Chapter 29

128 1 0
                                    

Chapter 29

Tatlong oras ako nag antay pero hindi siya pumunta. Inisip ko nga baka may iba pa syang garden na sinasabi pero eto lang naman yung garden na lagi naming tinatambayan. Hindi pa ba sapat yung tatlong oras na pag antay ko sa kanya?

Malapit na mag 9pm pero nandito pa din ako sa garden. Naglalakad na ko pauwi kanina pero bumalik ako. Baka sakaling puntahan nya ko, sabi niya kasi sa sulat di ba. Tsaka may narecieve din akong text galing sa kanya sabi, 'Wait for me' daw. So, aantayin ko siya. Baka nalate lang yun, kailangan understanding akong girlfriend. Oo tama, kailangan understanding ako.

Pero wala talaga siya eh. Tinanong ko pa nga si manong guard kung nakita nya si Aaron na pumasok dito, pero sabi niya hindi naman daw. Tinetext ko sya pero hindi siya nagrereply! Nung tinawagan ko naman, out of coverage area! Saang lupalop ba sya andun?!

T_____T

Puntahan ko kaya sa kanila?

Okay hingang malalim!

Hooo!

Magdo-doorbell na sana ako nang biglang bumukas yung gate nila.

"Ay ipis kabayong nabuntis! Ha! Nagulat akoo.." T___T

"Sino ka?"

Hindi nya ba ko natatandaan? Nako naman brother in law!!

"Tss girlfriend ako ni Aaron! Nakalimutan kagad.."

"Talaga lang ah.." sabay lumabas na siya at tumalikod sa akin.

"Teka!"

Humarap siya. Shocks mas gwapo talaga si A sa kanya hehe Pero gwapo din naman to. Matured lang tignan.

"Oh?" sabay taas ng kilay.

"Nasa loob ba si Aaron?" tinuro ko yung bahay nila.

"Tss.." sabi niya lang.

"Anong tss? Tsss means yes or no?"

"Wala siya. Umalis" tapos dire-diretso na sya sa paglakad at hindi na ko nilingon pa kahit kailan.

Joke! Tumigil siya tapos humarap ulit sa akin.

"Wag ka ng mag antay, wala kang mapapala" Final exit.

Umalis na siya at naiwan akong naguguluhan..

Bakit naman ako walang mapapala? Joketime ha! Tsss

Dahil sabi ni brother in law wag na daw ako mag antay, maglalakad na lang ako pauwi. Mga 30mins na lakaran to. Kaya ko naman siguro.. kaya lang 9pm past na pala.

"Gutom na ko..." -_____-

Lakad pa din ako kahit na madilim. Nag aalala ako kay A.. nasaan kaya siya? Okay lang kaya yun? Naman oh! Wala ba siyang tiwala sakin para hindi nya sabihin sakin kung san sya pupunta.

Naka-ready pa naman na yung gift ko sa kanya. Magbe-bake ako ng cake para sa monthsary namin bukas. Hehe Hindi na lang muna ko matutulog ngayon. Kailangan ko mag-effort.

"Wag kang gagalaw..."

Aray ko. May natusok sa leeg ko.

"Sumunod ka. Bilis!" sabi ng isang boses ng lalake na pilit humahatak sakin habang nakatusok sa leeg ko yung matulis na bagay.

"Masakit po! Aray! Wag niyo naman akong hilahin!! TULONGGG!! Huhuhu!"

Natatakot na ko! Mama!!! Tulong po!!!! Aaahhhh!!!!

Diniinan nya pa yung pagkakatusok sa leeg ko!!

>______<

"Wag kang maingay kundi uunahin kong patayin ka bago ka tikman" sabi niya habang hila-hila pa din ako.

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon