Chapter 14 (3rd person's POV)

184 1 1
                                    

"May we now call on all the participants for the Mr & Ms Montpellier Academy.... " sabi ng lalakeng MC. Lahat ng mga kasali sa paligsahang ito, nakaramdam ng kaba, lalo na si Aoi.

 Isa-isa silang tinatawag sa harap para magpakilala sa mga manunood. 

Pilit na pinapakalma ni Aoi ang kanyang sarili. Nasa backstage na siya, bawal kasi ang hindi kasali sa backstage kaya wala sina claire.

Kaya mo yan Aoi. Wag kang kakabahan. Hooo. Hingang malalim Aoi. Kaya mo yan.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang isip.

Sa kabilang banda, si Aaron naman ay tahimik na pinagmamasdan ang kabadong si Aoi. Tila sa loob-loob niya ay may kakaibang tuwa kapag nakikita niya yung wirdong side ng babae.  Gusto niya sana itong lapitan para sabihin ang kanyang suporta kaya lang baka lalo lang itong madistract. 

Suot na ng mga participants ang kanilang pang talent portion.

Unang nagpakilala lahat ng mga first year sumunod ang mga second year tapos third year.....

Maingat na naglakad si Aoi papunta sa gitna ng stage. Nakita niya kagad ang dami ng tao pero di niya yon pinansin. Naglakad lang siya, tuloy-tuloy.

Nakangiti siyang humarap sa audience.

"Hi! Im Aoi Perez, 16 years old from Section C-3!" Narinig niya ang hiyawan ng mga kaklase niya.

Maiksi pero puno ng sigla niyang sabi sa tapat ng mic. Nakangiti lang siya simula ng pagpunta niya ng stage hanggang sa pagbalik sa backstage.

"Hooo! Kinabahan ako! Huhu" sambit niya pagka-punta na pagkapunta sa likod.

"Anong nakaka-kaba dun? Arte ah" Narinig niyang sabi ni Lovi. Pero di niya na lang yon pinansin dala na din siguro ng matinding kaba.

****

Pinagmasdan ni Aaron ang papalakad na si Aoi papuntang stage. Gusto niya sanang sumigaw at maki-cheer para sa dalaga pero pigil ang emosyon niya. Kaya ang ginawa niya nang dadaan na si Aoi sa harap niya, nagbigay siya dito ng isang matamis na ngiti para kahit papano eh malaman ng babae ang suporta niya. Pero nakita niyang hindi siya napansin ni Aoi, dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglakad. Natawa tuloy siya sa loob niya.

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon