MBB-six

9.8K 197 10
                                    

Tristan's POV:

hi! ako nga pala si Tristan Joseph Logan, bestfriend ako ni Julianne, kung hindi nyo sya kilala bilang Julianne...sya lang naman si Dominique Julianne Santiago...1st year college kami nung nagkakilala kami...

ang totoo nyan hindi ko alam kung mutual yung feelings namin, *ehem* wag nyong isipin na ganun huh?? I mean ewan ko kung tinuturing nya din akong bestfriend kasi never ko pa syang narinig na tinawag nya akong bestfriend...pero sana kahit hindi ko yun naririnig sakanya, bestfriend ang turing nya sakin...hahaha! parang ang drama ko noh? by the way...

napakaspecial sakin ni Julianne, para ko na kasi syang nakaka-batang kapatid... alam nyo kung bakit?

dahil nabago nya yung ugali ko, ang dating tahimik at nakakatakot naging maingay na at friendly... ewan ko kung bakit nya ako nabago e... pero ang huli ko lang naalala nung nagkasagutan kami dahil nakita nya akong nainom at nagyoyosi, tapos ayun sinikmuraan nya ako at pinagsabihan nya akong hindi lahat ng problema nadadaan sa mga bisyo na ganun... nagulat nga ako nun kung paano nya nalaman na may problema ako naisip ko nalang na mind reader sya... pero ang lupet nya,kasi sya lang yung nalapit sakin nun, walang iba kahit na marami akong kaklaseng lalake at babae nun, sya pa rin yung nalapit, lumalapit lang sakin yung mga babae kapag magcoconfess sila sakin, pero nirereject ko agad... muntik ko pa nga syang suntukin nun e, kaso bigla sya ngumiti...napaisip ako nun... sasaktan na nga sya nakangiti pa sya, para lang syang hyena...hahaha! alam ng masasaktan sya pero nakatawa pa rin xP ... pero nagulat ako sa sinabi nya sakin kahit na nakahawak ako sa kwelyo nya at inis na inis...

"alam mo kung ganyan ka palagi, hindi ka magkakaroon ng kaibigan, kapag hindi ka nagkaroon ng kaibigan wala kang masasandalan, kapag walang kang masasandalan lahat ng problema mo maiipon nalang, at kapag ang problema mo naipon magiging depression, at kapag nadepress ka..hindi mo na alam ang gagawin mo..."

naalala ko pa nun, sa haba ng sinabi nya nakilumutan ko palang naiinis ako sakanya dahil sa pakikialam nya sakin xD

masyado syang friendly, halos buong classmate namin sa room naging friend nya na... pero wala pa syang tinuturing na bestfriend (I guess)...kaya nagpasya ako na gagawin ko syang bestfriend at gagawin nya akong bestfriend... bawat araw pilit ko ng binabago ang sarili ko, kahit mahirap...weird noh?? ginagaya ko yung iba kong classmate na lalake, yung tipong good influence... nag aadjust ako para kay Julianne... hanggang sa isang araw...

nilapitan ko sya noon ng nakangiti, alam kong nacurious sya sa inasal ko... alam kong alam nya na never pa akong lumapit sa isang tao..

"yo... J-Julianne..." tinap ko sya sa balikat nun, nakita ko kasi syang naglalakad papuntang room namin..kaya nga pala Julianne ang tawag ko sakanya kasi bagay sakanya, parang pambabae, cute kasi si Julianne xD

"y-yo...Tristan..." nagulat kasi sya kasi ako ang nagtap sakanya, hindi nya expected xP

"ahmm...gusto ko kasing magthank you...yun lang, sige bye!" pagkatapos kong sabihin yan tumakbo na ako at inunahan syang pumunta sa room...

pagkatapos nun, 1 week ko syang hindi nilapitan o sabihin nalang natin iniwasan simula nung sinabi ko yun, nahihiya kasi ako...tingin ko nga sa sarili ko nagmukha akong tanga e.. xD

pero nung pagkaraan ng isang linggo, tuesday nun...nasa may canteen ako at nag iisang kumakain, I mean walang kasama.. nang biglang may naglagay ng lunch sa table at tumabi sakin, ayokong umangal, ayoko na kasing bumalik sa pagiging bad boy ko...pagtingin ko si Julianne, syempre nagulat ako nun..muntikan panga akong malaglag sa kinakaupuan ko e...bigla syang nagsalita at sinabi nya lang sakin ay "welcome" at binigyan nya ako ng matamis na ngiti... dahil sa tuwa ko ginulo ko yung buhok nya... ang lambot ha... xD ... ramdam ko nun yung pagtingin sakin ng mga classmate namin na nandun sa canteen...kaya nahiya ako at binaba ko yung kamay ko sa ulo ni Julianne...

Medyo Bad Boy (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon