Chapter 20

183 1 0
                                    

"Hinahanap ka ni Rayven teh.. ayun oh" biglang sabi ni angelique out of nowhere habang nakain kami dito sa cafeteria. 

"Ha? Saan? Hay nako, magpapalakad lang yan kay claire.. Haha" 

Nasamid naman si claire sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman ahh?! Hahaha

"Hoy Aoi wag mo ko idamay dyan, di ko type yang bugok na yan" Claire

"Haysus, kunwari pa.. tignan mo oh natingin sayo Hahaha"

At si malandi, sumulyap naman kay Rayven. Hahaha sabi na eh, mapag-panggap lang yang babaeng yan! 

"Huli ka! Sulyap ka pa dali! Di naman halata eh wahaha" Ako

"Hahaha gusto mo ata siya claire eh.." Angelique

"Di nga sabi! Napatingin lang ako sa dako paroon! At ikaw Anje?! Makapang asar ka dyan! Makakahanap din akong ipapartner sayo maghanda ka!" Claire

Tumawa na lang kami pareho ni Anje. Masyadong defensive talaga, obvious naman na may gusto din siya kay Rayven. Si Rayven, 3rd year din siya kaso Section A.. Oha! Talino kaya yan kaso loko din yang isang yan eh. Babaero kahit matalino. Nakakasira tuloy sa image niyang nerdy-nerdy. Basketball player, captain ng team. Kaya di kami naniniwala dyan kay claire na wala yang gusto dun. Haha

"Hi Aoi and Anje!" Biglang lumapit samin si Rayven. Nasa kabilang table kasi sila kasama ng mga barkada niyang mga taga ibang section. Mga basagulero tropapips nyan eh kaya minsan di halata sa kanyang matalino siya. 

At.... hindi niya binati si Claire!! 

"And.. hello to you claire.." Rayven

"Naaaks!! Talagang solo flight siya sa pagbati ah! Pang-finale! Sosyal. Hahaha" Ako

"Hayyy.. kumakain kami, kita mo naman di ba? Bawal kami daldalin, magbigay galang sa pagkain kaya layas!" Claire

Sungit naman ni ateng pero namumula naman siya. Hahahaha

"Sweet mo naman hun. Well sige mamaya na lang. Bye girls! Bye hun!!" sabay kindat kay claire.

"Eww! Hun ka dyan! Mangisay ka!" Sus! Nagba-blush naman siya oh! Claire tologoooo

"Ang landi mo girl!! Hahahaha" 

"Nakaka-kilabot naman siya Claire.. ganyan ba talaga kayo maglambingan? Sa mga nababasa ko kasi medyo modest naman pananalita nila.." Hayy angelique! 

"Pano ba naman kasi mga nababasa mo, mga novel!! Makaluma! Hoy ikaw nga Angelique Ochoa! Wala na tayo sa 70's ha, 2013 na po ngayon! Tignan mo, pati ikaw black and white pa din. Hahaha" 

"HAHAHAHAHA baliw ka Aoi! Inaasar mo si Anjebebe! HAHAHAHAHA" 

Pano ba naman yang si Anje eh sobrang hinhin. Talagang mahinhin.. sa pagkilos, sa pananamit, pananalita.. sa LAHAT! Hay pano ko ba naging kaibigan 'to?! Eh ang layo-layo sa personality ko yung ugali niya! Kung si claire pwede pa, eh mas baliw sakin yan eh. Hahaha pero mahal namin yan ni claire. Kahit na minsan super KJ siya sa mga trip namin, labs namin yan! Iniintindi na lang namin kasi nga nabuhay siya na halos mag-isa lang talaga sa buhay although mayaman at mapera sila.. nasa ibang bansa kasi yung father niya, yung mom niya naman.. wala na. May kuya siya kaso kasama ng dad niya sa states ata kaya naiwan siya dito sa pinas. Okay, that's another story. Balik na tayo sa convo namen

"Sama niyo naman.. ganyanan pala hah.." Di din yan marunong magalit. Siguro magtampo kaso hindi halata eh. Parang wala lang siya. :))

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon