Araw na ng pag-alis 'ko. Isinasakay na ng bodyguards ang maleta at mga dala ko sa compartment ng kotse sa labas.
"Hindi mo ba pupuntahan si Sofia?" tanong ni Mama. Umiling naman ako. Kanina ko pa sinusubukang kausapin siya pero ayaw niya. Tumango naman si Mama atsaka ako inihatid sa labas.
"Sige mom, ipaalam mo nalang ako kay Sofia" sambit ko rito. Niyakap ako nito, atsaka ako hinalikan sa pisngi. Parang dati lang, hindi kami ganito. Hindi ko siya pinapansin, at parang hindi ko siya nanay. Nagbago na talaga ang lahat.
"Ah. Xeira? Ako na maghahatid sayo" napatingin naman ako kay Yui. Andito pala siya.
"Ah? Kasi.. ma?" patanong akong tumingin kay Mama. Ngumiti lang ito at pumayag na sakanya nalang ako sumabay.
Nasa loob na ako ng kotse ni Yui ng biglang pumasok sa isip ko si Clark. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na mang-iwan. Hindi ko akalain na gagawin 'ko yun ngayon. Nakakatawa nalang na isiping hindi nga pala ako ang unang nang-iwan saaming dalawa. Siya, hindi ba? Siya ang nauna.
"So? Are you really serious?" saad ni Yui kaya nabalik ako sa realidad.
"Ah. Sorry, i spaced out. Serious about what?" tanong ko naman dito. Tumawa ito ng mahina.
"About me with you in Paris?"
"You kn-- I jus-- ah. Well, yes. Naisip ko kasi ung sinabi ni mom. Para may kasama ako" ngumiti naman ito. Naisip ko lang naman kasi na baka gusto niya rin, hindi ba? Magkaibigan naman kami. Kilala naman ng magulang ko ang mga magulang niya. Mabait naman siya. Ay ewan, basta sabi ni Mom e. -_-
"Pero alam mo, kaya ko naman sarili ko. You can go with me, ipasyal lang kita dun then pwede ka ng bumalik dito anytime. There's no need naman na mag stay ka dun with me" sambit ko. Sumeryoso naman ang mukha nito. Kaya nagtaka naman ako.
"Si clark? Paano si Clark?"
Out of the blue niyang tanong. Kumirot naman bigla ung puso kong tanga "What about him?" pagkukunwari kong walang pakielam.
"You love each other, pero bakit niyo 'to ginagawa sa isa't isa?" natingin naman ako sakanya atsaka ngumisi.
"Ako lang ang nagmamahal" nang marating na namin ang airport, nauna na akong bumaba. Hinatid ako nito hanggang sa looban.
Ilang saglit lang natawag narin agad ang flight ko. "Yui? Just to clear things out, hindi mo na talaga kailangang pumunta sa Paris, it'll be easy with me to moved on if your not there" tumango naman ito at ngumiti.
"I knew about that. Ang mahalaga ngayon ay yung sarili mo, make sure you'll live well there, 'kay?" niyakap ko siya atsaka ako nagpaalam.
This is it. New life. New life without him, kaya ko ba? Mali. Kaya ko 'to.
Clark's P.O.V
Si Xeira.
Siya ang laging laman ng utak at puso ko palagi. Simula ng mamatay si Elaine, pinanghinaan na 'ko ng loob. Ano pa nga bang karapatan ko kay Xeira, kung pinili ko si Elaine bukod sakanya?
Pero eto ako, papunta sakanila. Umaasa ako na sana patawarin ako ni Xeira. Masyado akong naguluhan nung mga araw na sinugod ko si Elaine sa ospital, dahil doon ko lang namalayan na naiwan ko si Xeira. Nadala ako ng kaba at gulat, kaya hindi ko siya napansin. Hindi ko manlang naisip na may pilay nga pala siya noon.
"Oh clark?" sambit agad ng Mama ni Xeira ng makita ako nito. Ngumiti ako dito atsaka niya ako nilapitan.
"Si Xeira ba? Aba't nahuli kana ata, nakaalis na kasi siya"
"Ah. Ganun po ba? Mag-iintay nalang po ako, saan po ba siya pumunta?" saad ko naman dito. Parang napalitan naman ng pagtataka ang ekspresyon nito.
"Sa paris. Hindi mo ba alam?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig 'ko. Paris? Anong gagawin niya dun? Iiwan niya 'ko?
"Anong oras po ang flight niya?"
"7 pm. 6:45 na, siguro nasa airport na siya ngayon, habulin mo na siya habang may oras kapa" tumango naman ako atsaka pinaandar ang kotse ko.
6:45? Aabot paba 'ko?
Please, Xeira. Wag ka ng umalis.
Nang marating 'ko ang Airport agad akong tumakbo sa loob. "Uy si Prince clark" saad ng isang babaeng nagtatrabaho dito.
"Nakaalis naba ang eroplano papuntang Paris?" tanong ko agad dito. Agad naman niya itong tinignan.
"Yes, Prince clark. Kakalipad lang po" agad tumulo ang mga luha ko ng marinig ko ang kanyang sinabi. Wala na.
Iniwan niya na 'ko.
Umupo ako sa isang tabi at doon umiyak. Ang bagal ko kasi. Ang tanga ko pa!
**
AN: Hanggang ditey na muna. Wala nanaman e. HAHA! Iniwan na si Xeira si Clark. Mamumuhay na siya ng masaya, kawawang Clark. T^T Achuchu. Penge po VOMMENTS, juseyo?
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013