Chapter 24

148 2 0
                                    


Napalingon ako bigla sa kanya habang naglalakad kami pauwi. Bigla ba naman kasi hinawakan yung kamay ko. Ajuju

"Oh bat ganyan itsura mo?" tanong nya.

"H-ha? Bakit ano ba itsura ko?" Tapos nakita ko lang syang tumawa. Naman oh! Ano bang meron sa itsura ko? 

Papunta na kami ngayon sa bahay, dun kasi sya magdi-dinner ngayon. Feeling ko kabado yan si A. Haha

"Muka kang ewan. Are you blushing?" sabi nya

"Ano ka! Hindi ako nagba-blush no!" Shocks nakakahiya! 

"Tss excuses.. Well anyway, sigurado ka bang pinapapunta ako ng mama mo o ikaw lang ang may gustong pumunta ako sa inyo?" tas nag smirk siya. Nahihilig na syang mag smirk ngayon ah, napapansin ko. :))

"Pinapapunta ka nga! Tsaka anong ako may gusto? Kapal mo na A!" sabay hinambalos ko ng librong hawak ko. Haha natamaan sya sa braso. :P

"Porket umamin na ko sayo, sadista ka" Ehhhhhhhh...

Yung thought pa lang na yun, kinikilig na ko. Hindi pa din kasi gaanong nagsi-sink in sakin na mahal nya nga ko. >////////////<

"Change topic! Teka teka, napapansin ko lang, dumadami na mga sinasabi mo ahhh. Dumadaldal ka na. Hehehe" At napansin kong nag iba yung mukha nya at parang napaisip sya sa sinabi ko. 

"Nahawa lang ako sayo" Ayytt? Biglang ganun? -____-

"Hoy ah! Grabe ka---" 

*Playing Knock out by GTOP


"--Ay! May natawag, teka lang ah A"

Si mama natawag? Bakit kaya? 

"Hello ma? Po? Opo naglalakad na papunta dyan sa bahay... Haaa? Ah sige sige... Hindi, okay lang po... Okay.. Love you too."

Nakatingin lang din sakin si Aaron na nagtataka. 

"Sabi ni mama ano da---

VROOOOOMMMMM~~~~

"Ano ba yan??!! Bwisit na motor yan oh! Ugh! Ugh! *cough* Ugh!" Kaasar! Bugahan ba naman daw kami ng usok?! 

Ah bastos talaga!

"Okay ka lang?" tanong niya habang hinihimas (kayo ah, ano iniisip niyo?) yung likod ko. Kulay itim talaga yung usok ng motor niya, gravity.

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon