Chapter 35

92 0 0
                                    

"Happy 100th day baby.."

Nagulat ako dahil bigla niya kong niyakap mula sa likod at inabot yung bouquet ng flowers habang nakayakap siya.

"100th? Ha?"

"Yeah.. I just realized today's our 100th day as a couple" Nahihiya niyang sabi.

"Wahhhh! Talaga? Ang cute cute mo A ko!!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Humarap ako sa kanya. Nakapulupot yung mga braso ko sa leeg niya.

"Arrghh"

"Sorry! Ang cute mo sobra! Haha!"

"Is that it? No thank you? I love you? Puro cute na lang?"

"Hehehe.. Salamat baby. I love you"

"Good. Love you too."

Tapos niyakap niya ko ulit at bumulong...

"..so much, Aoi."

*

Sa nakalipas na ilang buwan na magkasama kami ni Aaron, parang mas lalo ko siyang minamahal. Ay ewan ko ba, di naman ako masyadong adik sa kanya eh no? Haha

"Naks! Lapit na birthday ah! Ano gusto mo gift?"

"Having you is enough, you know that" Sabi niya ng hindi tumitingin sakin dahil nagsusulat siya.

"Kyaaahhhh! Bakit ka ba ganyan ka-sweet? Porket ba magb-birthday ka na ha? Sus!"

"Tss.. whatever. Converse with me later, I have lots of assignments. If you want to, just lay on the bed and.. stop bugging me"

"Anong bugging? Inaano ba kita? Kinakausap lang eh"

English ng english nasa pinas naman! Kaasar! Di ko maintindihan ehh! Huhu

"Sige labas na lang muna ako. Aral ka muna."

"Aoi, just within the house. Understand?"

"Okay pows"

At tuluyan na kong lumabas ng kwarto niya. Anytime soon, magdudugo na ilong ko kay A eh. Psshh

Busy kasi siya sa mga school works, eh ako naman petiks lang. Hirap talaga pag graduating eh. Sasabihin ko nga sa kanya, pagka-graduate niya peram ng libro baka sakaling magamit ko. Kokopyahan ko para di hirap pagka clearance na. Haha

Nandito ako ngayon sa garden para kay barky baby namin. Close na talaga kami neto. Pero bago pa ko makalapit kay barky baby, narinig kong may nagsalita sa likod ko.

"Araw-araw ka na lang nandito"

"Eh ano? Palagi mo na lang akong inaaway ah!"

"Ayoko sayo eh"

"Aba! No choice na lang ako dahil kapatid ka ni Aaron! Pero sa ayaw at sa gusto mo kailangan mo kong magustuhan dahil in-laws tayo! Hmmp!"

"Wahaha! In-laws daw. Ang feeling mo din eh no"

"Bwisit ka din eh no"

"Tss pikon. Oh? Eh bakit ka nandito sa garden?"

Ayun, sinabi ko sa kanya na naiinis sakin si A dahil dinadaldal ko siya habang nag-aaral siya. At ang bwisit na loko-loko, tinawanan ako. Niyaya pa kong lumabas at pumunta sa park. Syempre naman, tumanggi ako no. Kabilin-bilinan sakin ni A na, 'within the house' lang daw.

"Alam ko may nagtitinda ng ice cream dun ngayon eh. Sarap pa naman nun" sabi ng ipis sa tabi ko.

"Barky baby, wala kang nadidinig di ba? Pano kaya nakapagsalita yung damo?"

When Memories Started to FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon