A/N:dedicated po ito sayo!! thank you po sa pag comment :D at dahil nirequest mo rin po ito :D
gusto nyo po ba salit-salitan lang sila ni Victridel sa POV?? hehehe...syempre po kapag may new character sila din po meron :D sana po magustuhan nyo :D
================================================================================
Dominique's POV:
kainis! magkatabi ba talaga kami nung ungas na yun?? delikado...
hindi naman talaga ako naiinis dahil makakatabi ko sya ee..pero inaalala ko lang sya dahil...HINDI KO NA ALAM KONG ANONG MGA GINAGAWA KO PAG TULOG AKO...one time natulog akong napakaayos ng kama ko tapos pag gising ko lahat ng nasa kama ko nawala except lang yung kutchon, tapos nung last month lang nag lakad pa ata ako habang tulog nun, kasi pagkakatanda ko nun nasa kama na ako..pero pag gising ko kinabukasan nasa sofa na ako, nagulat nga si mama nun ee, bakit daw ako natutulog doon ang pagkakaalam nya pumunta na akong kwarto ko para matulog...at meron pa kaso nangyayari lang iyon pag na-i-stress ako..at ngayon... nai-stress akoooo~ (~_~;)
"ui...ui...uuuuuuui ayos ka lang?? kakain na daw sabi ni Ale-- mama.." si Victridel pala, kanina pa ata ako kinakalabit..
"ah-- ah o sige" tumayo na ako para pumunta sa may dining area, naramdaman ko naman na sumunod na din sya..
"ahmm..." pagkasalita ni Victridel ay kusa naman ako napalingon sakanya...
"bakit??" nag-aalangan kong tanong
"ahmm... gusto ko lang magpakilala ng maayos sayo, kasi hindi naman tayo nakapagkilala ng maayos nung nasa restau tayo...ako nga pala si Victridel Aaron, you can call me Aaron" sabay abot nya naman saakin ng kamay nya, inabot ko naman ito at nakipagkilala din..
"and, gusto ko rin palang mag sorry nung nasa 7eleven tayo, hindi ko dapat karapatan iyon.. kaya sorry ulit" nakangiti syang naiilang habang nakahawak sa batok nya, ako naman parang gusto kong mapangiti pero napigilan ko naman yun..
"ah--haha ahaha ayos lang yun kalimutan mo na, nangyari na ee..dami na rin nakagawa nun sakin, nainis lang ako kasi pera ko yung nasasayang hahahaha!" nahihiya ko namang paliwanag sakanya....
"and sorry din kong napagkamalan kitang minorde edad..hehe" tumingin sya sa mata ko at nakikita ko naman na sincere sya yun nga lang nahihiya sya..
"ayos na din yun, madami na din nag aakala sakin na minorede edad ako, kaya nga palagi kong dala yung I.D. hehehe... sige na tara na..kain na tayo" ngumiti ako sakanya at dumiretso na sa dining area..
habang nakain, pansin ko ang hindi makabasag pinggan na katahimikan...naririnig ko lang yung tunog ng mga kutsarang tumatama sa babasaging plato...nararamdaman ko naman yung mga mata nila na parang nakatingin saakin...
at hindi nga ako nagkamali...saakin sila nakatingin..bakit?? anong merno??
"ahmm... ma...bakit po??" pagtataka ko naman, bigla naman ngumuso-nguso si mama..
tumingin naman ako kung saan yun... ( ゚ Д゚)gaaaaaaah!! nakita ko yung mga kanin ko, wala na sa plato...
"anak ano bang nangyayari sayo?? may gusto ka bang sabihin??" tanong naman ni mama, sila papa at Victridel naman nakatingin lang sakin na parang naghihintay ng isasagot ko...
"ahmm... kasi po mama ano...yung tungkol po sa pagtu--" naputol yung sasabihin ko dahil nagsalita na si mama
"kung tungkol yan sa magkatabi kayo ni Victridel, hindi ako papayag na lumipat ka..."
"kaya nga po hindi na po ako nagsasalita ee.." tumingin na lang ako sa pagkain ko at kumain na...
pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa may sala para manuod nalang ng TV
BINABASA MO ANG
Medyo Bad Boy (BoyXBoy)
Romancekung gusto nyo pong malaman kung bakit ganyan yung title ko sa story ko... aba! bawal spoiler! fwahahaha! basahin nyo! xDD boyXboy itey! kaya kung galit kayo sa mga ganito...hala chupi kang kembot ka :D pero sa mga like na like magbasa ng BoyXBoy we...