Chapter 22

148 2 0
                                    

"Hello good morning din!" Bati ko kay Visa. 

Oo, weird ng pangalan. Bat kaya Visa? Wahahaha

Naglalakad na ko sa hallway nang may makita akong pamilyar na imahe sa gilid ng hagdan. Hmm.. imahe.. pamilyar... sino kaya ito?

Aha! Huli kayo!! Tsk tsk umagang-umaga ha.. 

"Hoy kayong dalawa! Anong ginagawa nyo ha?!" 

Aba, naabutan ko ba namang magkayakap at parang kala mo wala sa public area kung maglambingan. Ang sakit lang sa mata. Tsaka unexpected lang na makita ko sila knowing na si....

"Uy Aoi! Good morning!!" Masiglang bati sa akin ni Rayver. 

Si Claire naman busy sa pag-aayos kunwari ng buhok niya. Umiiwas lang yan sa pwede kong maitanong sa kanya. Well, kahit na anong iwas naman niya sakin, mapapa-upo ko din yan sa hot seat. 

Tinignan ko lang si Rayver at nginitian. Tumingin naman ako kay claire..

"Claire? BESTFRIEND? Good morning!" In-emphasize ko talaga yung 'bestfriend' para alam niyang masama maglihim sa kaibigan. Tsk

"U-uyy Aoi, andyan ka pala.. H-hehe. Good M-morning" Kanina pa ko andito, ngayon lang napansin?! Bulag-bulagan??! Hay nako kang babae ka!

Lumapit ako sa kanya sapat para marinig niya yung ibubulong ko..

"Ang dami mong utang sa amin na kwento. Maghanda ka mamaya.." Nakita ko namang parang na-asiwa si claire. At pilit din syang ngumiti sa akin. 

Di ko na sya pinansin pa at dire-diretso na ko sa room. Medyo nakakatampo pala kapag ganun no? Yung hindi nagku-kwento sayo yung kaibigan mo tungkol sa kanya.. lalo na sa lovelife. Syempre, ako kahit papano nagsasabi naman ako sa kanila pero siya, totally, wala kaming alam sa nangyayari. Hayyy... 

Andito na ko sa classroom. As usual, kapag wala pang teacher maiingay talaga yang mga yan. Pero nung biglang pumasok si Sir Ronald nagsi-tahimik lahat. Tumigil sa mga ginagawa nila at umupo ng maayos. Terror naman kasi to eh. 

Actually, nickname nya lang yung Ronald eh. Totoong pangalan nyan, Pedro Ronaldino Makalansing Santiago. Hahahaha gara eh no? 

Ayun balik tayo kay Pedro este Sir Ronald.

"Ay patay! Nakalimutan ko yung assignment ko!" sabi ng seatmate ko na hindi ko alam pangalan. Wapakels lang.

Pero ano daw? Assignment daw kamo? Wala din ako!!!!

HUHUHUHU

"Ang gagaling niyo ah! Mga estudyante ba talaga kayo?!! Ang simple simple lang ng assignment na pinagawa ko di nyo pa naipasa ngayon?? Mga estudyante ba talaga kayo ha? Sumagot kayo!!!!!"

Ayy, malamang Sir, estudyante kami kaya ka nga teacher eh. Isip isip din pag may time. Hahaha

"MGA ESTUDYANTE BA TALAGA KAYO HA????!!!!" 

Aishh, paulit-ulit?! Palagi na lang ganyan manermon yan eh. Kaasar lang talaga.

"HANGGANG NGAYON NA LANG YANG ASSIGNMENT NIYO, KAPAG WALA KAYONG NAIPASA HANGGANG MAMAYA AFTER LUNCH, PASENSYAHAN TAYO. I'LL MARK YOUR REPORT CARD A CAPITAL -D. GOOD LUCK INDOLENT STUDENTS OF MINE. WAHAHAHAHA" 

Baliw lang? Teacher ba talaga to? Nakakainis ah

Ngayon, nadagdagan problema ko. Una, kung pano sasabihin kay Aaron na sa amin sya mag dinner tapos pangalawa, etong lintek kong assignment. URGH

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon