Chapter 42

92 0 0
                                    

"Anong feeling ng iniwan Aoi? Di ko pa kasi alam eh. Pwedeng paki-explain?"

Isa pang pang iinis mo sakin leche ka, masasampal kita. Ewan ko ba bat nandito yan, di ko naman siya ka-section. Bwisit.

"Huy Lovi tama na yan, kita mong brokenhearted si Aoi eh"

"Aoi saan ba daw pumunta si Aaron? Sayang nabawasan tayo ng pambato ng Montpellier" sabi pa ng isang kaklase ko.

"Hahaha. Masyado kasing kampante yung isa dyan na akala mo mahal na mahal talaga siya at di siya iiwan. Yan ang napapala.. Ha-ha!" malanding pag kakasabi ni Lovi.

Patuloy lang ako sa pagsusulat at di ko tinataas yung ulo ko para tignan siya baka kasi pag nakita ko yung pagmumukha niya masapak ko siya, ma-guidance pa ko.

"AOI! Tara na sa cafeteria! Dalii!" sigaw ni claire sakin. Nakita ko syang nasa tapat ng pinto ng room namin habang kumakaway.

Binaba ko yung ballpen ko at sinara yung libro. Unti unti kong tinaas yung ulo ko at tumayo. Palakad pa lang ako nang bigla akong hawakan ni Lovi sa braso.

"Di mo pa ko sinasagot. Anong feeling ng iwanan? Masaya ba? Haha"

Nag didilim na talaga yung paningin ko. Aminado naman akong sobra pa din akong affected kapag binabanggit yung tungkol dun. Isang linggo pa lang kaya halos yung nakakalipas!

"Bitawan mo ko Lovi"

"Aba.. ang tapang ah." Hinarap niya ko sa kanya. At nakita ko yung pagmumukhang pinaka kinaiinisan ko. Mas lalo pang nakakainis dahil nakangiti siyang mapang-asar sakin.

Hinarap ko pa siya lalo at tinitigan sa mata. Naninigas na pati yung bagang ko sa sobrang galit. Nagkikiskisan na yung mga ngipin ko kanina pa sa sobrang pagpipigil na bulyawan siya.

Pero di ko na kayang pigilan pa!

"Wala kayong alam sa nangyayari. Well, ang alam niyo lang umalis siya at nilayasan ako pero isang buwan pa lang bago siya umalis alam ko na yung tungkol dito. Kayo lang siguro ang nagulat sa biglaang pag alis niya kasi nga.. Wala kayong alam.

So ano nga ulit yung tanong mo? Anong feeling ng maiwanan? Malungkot syempre. Tanga ka ba o tanga ka talaga? Alangan namang magdiwang ako di ba? Pero alam mo yung feeling na nangako siyang babalikan ako? Masaya at panatag ako. Ano say mo? Inggit ka? Well, wala akong pake kaya tigilan niyo na ko, mga leche kayong lahat."

Halata kong nagulat si claire sa mahaba at tuloy-tuloy kong pagsasalita. Hindi na din naka imik pa yung impaktang kala mo kung sino. Nilagpasan ko lang siya at tuloy tuloy na naglakad palabas ng room.

"Aoi, okay ka lang?" tanong ni Claire.

"O-oo naman! Nasan sila?"

"Pero Aoi.. umiiyak ka."

Ha?

Agad kong pinunasan yung mga nalaglag na luha sa mata ko. Hayy.. ayokong nakikita ako nila claire na malungkot kasi nahahawa sila sa mood ko. Ayokong madamay sila sa nararamdaman ko ngayon.

"Bes, halika nga"

Niyakap niya ko. Namiss ko na yung yakap ng bestfriend ko. Simula nung naging kami ni A, di na kami nakakapag-bonding.

"Claire... masakit maiwanan.. di lang malungkot. Sobrang sakit.."

Hinahaplos ni claire yung likod ko habang patuloy na nag sasabi ng 'magiging okay din ang lahat.'

"Tagal niyo yata? Tara dali nagbake pala si Misaki ng tiramisu! Tirahin na natin to! Wohoo"

Napangiti ako nung nakita ko silang nasa iisang table at nagkakainan.

"Aoi dito ka, tabi tayo?" sabi ni Ange sakin.

"Sure. Ano yan?" sabay turo ko dun sa nakatakip na tupperware. Binigyan ako ng paper plate ni Misaki habang binubuksan naman ni Ange yung tupperware.

"Ah chicken curry yan Aoi. Luto ni Rayver tsaka eto oh mangga. Gusto mo?"

Napangiti ako ng mapait habang pinipigilan ko yung luha na tumulo sa mata ko.

"Sige nga, patikim ako"

Naiiyak ako. Namimiss ko na yung luto niya. Masarap naman yung luto ni Rayver pero mas gusto ko yung kay A. Miss na miss ko na siya ilang araw pa lang siyang wala sa tabi ko.

"Anong lasa Aoi? Masarap ba? Eto kasing si Claire sabi di daw masarap, langya talaga."

Tumikhim muna ko bago sumagot kay Rayver. Pinipilit kong maging masaya para sa kanila.

"Well, masarap naman. Favorite ko to eh, kaso parang kulang sa anghang ng konti? Pero all in all, okay naman."

Pero mas gusto ko yung sayo A..

Sabay kaming umuwi ni Misaki ngayon. Madalas kasi nagpapa iwan ako at tumatambay sa garden. Doon ako gumagawa ng assignment ko. Tsaka ewan ko ba, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya nagiging senti na ko eh di naman talaga ko ganto.

"Ate Aoi, okay ka lang ba? Para kasing di ka mukhang masaya. Kanina pa iba yung aura ng mukha mo. Chotto okashi ne.. doshita?"

(Chotto okashi ne - Medyo kakaiba/unusual Doshita - Bakit? or Anong meron? *something like that*)

"H-ha? Okay lang ako, misaki. Miss ko lang yung love of my life ko. Hehehe~ Tara na nga! Nagluto daw si mama ng palitaw eh! Ayieee favorite mo yun di ba?"

Kailangan kong maging masaya kahit sa harap na lang nila. Ayokong ma-obliga silang i-comfort ako, ayokong madamay sila sa nararamdaman ko ngayon.

"Oo favorite ko yun!! Tara naaaa!!"

Naglakad na kami at napabuntong hininga na lang ako.

I miss you A kahit na galit ako sayo.

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon