Chapter 11

195 1 0
                                    

It's funny how big of an impact you have on me. It's like, when I see you, you don't have to speak, all you can do is smile, and it can make my day....

***School

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ikilos ko ngayon. Naiilang pa din ako sa ginawa niyang pagtawag nung nakaraang gabi. 

Oo, dalawang araw na ang lumipas simula nung 'Bae' incident. Haha

Naikwento ko nga yun kina Claire at Anje kaso di naman naniniwala sakin yung dalawang ugok na yun. Bawat kwento ko, simula nung pinakain niya ko, paghingi sakin ng number hanggang sa pagtawag sakin kinagabihan... ay este nung madaling araw. 

Puro kaltok at sampal ang naabot ko sa dalawang yon eh. Sabi kasi nila nagpa-pantasya nanaman daw ako. Puro kabaliwan. Tss

Edi wag maniwala, edi sarilinin ko na lang simula ngayon. huhu 

---

***Room, Section C-3

Narinig kong nag-uusap usap sina Mrs Bartolome at mga kaklase ko sa darating na Intrams. Syempre ako di ako nakikinig kasi di naman ako interesado sa mga ganyan. Hindi ako sporty na tao, di rin ako mahilig dyan sa mga Mr & Ms Montpellier Acad na yan. Corny kaya.

Hanggang sa may nahagip yung tenga ko. Haha Nahagip talaga? =))

"Si Lovi yung representative sa Section A-3?"

"Wow bagay na bagay sa kanya, ganda niya kaya"

"Naks, panigurado siya na kagad mananalo. Bagay sila ni Aaron"

"Oo, silang dalawa mananalo dun. Crush ko pa naman si Aaron pero tanggap ko na, na bagay talaga sila ni Lovi"

Mga salitang nagpa-init ng ulo ko at nagpakulo sa dugo ko. 

"Ako magrerepresent sa section natin... sa Ms Montpellier Acad.... kailangan kong manalo"

Napatayo ako habang sinasabi ko yan. Punong-puno ng determinasyon yung boses ko. Ma-awtoridad. Nakatingin ako kay Mrs Bartolome, mata sa mata.

Nagulat silang lahat. Well, nakakagulat naman talaga. Dahil kahit kailan di ko pinangarap yang mga ganyan. Ayoko sa mga ganyan. Di naman sa tomboy ako pero pang-maarteng tao lang yan eh. At di ako maarte. Slight lang, hihihi

Ms. Montpellier Acad? Eww

Feeling naman nila para sa Section namin kaya ako napilitang maging representative. No. Feeling lang nila yun. haha

Ayokong manalo sina Lovi at Aaron.

Gusto ko kaming dalawa ni Aaron. 

---

Uwian na at naikwento ko na naman kina Claire at Anje yung tungkol dun sa Ms Montpellier Acad na yan.

"Seryoso ka???!! Ui wag mo naman ipahiya sarili mo. Mahalin mo buhay mo Aoi" sabi ni Claire.

Aba talaga naman tong babaeng to. Hinambalos ko nga ng lunchbox ko.

"Aray!! Maka-hampas ka naman!!!" 

"Cheh bwiset ka. Imbis na suportahan mo ko, mas lalo mo lang ako dinidiscourage!!" Huhu wala na talaga akong mga kaibigan sa planetang ito. T___T

"Eto naman. Joke lang eh. Alam mo ikaw, maganda ka naman pag-inayusan ka eh, Aoi." pambawing sabi niya.

"Talaga bestfriend?? *O*" Kahit papano gumaan yung loob ko sa sinabi niya.

"Oo naman. Kaso panigurado talo ka pa din. May Q&A portion pa kaya. May pagka-bobita ka pa naman. Hahahaha" 

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon