Chapter 17.1: Overload katangahan/KISS ❤

209 8 3
                                    

Xeira's P.O.V

Iniwas ko na agad ang tingin ko sakanila. Walang problema yun, madali lang naman mag-move on kapag umalis na ko. Diba? Diba? Diba?

Okay, stay put nalang ako dito hanggang sa umali-----



"ARAAAAYYYYY----" napahawak agad ako sa bibig ko. Sa lahat naman ng panahon, bakit ngayon pa sumobra ung katangahan ko. Ang sakit! Nagkamali ako sa paggalaw ko, dahilan kaya na-out of balance ung paa ko. Naka-heels pa naman ako.

XEIRA! PAGANAHIN MO UTAK MO! TAKAS NA!


Clark's P.O.V

"Clark! Tama na to, mas masaya ako kung hindi mo pinipilit ung sarili mong mahalin ako. Mas sasaya ako kung ganun"

"Elaine" saad ko dito, paalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya.

Hinila ko ang kamay nito, na-out of balance siya kaya muntikan na siyang mahulog, nadala niya ko kaya nadikit kami sa pader.

Magkalapit na ang mga mukha namin, iiwas na sana ako nang halikan ako nito. Parang naging bato ang katawan ko, anong ginagawa niya?

Ilang segundo rin kaming ganoon ang pwesto. Ako na ang unang umalis sa pagdidikit ng labi namin.

"ARAAAAAAYYYYYY---" napatingin ako kung saan nanggaling ang sigaw. Kilala ko ang boses na yun. Xeira.

Lumapit ako kung saan ko narinig ang boses ni Xeira. Pasilip na sana ako sa ilalim ng table kaso bigla siyang tumakbo. Ika-ika pa ung takbo niya pero ang bilis niya at naiyak siya.

Hahabulin ko sana siya kaso naisip ko si Elaine. Naiyak rin 'to.

"Elaine, just this time please." tuluyan nang tumulo ang luha ko, dahil gulong gulong na ang isipan ko.



Tumango ito "Go clark. Okay lang!" sambit nito. Agad-agad akong tumakbo. Natanaw ko agad siya, na tuluyan parin natakbo kahit na ika-ika na siya.

"Xeira" nang marinig nito ang boses ko, hindi siya lumingon, mas lalo niya pang pinwersa ang pagtakbo niya.

Niyakap ko siya, kasabay ng pagpupumiglas niya. Hinigpitan ko pa 'to.

"Bitawan mo ko, Clark" paulit-ulit na sabi niya. Umiiyak siya. Nasasaktan siya.

"Wag mong iwanan si Elaine. Wag mong ipadama sakanya ang naramdaman ko dati, Clark"


"Mahal na mahal kita, Xeira. Ayoko na"

Napaupo na kami sa kaka-pumiglas niya pero di hindi ko parin siya binitawan. Wala akong balak na bitawan siya.


Sa isang saglit, tumigil siya sa pagpupumiglas at humarap saakin. Tinitigan niya ko atsaka niya ako hinalikan.



Sumagot ako sa mga halik niya. Sobrang agresibo. Damang dama ko ang pagmamahal sa pagitan ng mga halik namin. Mahal niya ko, ramdam ko.

"Sana maintindihan mo ko, Clark"

---

Author's Note: Napaka-ikling update para sa araw na ituuuuu! May point two pa 'tong katangahan ni Xeira 'este chapter na ituuu! Sana nagustuhan niyo, yan lang pumasok sa isip ko ngayon e. HAHA! 

XeiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon