Catherine's P.O.V
Napakaganda ng panahon. Ngiting aso na ako dito dahil ngayon magsisimula ang muling pagbubukas ng flower shop 'ko. Yays! And to think, na may prinsesa akong kasama? Oh gosh, isn't it amazing? Okay, ang arte ko ba?
Well, hindi naman ako maarte. Talagang maganda lang ang panahon, kaya sinasabayan 'ko nalang atsaka natutuwa din ako kasi andito si Xeira sa tabi ko. Matagal tagal narin simula ng malayo ako sakanya, syempre na-miss ko siya.
"Open 'ko na!" saad ko kay Xeira at kay Krissa. Ngumiti naman sila atsaka tumango. Iniharap ko ang isang card na nakasabit sa pintuan ng flower shop na nagsasabing bukas na ito.
Ilang saglit lang din ay may mga nagdatingan na rin na mga customers. Si Krissa ang nagsisilbing cashier, samantala si Xeira naman ay ang taga-welcome sa mga customers at nag-iinform about sa mga bulaklak na nandito. Ako? Eto nakaupo, syempre boss. De joke lang! Ako naman ang nag-aayos ng mga bulaklak na pinili ng customers.
"This is a great flower shop. The flowers are well cared. I'm glad that they open this shop here, i'll definitely buy here everytime i have to and i'll surely recommend this to my friends" narinig 'kong sambit ng isang dalagang mukhang mahilig sa mga bulaklak sa kanyang kasamang lalaki.
"Let me have one boquet of this" sambit naman ng isang lalaki habang tinuturo ang mga fresh red roses kay Xeira. Tumango lang si Xeira atsaka dumiretso sa gawi 'ko.
Nakangiti ako ng biglang magsalita si Xeira. "Best! Bago ka ma-overwhelmed ng todong todo, pwede paki-ayos ng isang boquet ng red roses" sabi nito, napakamot nalang ako sa aking ulo atsaka nagsimulang mag-ayos.
Hapon na, at medyo kaunti narin ang mga nagdadatingan. Panigurado, mamaya ay dadagsa ang tao dito. Lalo na ang mga lalaki, malamang ay bago sila makipag-date sa mga girlfriend nila o kaya nililigawan nila ay bibili sila ng bulaklak dahil malapit lang naman ang shop sa Eiffel tower.
"Akala 'ko patuloy na dadagsa ang mga tao e! Grabe, nakakapagod" saad ni Xeira, umupo ito sa sofa na intayan ng mga customers. Tumawa naman si Krissa.
"Nakakatuwa naman pala at dito mo naisipang ipuwesto ang shop" sambit ni Krissa habang nakatayo parin sa harap ng counter.
"Oo. Dati palang dito ko na talaga naisipang magtayo ng shop, dahil dinadagsa ito ng mga lovers lalo na sa mga lalaki" ngumiti naman ito. Napukaw naman ng atensyon 'ko kay Xeira na biglang napatayo sa kanyang upuan habang hawak ang kanyang phone.
"May problema ba?" nagtataka 'kong sambit. Nanlalaki parin ang mata nito habang nakatingin sakanyang phone. Gulat ang kanyang ekspresyon, hindi ko naman malaman kung bakit.
"Si---" magsasalita na sana siya ng bigla naming narinig ang pagtunog ng bell sa pintuan na nangangahulugang may panibagong customer.
Isang lalaki ang iniluwa ng pintuan. Gwapo, matangkad at maputi. Prinsipe ito kung ilalarawan. Nakangiti ako dito, syempre dahil customer ito. Nagtataka naman akong tumingin kay Xeira dahil hindi niya ina-approach ang customer.
Nanlalaki parin ang mata nito ngunit hindi na siya nakatingin sa kanyang phone kundi sa lalaking nasa harapan nito ngayon na ganoon din ang ekpresyon na nakatingin sakanya.
"Prince clark" mahinang sambit ni Krissa.
Xeira's P.O.V
"Akala 'ko patuloy na dadagsa ang mga tao e! Grabe, nakakapagod" sambit ko atsaka umupo sa sofa. Nakakapagod pala talaga, hays. Ako naman kasi ang nag-suggest kay Best na dito ako ipuwesto.
"Nakakatuwa naman pala at dito mo naisipang ipuwesto ang shop" sambit ni Krissa, napatango naman ako hudyat na ako'y sumasang-ayon sa sinabi niya.
Hindi 'ko na naiintindihan ang sumunod na sinabi nila dahil sa pag-vibrate ng phone 'ko. Tinignan 'ko naman ito agad.
(Xeira, meet me at the Eiffel tower. It's me Clark)
Sa sobrang gulat ay napatayo akong bigla. Nagtataka at naguguluhan. Anong ginagawa niya dito?
"May problema ba?" narinig 'kong sambit ni Catherine, hindi parin ako makagalaw sa pwesto ko at gulat parin.
"Si--"
Nabaling ako bigla sa pagbukas ng pintuan at nanlaki ang mga mata.
"Clark?" mahina 'kong sambit. Napahawak na lamang ako sa aking bibig. Hindi, diba mag-momove on nako? Sinabi ko yun, diba?
"A-ah. H-hello sir! W-what kind of flowers will you buy? M-maybe i can help you" nauutal 'kong sambit at pagkukunwari 'kong walang pakielam. Aish~ ano bang ginagawa nitong lalaking 'to dito?
Napalitan ang pagkagulat nito sa pagtataka. Ayan, masyado ba 'kong halata? Tss. Tumayo ito ng tuwid atsaka inilagay ang kamay nito sakanyang bulsa.
"Well, i intend to buy roses but suddenly it change" sambit nito na parang kampante at parang hindi nagulat kanina. Mukhang magaling ang pag-acting ko.
"T-then may i help you, s-sir? A-anything" nauutal ko parin sambit. Bakit ba 'ko nauutal? Move on, Xeira. Kaya mo 'to!
Nakatingin ito sa mga bulaklak ng bigla nitong ilipat ang kanyang tingin sa aking mga mata. Narinig 'ko na lamang ang puso kong pagkalakas-lakas ng tibok at naramdaman ang mga paru-parong naglalaro sa aking tiyan sa sunod niyang sinabi.
"Anything? Then would you mind if i asked you to help me hear Xeira's heart?"
Clark's P.O.V
I've missed her. God knows how i've missed this girl. Naging seryoso ang kanyang mukha sa huli 'kong nasabi. Gusto 'ko lang naman marinig, kung ano ba ang talagang gusto ng puso niya. Ginusto ba talaga niyang iwan ako?
"Why are you here, clark?" tanong nito saakin. Malungkot ang boses nito, at nakayuko.
"Why did you leave me, xeira?" tanong 'ko naman pabalik. Sa tanong 'kong iyon, nabaling ang tingin nito saakin.
"Hindi ako ang unang nang-iwan, clark. Hindi ako ang unang nawala sa ating dalawa" sambit nito. Nalungkot akong bigla sa sinabi niya, dahil alam 'kong tama siya. Ako naman talaga ang naunang mang-iwan.
"Sorry, xeira. Please?" pagmamakaawa 'ko dito. Hindi na napigilan ng sarili ko na hindi patuluin ang mga luha ko, hindi ko rin alam kung bakit pero ramdam kong irereject niya ko. Ewan.
Ilang segundo rin ang inabot bago siya sumagot muli. "Clark....."
Pagsabi niya pa lamang sa pangalan 'ko ay naramdaman ko na ang sakit. Napagtanto ko rin na mas mabuti kung ihahanda ko na ang sarili ko, hindi nga naman kasi ganoong kadaling tanggapin ang ginawa ko.
"Humihingi kaba ng chance?" nanlaki na lamang ang mata ko ng nabuhay ang tono ng boses nito. Tumango naman ako dito habang kumikinang ang mga mata.
Ibigay niya lang saakin 'tong chance na to. Hinding-hindi ko na sasayangin.
"AHEM AHEM" napatingin naman kami kay Krissa na umuubo. Si krissa? Bakit andito siya?
"Sabi na nga ba't pupuntahan mo dito si Xeira" ngumiti na lamang ako, nagtataka naman si Xeira.
"Diba nga? Sabi ko sayo nakita ko si Clark na nasa airport nung araw na umalis ka. Hinabol ka niya nun, for sure" napatingin naman saakin si Xeira na parang nagtatanong. Napakamot na lang ako sa ulo atsaka tumango.
Niyakap na lamang niya akong bigla na nakapagpangiti naman saakin. I miss this, i miss her.
"Binibigay lang ang chance kapag hindi ka sigurado sa susunod na maaaring gawin sayo ng isang tao, kaya please? Clark, be with me now. Be with me forever" tumango naman ako at ikinuha ang kamay nito atsaka isinuot ang singsing sa kanyang daliri.
--
AN: Last chapter na ang next at susundan naman ng epilogue. KDOT! XD. Byeuu~
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013