"So, it's Paris" bulong ko sa aking sarili. Kasalukuyang nasa Airport parin ako ng Paris. Iniintay 'ko ung kaibigan 'kong magsusundo saakin. Umaga na pala.
"Best!" napalingon naman ako, siya na nga. Ang bestfriend 'ko, si Catherine. Nginitian 'ko ito atsaka naman niya ako niyakap.
Matagal tagal narin kaming hindi nagkita, lagi lang kaming magkausap sa skype or etc. Hindi niya nga ako kilala bilang masungit at maarteng Xeira noon dahil simula nun hindi 'ko na sinasagot ang mga tawag niya pero nang unti-unti na 'kong bumalik sa dati, ayun nagkaroon kami ulit ng communications.
"It's been awhile" saad naman nito, tumango naman ako dito atsaka ngumiti.
"What took you so long, anyway?" tanong ko naman dito.
"Well, as usual late ng gising"
"Nothing change' huh?" sambit 'ko dito. Tumawa naman ito. Bata palang kami talagang tulog mantika na 'to.
"Same as you" nagulat naman ako sa sinabi nito. Nalungkot ako, sa katotohanang ang dami kong itinago dito. Matatawag ko pa ba siyang best? Kung nagtago ako dito ng ilang taon. Wala ka kasing alam, best. Nagbago ako, nagbalik lamang ako sa dati dahil sa isang tao.
Niyakap 'ko ito. "Sorry, i'll tell you everything later" nagtaka naman ito atsaka na kami sumakay sa kotse niya at dumiretso sa Apartment nito.
Clark's P.O.V
Hindi 'ko na pinansin ang babaeng naka-braid ang buhok at naka-coat dahil kailangan 'ko na umuwi.
Papaalis na ako ng marinig 'ko ang isang pamilyar na pangalan.
"Krissa, anong oras ba ang flight mo? Hindi ba bukas pa? Bakit andito kana ba kasi agad?" napalingon naman ako. Tama! Si Krissa, ang maid dati ni Xeira.
Tumayo ito "Na-excite lang naman po ako, dahil sa wakas matutulungan ko na ng maayos ang pamilya ko" atsaka ito naglakad paalis. Nakita naman ako nito.
"Ah.. Prince clark" saad niya sa pagkabigla, ang tagal narin kasi naming hindi nagkita. Nakikita 'ko lang siya noon dati sa Mansion nila Xeira.
"Kamusta?" tanging sabi 'ko.
"Okay lang po" ngumiti naman ito, napansin 'ko naman ang mga mata nito. Kaparehas nito ang mga mga mata ni Xeira.
"Saan ang punta mo?"
"Paris po" nanlaki naman ang mata 'ko. Paris? Andun si Xeira ngayon, hindi ba?
TAMA! Susundan 'ko siya.
"Ah sige una nako, mag-iingat ka dun. See you" nauna na agad ako, dahil ipapaayos ko ang pag-alis 'ko.
Magkikita tayo ulit, Xeira. At sa panahong 'to papatunayan 'ko na sayo na mahal na mahal kita.
Krissa's P.O.V
Tumakbo agad si Prince clark paalis. Para siyang nagmamadali na ewan. Ang pinagtaka ko pa ay yung 'see you' niya. Ano yun? E kakasabi ko lang na pupunta na kong Paris. Ay teka! Kakain na muna ako, maya maya pa naman ang flight 'ko. Excited lang talaga ako. Ayaw 'ko naman ng umuwi dahil sayang lang sa pamasahe.
Anong gagawin 'ko sa Paris? Magtatrabaho. Para matulungan ko ang pamilya 'ko.
"Oo. Yun ang sabi ng pamilyang Lincoln" napatingin naman ako sa nag-uusap sa harap 'ko.
"Eh bakit daw nasa Paris si Princess xeira?" nanlaki naman ang mata 'ko sa narinig ko. Si Princess xeira nasa Paris?
Kusa namang pumasok sa isip 'ko ang kanyang kapatid na si Harold. Buti na lamang at una palang ay nalaman 'ko ng wala na siya.
Na wala na ang nag-iisang lalaking minahal 'ko. Tama kayo, siya lang ang lalaking minahal 'ko. Hindi 'ko na lamang sinabi kela Xeira ang tungkol dun dahil wala narin naman si Harold. Halos mamatay rin ako ng malaman 'kong patay na si Harold.
Tahimik lang ako nun, tahimik na pinapatay at dinudurog nito ang puso 'ko ng mga oras na yun. Ngunit, wala na. Ano pang magagawa ko, hindi ba? Oo, nalungkot at nasaktan ako pero kailangan ko rin naman mag move-on.
Sa ngayon, nalulungkot parin ako pero pinagpapatuloy ko ang buhay ko. At ito ngayon ang makapagpapasimula sa maayos kong buhay. Ang pagpunta sa Paris.
BINABASA MO ANG
Xeira
Teen FictionWho would have thought that someone who has the sweetest smile can eventually reach and melt her stoned heart? (UNEDITED) ©2013