Chapter 36

99 0 0
                                    

Ang bongga ng party niya. Ang daming tao. Parang kala mo tatakbo bilang mayor yung may birthday eh. Haha Well, nandito kaming magkakaibigan syempre. Si Claire, Rayver at Angelique.

Ewan ko ba, nakaramdam bigla ako ng pagkahiya kasi ang sossy nilang lahat. Halatang mga mayayaman yung bisita at take note ah, english zone na yata 'tong bahay nila. English everwhere! URGH

Commoner lang naman ako. Hindi naman katulad nilang kayang bilhin lahat. Okay na ko sa dress na binili sakin ni Claire. Simple lang naman yun pero mas gumanda dahil suot ko! Oh well, papel ganun talaga kapag tunay na maganda, yung suot ang gumaganda! 

Maya-maya, nadinig naming tinawag siya ng MC sa stage para sa unang pag expose niya ngayong gabi. At...

GRABE.

Parang habang naglalakad siya may background music akong nadidinig..

♪♫Akooo.. na yata ang pinaka magandang lalake sa mundooo...

Ahihihihi

Nagsalita muna siya ng napakahaba. At take note ulit, straight english. Dumudugo ilong ko! Ang naintindihan ko lang sa mga sinabi niya ay ang "Umm.." at "Thank you!" YUN LANG! Graveh.

Pati yung mama at daddy niya ay nagsalita din sa harap. Medyo inasar pa nga siya dahil inspired daw si Aaron ngayon at syempre, tinuro ako ng mama niya. Wahhh! All eyes on me!

"Tara pwede na daw kumain!" sabi ni claire

"Yun! Tara naaa" Rayver

"Mag isa ka. Tara na Aoi?" Claire

Sabay inirapan niya si Rayver. Minsan natatawa ako sa dalawang to eh. Minsan naman ang sarap batukan at pag-untugin!

"Wait lang, hanapin ko muna si Aaron. Sabi niya sabay daw kami kumain eh"

"Okay, dito lang kami ah. Tara Ange, kain na tayo. " sabay tingin ng matalim kay Rayver.

Nagsimula na kong mag ikot ikot para hanapin si Aaron. Nakasalubong ko pa nga yung ilang pinsan niya eh, napakilala na ko ni A kanina kaya pinansin nila ako. Hayy, nasan na kaya si Aaron ko?

Pumunta ako sa gilid ng party hall. Para kasing garden ito eh. So dun ako pumunta sa may malaking puno at may nag iisang table dun. Kaso may naaninag akong dalawang tao na magkaharapan sa table habang kumakain.

Sa lapit kong to hindi nila ako napapansin dahil sa puno. Dinig na dinig ko yung pinag uusapan nila.

Loud and clear.

"I told you, you dont need to come"

"Ano ka ba! Syempre pupunta ako noh! Ikaw nga, all the way to america pinuntahan mo ko para alagaan tapos simpleng maki-celebrate lang with you, hindi ko pa magagawa? No way! Gusto ko pang gawin lahat ng gusto ko---"

"Okay fine. You should eat these. More veggies, less meat"

Tapos nakita kong kumuha ng garden salad si A at nilagay sa plato nung babae.

"Clarisse.."

CLARISSE?!

"You need to get well. You need to be better, you need to fight okay? For your family and friends.. of course, for me.. Dont just give up."

Ha?! Ano bang meron? Baka naman flu lang ang sakit ng babaeng to! Di naman halata sa kanya na may malalang sakit eh! Tignan mo nga, parang siya ang may birthday sa suot niya!! At anong pinagsasasabi nitong ni A na para sa kanya?! Para sa kanya kaya kailangan ng babaeng to gumaling?! ANONG MERON?!

"Of course! Para sayo! Hehehe. Lets eat!"

Ang sakit sakit sa mata ng mga nakikita ko!! Ngumiti sa kanya si A!! Sabi pa niya kanina sabay kami kumain tapos... tapos.. URGH

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon