Sofia's P.O.V
Nasa kotse kami ngayon ni Xeira papuntang school at ramdam ko ang pagka BAD VIBES niya. At mukhang alam ko din naman kung bakit? Hmm..
"Hindi pa ba kayo bababa?" saad ni Manong pedro. Andito na pala kami sa School. Shh! Di ko namalayan kakamasid kay Xeira.
"Goodmorning girlfriend!" bati ni Edward, pagkababa ko sa kotse. Samantalang si Xeira, nauna na sa pagpasok. Sumunod nalang din kami.
"UY! CLARKKKK!" sigaw ni Cassey mula sa likod namin, nakita kong tumatakbo si Clark papasok ng School. Huminto si Xeira at napalingon, and the unexpected happened..
Dinaanan niya lang si Xeira?
"Mukhang nagmamadali si Clark ha? Ang lakas na nung sigaw ko pero parang wala lang sakanya?" sambit ni Cassie. Oo. pinapakinggan ko ang sinasabi ni Cassie but on the other side, nakatingin lang ako kay Xeira na nanlalaki ang mata. Siguro narin dahil sa inasal ni Clark.
Nakita niya si Xeira. Kitang kita sa mata niya na napatingin siya kay Xeira pero iniwas niya at nagpatuloy sa pagtakbo.
Ilang saglit kaming natameme. Ewan, di lang talaga kami sanay sa inasal ni Clark. Kadalasan kasi lagi siyang mahinahon, nakangiti at walang pino problema. Pero nung nakita namin siya kanina, IBA.
Madaling madali siya na para bang may humahabol sakanya, seryoso ang mukha niya at mababakas mo na may problema siya.
Nang magpatuloy nang paglakad si Xiera, naglakad narin kami kasunod niya. Dumating ang break time na okay naman. Kaklase ko si Clark at Cassie pero sa dumaang tatlong subject bago mag breaktime, hindi niya kami kinausap. Ni walang ngiti ngiti o tingin manlang. Magbabarkada kami diba? Lagi nga kaming magkakasama pag break time. Ano kayang nangyayari?
"Cassie! Halika na, akyat na tayo sa rooftop. Andun na daw si Edward at Xeira" sambit ko, tumango naman siya at tumayo sa upuan niya.
"Sofia, kanina diba may group activity tayo? Kagrupo si Clark, pero PRAMIS! Hindi ko naramdaman presensya niya" pagkukwento niya. Parang ako naramdaman ko? -__-
"Oh Xeira! San ka pupunta?" nakasalubong namin si Xeira, habang kami paakyat at siya naman pababa.
"Bibili nang pagkain sa Cafeteria" maikling sambit nito.
"Sama pala ko! Wala akong pagkain-- Hehehe!" sabi ni Cassie. Masyado kasing nawili sa pagkwento e. Ay naku! Kung akala niyo yung kanina lang ang kinuwento niya sakin? Nagkakamali kayo. Napakadami pa nun! -__-
"Osige na! Una nako" syempre! Andun si boyfriend e. Alangan iwan ko? -_-
--
Xeira's P.O.V
Nang makababa kami papuntang Cafeteria. Isa agad pumasok na tanong sa isip ko, TAG GUTOM BA NGAYON? Bakit ang daming tao? Hindi naman ganito kadami dati.
"May bago kasi silang menu, kaya pinagkakaguluhan" sambit ni Cassie. Yung totoo? Mind reader? -__-
Pero sa dinadaming taong nakikita ko sa Cafeteria. Isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.
Si Clark na masaya ....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
kasama ang isang babae.
I know now what i feel, NAGAGALIT AKO. Una sa lahat, hindi niya ko sinipot sa dinner na pinasasasabi niya, at pangalawa di niya kami pinansin, let me rephrase it 'KAMI' . Kaibigan niya kami diba? Tapos ngayon, ang saya niya kasama ang ibang babae? Aishhh! NAKAKAINIS!
Tell me now, what's really going on?
--
--
♥ Vote ♥
♥ Comment ♥
♥ Recommend ♥
♥ Be a fan ♥
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013