Andito parin ako sa tabi at umiiyak. Ayaw tumigil ng mga luha ko.
"Prince clark. Nag-aalala napo ang mga magulang ninyo, umuwi muna raw po kayo at kumain" saad ng buttler ko. Tumango ako rito, atsaka tumayo.
"Mauna kana, uuwi narin ako" saad ko dito. Ewan? Parang nanghihina ako, ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil sa hindi na 'ko nakakatulog kakaisip.
"Sigurado po kayo?" tumango lang ako rito. At tuluyan naman na siyang umalis. Naglakad na ako papunta sa aking kotse, pero bago yun nagpasalamat muna ako dun sa babaeng tinanungan ko kanina. Di ako nakapagpasalamat kanina e. Naunahan kasi ng iyak ko.
Habang naglalakad ako, may natanaw akong isang babaeng nakaupo sa waiting area. Naka-coat ito at naka braid ang buhok. Madaling araw na, kaya mukhang pinapauwi na siya ng guard. Hinayaan ko nalang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Xeira's P.O.V
"Kanina pa po kayo nandito, mabuti po kung umuwi na kayo, Princess Xeira" saad saakin ng guard dito sa Airport. Tumayo ako at yumuko. Bakit ba kasi hindi ako tumuloy?
Anong sasabihin ko ngayon kela Mama? Na hindi ko kayang iwan si Clark? Bakit ba ang tanga tanga ko? Pagkakataon ko na para kalimutan siya, pinalagpas ko pa.
"Pasensya napo" saad ko sa guard atsaka ako nagsimulang maglakad. Nakayuko ako habang naglalakad dahil naguguluhan parin ang utak ko kung ano ang sasabihin ko kay Mama.
Panu ba gagawin ko? Magtago nalang kaya ako? O kaya kumuha nalang ulit ako ng ticket bukas? Mag-stay nalang muna ako sa hotel, tapos bukas tuloy nako sa Pari--
"Xeira?"
Nanlaki ang mga mata ko sa boses ng tumawag sa pangalan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko, ngunit bago ko pa tuluyang maangat ang ulo ko, niyakap na ako nito.
"Wag mo na akong iiwan, Xeira" sabi nito. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha nito sa balikat ko.
"Clark?" kumalas ito sa yakap atsaka ako tinignan ng mabuti sa mata.
"Xeira, sorry. Sorry sa lahat, wag mo na 'kong iwan. Please, Xeira! I'll do anything" tinititigan ko lang siya atsaka ngumisi.
"Anything?" tumango naman ito. Para siyang bata. Pero atleast, ngayon alam ko na. Alam ko na ang dahilan kung bakit nandito parin ako ngayon.
"Hmf. Masakit paa k--" di pa ko natatapos magsalita, binuhat agad ako nito. Binibiro ko lang naman siya e.
"Huy! Joke lang yun. Ibaba mo na 'ko" tumawa naman ito atsaka ako binaba. Nagtawanan lang kami, ilang saglit bigla siyang tumahimik at iniharap ako sakanya.
"Xeira, i love yo---"
"Princess Xeira? Princess Xeira?" namulat ako at nakita ko ang isang stewardess na nag-aalok ng makakain. Umiling naman ako, atsaka ito umalis.
Panaginip? Panaginip lang ang lahat. Akala 'ko tuluyan niya ng masasabi ang lahat saakin. Akala 'ko magagawa niyang pigilan ako sa pag-alis ko. Pero lahat yun, akala lang. Dahil ngayon? Asan ba 'ko? Andito parin sa Eroplano, patungong Paris.
Naisip 'kong kuhain ang earphones ko sa bag para kahit papaano ay malimutan 'ko ang lahat ng lungkot. Ngunit, bukod sa earphones ang makuha 'ko, isang litrato ang hawak ko ngayon na galing sa bag ko.
"Kuya" mahina 'kong sambit. Nilagay siguro ni Mama dito sa bag ko. Ang pagkaka-alala ko, nabasag ang frame nitong picture na 'to at si Krissa ang nagbalik saakin nito.
Matagal ng umalis ang mga maids ko sa bahay, simula ng unti-unti ng maayos ang pakikisama 'ko. Nakatanggap kasi sila ng mas malaking trabaho na pwede nilang ipang-buhay sa mga pamilya nila. Kamusta na kaya sila?
Lalo na si Krissa. Siya ang pinaka-madalas 'kong sungitan at sigawan. Nakakatawa nalang pagna-aalala ko yung reaksyon ni Krissa kapag sinisigawan ko siya, parehas ng reaksyon 'ko kapag pinapagalitan ako ni Mom dati.
Ibinalik 'ko na ang litrato ni Kuya sa bag ko atsaka ko kinuha ang earphones ko, nagpatug-tog na lamang ako at unti-unting nakaramdam ng antok.
**
AN: Oh oh! Mananapak ako ng magrereklamo! HAHAHA. OO! MAIKLING UPDATE 'TO! Walang may pake. HAHA! Ge. Enjoy, tinatapos ko na 'to e. Seseryosohin ko na ung susunod kong story. XD! Teka? Natatandaan niyo paba si Krissa mga SR? (Silent readers)
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013