Xeira's P.O.V
Wala akong magawa dito sa bahay kaya naisipan kong pumasok. Tatlong araw ang lumipas nung araw na pinakilala sakin ni Clark ang girlfriend niya.
Tatlong araw ang lumipas na, mukha akong tangang nakatunganga sa kwarto.
At dahil naboboring na talaga ako at hindi ko na ito matiis. Leche! PAPASOK NA ULIT AKO! :3
Namiss ko rin naman ang barkada, si Cassie, Edward... at si...
"Papasok ka?" saad ni Sofia, biglaang pasok sa kwarto ko. Tumango ako sakanya, at may mga ngiting gumuhit sa mga labi niya.
"2 days before the prom. Pupunta ka?" sambit ulit niya. Napayuko ako! May magagawa ba ako?
Everytime na may prom, lagi akong kasama. Panu? Ayaw ni Mom & Dad na magskip ako ng prom. Ewan ko kung bakit.
"Lumabas kana! Mag aayos nako!" sigaw ko sakanya, tumango siya at agad lumabas sa kwarto ko.
Sofia's P.O.V
"The study of *eklabu chenelu*---" daming satsat ng professor namin, tagal mag breaktime. Gutom nako! Nag aalburoto na ung tiyan ko. Wala nadin naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
Nabubwiset pa ko sa mga ngiti ni Clark dahil dun sa Elaine na yun. Nah~ I know, i sound bitch. Pero, hindi ko lang kasi siya maintindihan. Sabi niya gusto niya si Xeira, nagpapakita siya ng motibo, madalas pa sila magkita dati tapos biglang BOOM, MAY GIRLFRIEND NA SIYA.
Diba? Im just concerned sa kapatid ko, i know what she've been through. Ayaw kong makitang umiiyak ulit siya at ayokong makitang nasasaktan ulit siya. Ayokong maramdaman niya ulit ang maiwanan.
Lalo na ngayong, sigurado akong..... mahal niya na si Clark.
Cassie's P.O.V
Paakyat na ako sa rooftop. As usual, FOODTRIP ulit. Nandoon na silang lahat. Si Edward at Sofia. Si Clark at Elaine.
At si Xeira.
Malayo palang matatanaw mo na ang itim na aura ni Xeira na pilit ngumingiti sa harap nila. Nasasaktan siya. Alam ko, dahil simula bata palang, kilala ko na siya.
"Clark, baka tumawag sayo si Mama ha? Di ko kasi nasabi na sainyo ako mag-iistay" narinig kong sambit ni Elaine. Umupo ako sa tabi nila, at syempre nakipag kwentuhan pero bukod dun pinapakiramdaman ko silang lahat.
Si elaine? Mabait siya, mahinhin, anghel kumbaga. Wala namang mali sakanya e, kay Clark siguro marami. Ang gulo nila!
"Wuuuy! Hello! Dito pala kayo lagi kumakain, kanina ko pa kayo hinahanap e" sambit ni Trina. School president.
"Bakit pala?" tanong naman ni Edward.
"After this day kasi mag-aayos na kami ng mga props para sa prom night. Hihingi sana ako ng tulong, o kung ayaw niyo naman baka pwedeng sa mga maids niyo. Wala kasi akong maasahan na iba e" sambit nito. Kaibigan rin naman namin siya, hindi nga lang siya madalas nasama samin dahil sa mga paperworks na inaasikaso niya dahil President siya ng school.
"We'll help!" saad ni Xeira sabay tingin saamin. Tumango naman kami.
"Talaga? Thank youuu! SOBRA! Anyway, may mga date naba kayo?"
"Edward will be my escort" sambit ni Sofia.
"Ken will be my escort" saad ko. Yieee! Kinikilig ako.. Haha!
Inilipat ni Trina ang patanong niyang tingin kay Clark.
"Elaine will be.."
"Ah okay! How about you Xeira?" tanong nito ulit.
"I don't have"
"Really? Such a pretty girl like you?" napatingin naman kami sa nagsalita. Jusko! Si Yui. Half japanese. Pogi, matangkad, maputi, maporma. ALL IN ONE. Ghaaaddddd! Sana siya nalang pala sakin. Haha!
"Well then, if you don't have. Baka pwedeng ako ang maging escort mo? Would you mind Xeira?" sambit nito. Nakakakilig boses niya. Actually hearthrob siya dito sa school e. Ang cool niya kasi, tapos ang bait pa.
Tumingin si Xeira kay Clark bago ito tumango "Ofcourse"
"So? Lahat pala kayo may mga date na. ALRIGHT! Kita nalang tayo bukas ha? Wala namang pasok, sa bahay muna kayo punta. Bye!" sabi ni Trina at umalis.
Interesting! Ano kayang mangyayari sa Prom? Sana maging masaya.
**
AN: Hello everybody! Tagal din nu? Sorry ha? Sorry talaga! At salamat dun sa mga patuloy na nag iintay. Aylabyu! ^^ Anyway, sobrang late nato pero HAPPY NEW YEAR! XD. At dahil 2014 na, comment naman na kayo, vote at recommend. LOVELOTS! :* #ZiTao
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013