Victridel's POV:
nagising ako ng marinig ko ang pamilyar na boses... at isang boses ng babae
"...ayun yung sabi sakin ni mama hehe~" tumingin ako kung sino yun, tama nga ako...si Dominique nga, may kasama syang babae... sya ba yung kameet up nya kanina sa may mixer nila?
nag okay yung babae sakanya at tumalon na parang bata sa kinauupuan na akala nya naman cute "hi! my name is Alexa Feliciano, 3rd year college, ako lang yung mag isa sa bahay..ako lang ang bumubuhay sa sarili ko dahil iniwan ako ng mga magulang ko dahil daw sa tigas ng ulo ko, mahilig din ako sa music, ayoko sa ipis kadiri kasi sila, ang bad habbit ko ay yung sumisipa ako kapag tulog ako hehe~ ramdam ko yun kasi parang half-sleep ako kapag nagagawa ko yun", sabi nung babae... wala akong paki sakanya... nakita kong nagpause si Dominique na parang may iniisip na napaka lalim
"ui! Dj ano iniisip mo??" sabi nung babae na nagpapacute sakanya
"woah! ah--hahaha! w-wala..."
"okay.. pero kung gusto mong pag usapan yang naiisip mo go lang" naiirita na ako sa babaeng 'to ha!? dikit ng dikit kay Dominique!
"tara hatid na kita sainyo"
"no need, dyan lang kami sa may apartment na yan oh" sabay tumuro naman yung babae
"ah okay sige..." nakangiting sabi naman ni Dominique tapos nagstart na siyang maglakad
"uhmm... Dj, kailan ka walang gagawin??" nagulat ako nung tinanong yan ng babae sakanya, napalingon naman si Dominique
"hmm... this saturday... bakit??"
"uhmm.. gusto sana kitang ipagluto sa bahay niyo" aaargh! baka nga mas magaling pang mag luto sayo si Dominique!
"u-uhmmm.... sure ka ba??" yung tono ng boses nya parang nag aalangan.. o nahihiya??
nag nod yung babae sakanya na parang excited "kita tayo dito ha?? 12pm" sabi nung babae... medyo malandi ... ang alam ko kakakilala lang nila ngayon dahil sa mixer ah.. tapos gusto niya ng pumunta sa bahay ng lalake!??!
"okay sige! excited na ako!" nagulat naman ako sa reply ni Dominique sa babae... kumirot nanaman yung puso ko... ano yun gusto niya na agad yun??!!
"okay! *chu*" nanalaki yung mata ko sa sumunod na nangyari,kiniss niya si Dominique sa cheeks... "I LIKE YOU DJ" F*CK! malanding babae talaga 'to!
tiningnan ko yung itsura ni Dominique... nakahawak siya sa pisngi nya na parang gulat... hindi ko naman masabing masaya siya sa ginawa nung babae...
medyo nakalayo na si Dominique... kaya tinitingnan ko nalang ngayon yung babaeng nakatingin sakanya kung paano si Dominique lumayo...
yung ngiti niya unti unting nawala.. at napalitan ng malditang itsura...
pero mas nagulat ako sa mga sumunod na sinabi niya
"F*ck that gay! first time lang sakin nangyari 'to!! ako ang nagyaya sa isang lalake!?? usual sila yung nagyayaya!?? f*ck! f*ck! aaaargh!!!
pero tingnan natin kung anong mangyayari sa sabado..." yung matinong mukha na nakikita ko sakanya nawala.. nag evil grin siya.. akala mo pumapatay siyang tao...
delikado si Dominique.. hindi ako papayag na masaktan siya ng babaeng 'to... gagawin ko lahat, kahit na magalit pa sakin si Dominique sa gagawin ko...
sinundan ko yung babae sa may apartment niya...
naghintay ako ng ilang minuto pagkatapos niyang makapasok sa apartment niya...
BINABASA MO ANG
Medyo Bad Boy (BoyXBoy)
Romancekung gusto nyo pong malaman kung bakit ganyan yung title ko sa story ko... aba! bawal spoiler! fwahahaha! basahin nyo! xDD boyXboy itey! kaya kung galit kayo sa mga ganito...hala chupi kang kembot ka :D pero sa mga like na like magbasa ng BoyXBoy we...