliit na flower shop dito si Best, sabi niya baka gusto 'ko daw tumulong sakanya dun. Pumayag naman ako, dahil ayokong maiwan palagi sa apartment 'no! Atleast manlang may pagka-abalahan ako dito. Ayun na nga, natatanaw ko si best dito at hindi parin nabalik dahil kausap niya parin si Carmen.
Nahagip ng mata 'ko ang isang babaeng pamilyar. Ewan? Nakatalikod ito pero ang pamilyar ng aura nito para saakin. Tumayo ako sa kinauupuan 'ko at unti-unting naglakad papalapit dito.
"Best!" napalingon naman ako bigla sa sigaw ni Cath. Ah, tapos na pala siya makipag-usap. Nginitian 'ko naman ito at babalik na sana ng maalala 'ko ung babaeng pamilyar saakin kaya humarap ako ulit ngunit wala na ito. Napabuntong hininga nalang ako atsaka bumalik sa pwesto namin ni Cath.
"Tara, kain muna tayo dun sa restau" sabi naman nito at agad akong hinila. Habang hinihila ako nito, hindi ko mapigilan hindi lumingon.
"Krissa?" bulong ko sa aking sarili. Napabitaw ako kay Best sa di ko alam na kadahilanan. Tumakbo ako papunta sa harap nito at sakto namang bumagsak ang bag na dala 'ko na ikana-gulat nito.
"Princess xeira?" sambit nito na nanlalaki ang mga mata habang binaling 'ko naman ang tingin ko sa bag ko na nalaglag. Pati kasi laman natapon. Kamalasan.
Agad naman akong umupo at dinampot ang mga bagay na natapon mula sa bag 'ko. Tinulungan rin ako ni Krissa at Best. Habang patuloy kaming nagpupulot ng mga laman ng bag 'ko, nagulat na lamang ako ng biglang tumayo si Krissa hawak ang bracelet na mula sa bag 'ko.
Bracelet na galing kay Kuya.
Krissa's P.O.V
Napatayo na lamang ako sa pagkabigla habang hawak ang isang bracelet. Isang bracelet na nagmula sa bag ni Princess xeira. Ang nag-iisa 'kong bracelet na ibinigay 'ko kay Harold.
Nagulat na lamang ako ng bigla hablutin saakin ni Xeira ang bracelet 'ko. Naninibago ako sa itsura nito at sa kilos na 'to. Iba na kasi siya, hindi na siya ung Xeira na lagi akong sinusungitan dati. Iba na yung aura niya.
"Akin yan, Xeira" panimula 'ko. Kumunot naman ang noo nito. Mahirap ba talaga paniwalaan?
"Anong sinasabi mo?" saad nito. Napa-singhap nalang ako, mage-explain ako? Ano pa nga ba?
"Si Harold. Ibinigay 'ko sakanya yan, ako ang nagmamay-ari ng bracelet na iyan" sabi ko. Nanlaki ang mga mata nito. Pero hindi ko inasahan ang kanyang pag-ngiti.
Andito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa Eiffel tower. Pagkatapos 'kong sabihin sakanya na ako ang nagmama-ari ng bracelet na mula sa bag niya ay ngumiti ito at niyaya ako dito. Iniabot nito saakin ang bracelet atsaka ngumiti.
"Pasensya na, natagalan ako ng paghahanap sayo" sambit nito. Nagtaka naman ako dito, ngunit madali niyang naikwento saakin ang mga nangyari.
"Ibig sabihin matagal mo ng alam na kapatid ko si Harold?" tumango lamang ako.
"Hindi ko sinabi kaagad dahil hindi pa alam kung paano ko tatangapin ang lahat dati. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na wala na ang taong minahal 'ko" napangiti na lamang ako. Malaking tulong rin pala na naibigay 'ko ang bracelet na ito sakanya. Kay harold.
"Matagal na kitang gusto makita, Krissa. Hindi ko lubos akalain na ikaw pala ang babaeng nagpa-ibig sa Kuya ko. Siguro ngayon ay masaya na siya" sambit nito saakin. Ngumiti ito ng mapalad, ultimo'y parang sobrang saya nito at natagpuan niya na ako. Ginantihan 'ko din naman ito ng ngiti.
"Ano palang ginagawa mo dito sa paris, Princess xeira?" tanong ko dito. Natutuwa ako dahil mukhang bumalik na nga talaga ito sa dati.
"Ah.. ano-- kasi.."
"Nagmomove-on siya, krissa. Dun sa Clark daw?" saad naman ng kaibigan ni Princess xeira na si Catherine daw.
Nagulat naman ako dito. Move on? Nagkalabuan ba sila? Agad naman itong tinapik ni Princess xeira.
"Ah. Krissa, wag mo na 'kong tawaging Princess. Xeira nalang" sambit ni Princ-- este Xeira. Pumayag naman ako tutal siya narin ang may sabi.
"Nakita 'ko si Prince clark sa airport eh. Siguro mga monday yun ng gabi, diba yun din ang araw nung umalis ka?" saad ko dito. Nalungkot naman ang mga mata nito atsaka pilit na ngumiti.
"Ah. E ikaw, anong ginagawa mo dito, Krissa?" pag-iwas naman nito sa tanong 'ko. Naiintindihan ko naman siya kaya hinayaan ko nalang.
"Maghahanap ng trabaho, madali lang naman daw makahanap ng trabaho dito" sabi ko. Bigla namang ngumiti si Catherine atsaka hinawakan ang mga kamay 'ko.
"Kailangan 'ko ng cashier sa flower shop 'ko. Pwede ka?" sambit nito. Napangiti naman ako, ang laking tulong nito sa paghahanap ko ng trabaho. Alangan tanggihan ko pa?
"Oo nga, krissa. Wag kang mag-alala, kasama mo kami dun" saad naman ni Xeira. Tumango na lamang ako at ilang saglit lang din ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Tatawagan nalang kita mamaya, bukas tayo magsisimula sa flower shop, 'kay?" sabi saakin ni Catherine. Ngumiti ako atsaka tumango.
"Sige, krissa. Mauna na kami, see you!" sambit ni Xeira atsaka sila umalis. Nginitian ko lamang sila hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Bigla 'ko na lamang naalala ang pagsabi saakin ni Prince clark ng 'see you' doon sa airport.
Hindi kaya may balak siyang sundan dito si Xeira?
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013