Chapter 7

208 3 1
                                    

Umaga na naman. It means, pasukan ulit. 

Habang naglalakad papuntang school, bigla kong naalala na nakalimutan ko palang sundan si Aaron pauwi.

"Ano ba yan, kailangan ko ng malaman kung san siya nakatira para mas madali pang sstalk ko. hihihi" Excited na ko mamayang uwian. ^____^

***School

"Madami tayong mga activities this school year kaya kailangan niyo 'tong papel na to para maging guide nyo yung schedules ng activities. Oh eto, get one and pass" Sabi ni Mrs Bartolome

Activities? Tss. Di naman ako mahilig sa mga ganyan. Siguro audience lang ang role ko sa mga ganyan. Haha

Pagkabigay sakin ng papel tiniklop ko kagad yon at nilagay sa bag na muna. Medyo nakakatamad basahin lalo na pag di ka naman interesado. Unti-unti ko na din kasing inaayos yung mga gamit ko dahil malapit ng mag lunchbreak.

**Riiiiiiiiinggggg*

Di ko na yan ringtone pramis. Haha

Naglakad na ko papuntang cafeteria. Dala-dala ko yung lunchbox ko. Ayoko kasing bumibili, di naman ako nabubusog sa mga pagkain dito, at least pag luto ni mama, solve na solve ako.  (^ω^)V

Dahil madaming tao pag breaktime, nililibot ko yung tingin ko baka kasi nakaupo na sina Claire at Angelique. 

"Nasan na kaya yung dalawang yun? Hmm"

Hanggang sa may nahagip yung mata ko.

Si Aaron tsaka Lovi nasa iisang table. Magkasama. Masayang kumakain. Nakangiti si Aaron habang nakatingin sa nagku-kwentong si Lovi.

"Pshh badtrip naman ohh. Epal talaga" Ang landi pa niya magkwento ha. May mga pahampas-hampas pa siya kay Aaron eh alam ko namang pasimpleng tsansing lang yung babaeng yun. Kainis!

Dahil nainis ako, umalis ako sa kinatatayuan ko at sa ibang part ako ng cafeteria naghanap. Bakit ba kasi ang hirap hanapin ng dalawang itlog na yun eh. Kung ano-ano tuloy nakikita ko. (̅¯ ^ ̅¯)

Naglakad lang ako. Hanggang sa nakita ko yung dalawa na tumatakbo na parang may hinahanap din. Pumunta ako sa kanila. 

"Kayong dalawa! Bat ang tagal niyo!!" Sinigawan ko sila. Kainis kasi ehh 

"Gutom na gutom? Nagmamadali?! Tss. Nag quiz kasi kami eh ang hirap sagutan kaya ayun, natagalan kami. Eto naman. Halika na nga kain na tayo!" Sabi ni Claire

"Bakit ka ba galit kagad Aoi?" Tanong ni angelique

"Ha? Di ako galit ah. Gutom lang hehe" Di ko na lang iku-kwento sa kanila baka sabihin masyado na kong attach dun kay Aaron.

Well tama naman. Selosa ako kaya ganto nararamdaman ko. 

Aisshh Kainis! Bakit ako nagseselos?? Hindi naman kami. :(

Simula kasi nung hinatid niya ko.. ayy mali, nung nagsabay kami maglakad at nung nginitian niya ako, I have this certain feeling na may pag asa ako? Pag asang maramdaman yung sinasabi nilang 'love'

Nagsimula na kaming kumain pagkatapos pumasok na din kagad sa rooms namin. 

*

I dont know this feeling. This is all new to me. Kahit kailan di ko naramdaman maging masaya para sa isang taong hindi ko pa naman kilala. When I see her smile, I smile even more. I feel happy kapag nakikita kong maganda yung simula ng araw niya. Kapag alam kong masaya siya, okay na din ako. 

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon