Xeira's P.O.V
"Punta muna tayong market? Bili tayo ng mga kailangan?" saad ni Trina.
Bigla ko siyang gustong suntukin. Leche! Ang layo pala ng bahay niya, di niya sinabi.
"Grabe! Ang layo pala ng bahay niyo" sambit ni Cassie. Tumango siya, at pumunta sa kusina nila.
"Sorry ha? Di ko nasabi sainyo. Teka? Asan pala sila Clark?" tanong nito habang nilapag ang Juice sa mesa. Umiwas ako ng tingin, at pumunta sa Veranda nila para makaiwas sa topic nila. Ewan? Ayoko na munang makarinig ng kahit ano tungkol sakanilang dalawa.
Pero mukhang mali ata ako ng punta dito sa Veranda dahil mas natanaw ko silang dalawa na malayo palang nagkukulitan na.
Yung mga ngiti ni Clark na si Elaine ang dahilan?
Yun ang madalas na dahilan kung bakit ako nasasaktan.
Pumasok na si Elaine sa bahay, kaya dapat ay iiwas narin ako ng tingin at babalik sa loob.
Ngunit, biglang tumingin si Clark sa gawi ko at nawala ang mga ngiting kaninang nakaguhit sa mga labi niya.
Lungkot sa mga mata niya ang nakita ko. Pero hindi ko hinayaan na maging dahilan yun para makita niya rin ang lungkot na nararamdaman ko. Sinigurado kong walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin ito saakin.
Ngumiti siya ng mapait at tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Dun ko nalang namalayan ang mga mata kong naglalabas ng tubig.
Wala na ang Xeira na matapang at malakas. Siya ang dahilan kung bakit bumalik ang Xeira na nakakaramdam na ulit ng sakit.
Edward's P.O.V
Andito kami ngayon sa Market, bumibili ng mga kailangan para sa props. Samantalang yung mga babae naman nasa bahay ni Trina, nagdedesign at nagpaplano na para sa prom.
"Ano nga yung mga pinabibili Yui? Na sayo ung listahan diba?" tanong ko.
"Oo. Kanina, i already gave it to Clark" saad naman nito. Tumingin ako kay Clark, iniabot naman niya ang listahan.
"Maghiwalay nalang tayo. Yui at Ken, pumunta kayo dun sa mga tools area. Bilhin niyo na ung ibang mga kailangan. Text nalang kayo pag tapos na" sambit ko at nagsimulang maglakad.
Habang namimili kami, si Clark parang wala sa sarili? Nakakapanibago talaga siya nitong mga dumaan na araw. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pamimili.
Few minutes later.
"Tekaaa! Gagamit muna ako ng Cr" sambit ni Ken.
"Sama nako. Maghuhugas ako ng kamay, natalsikan ako kanina nung color paint" naiwan kami ni Clark sa labas. Tumingin ako sakanya at sinundan ang gawing tinititigan niya.
Billboard ng Lincoln's. Si Xeira? Tinitignan niya si Xeira?
"Alam mo Clark? Pinapagulo mo lang ang lahat" napatingin naman ito sakin.
"You don't have to force yourself for something you really don't want and you don't have to get along with the problem. Instead, make solution" sambit ko rito, sakto naman ang paglabas ng dalawa sa Cr.
Umalis narin kami pagkatapos nun.
Elaine's P.O.V
Kakatapos lang namin magplano, inaantay nalang namin ung mga boys galing sa market habang si Sofia at Trina nagluluto para sa hapunan.
Natanaw ko si Xeira sa labas ng bahay, nakaupo sa duyan. Tumabi ako rito na naging dahilan ng pagtingin niya ng alanganin.
Ilang minutong tahimik at walang kumikibo sa aming dalawa.
"Si Clark?" narinig kong sambit niya. Napatingin ako rito, pero nakatingin lang siya sa kawalan.
"Kamusta kayo ni Clark?" pagpapatuloy nito. Tumango ako at ngumiti.
"Okay lang. Masaya..." saad ko. Ngumiti ito, mapait.
"Ganun ba?" tumawa siya ng mahina pero nawala rin agad.
Tumango ako "Simula bata palang magkakilala na kami. Lagi niya akong pinoprotektahan sa mga batang nang bubully saakin" pagkukwento ko.
Yumuko siya, nagtaka naman ako. Baka nahihilo siya?
"Kailan kayo naging magkaibigan?" tanong ko, bahagya niyang itinaas ang ulo niyang nakayuko at ngumiti.
"We've never been friends. Dahil hindi ko parin siya kilala, kahit ngayon" sagot nito. Nagulat ako? Akala ko magkaibigan sila?
"Ganun ba? Pasensya na." sambit ko rito. Umiling naman siya.
"May sakit kaba? Nahihilo ka? Ano bang nararamdaman mo?" pag-aalala kong tanong dahil kanina pa siya nakayuko.
Natanaw kong papalapit na dito sila Clark na may mga dalang gamit. Ngumiti ako sakanya at ngumiti rin siya.
"Nasasaktan ako" napatingin ako sakanya, tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay. Anong dahilan? Bakit siya nasasaktan?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Clark na nakatingin sa gawi ni Xeira na naglalakad papasok ng bahay. The sadness in their eyes, was the same.
"Halina! Kumain muna tayo bago dumiretso sa venue para sa props" narinig naming sigaw ni Trina mula sa bahay. Kaya lahat kami ay pumasok na.
A/N: Ginaganahan ako mag update. Haha! Vote, Comment, and Recommend po. How's the update? Medyo madrama nu? Lol. Siguro mga 20 chapters lang to. Kaya hold on guise! :* Lovelots.
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013