Victridel's POV:
hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko kay Dominique...ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko...
pero...
nag aalala ako baka hindi nya na ako pansin dahil sa nangyari...
pero di ba may alibi naman? haaay!ginulo gulo ko na yung buhok ko dahil hindi ko na malaman yung gagawin
"aaah! Maximus! ano yung gagawin ko kay Dominique!?" erm... bakit ko nga ba tinatanong yung aso? wala naman syang kinalaman dito? at isa pa... hindi naman nagsasalita 'to... haist...
as usual nasa labas ako ng bahay at kasama si Maximus...
wala akong balak hanapin si Dominique kahit na nag aalala na ako sakanya, wala kasi siya sa buong bahay, siguro kailangan ko syang bigyan ng space...haist!
ilang oras na yung lumipas 9pm na... wala pa rin si Dominique... tsk
bumukas bigla yung gate, akala ko si Dominique na yun pala sila mama at papa, wow ang aga nila ngayon ah...
"hi pa, hi ma" bati ko sakanila
"oh Aaron, bakit ka nasa labas? nasan na si baby Dominique ko?" tanong ni mama
"oo nga nasan na si Dj?" tanong ni papa
"ah... lumabas po kasi, hindi pa po bumabalik..."
"saan naman sya nagpunta sa dis-oras ng gabi? delikado na sa labas, kahit lalake pinagtitripan na..." pag aalala naman ni papa
"ah...eh... sige po hana--" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si Dominique
"hi ma! hi pa! ang aga niyong dumating ngayong gabi ah!" masiglang tono naman neto, ibig sabihin ba neto, okay na kami? wala na yun sakanya?
"ah... kasi maaga kaming pinauwi ng boss namin... oh ikaw baby Dominique, saan ka galing sabi ni Aaron lumabas ka daw? nag alala kami sayo..." sabi naman ni mama
"doon lang po ako sa may likod, malamig po kasi doon kahit papano.." pag eexplain naman ni Dominique
"buti hindi ka nilamok doon" sabi ni papa
"hindi naman po" nakangiting sabi naman ni Dominique kay papa
napansin ko namang nagkatanguan sila mama at papa, na parang may sinabi lang sa isa't isa
"baby Dominique, pasok muna tayo sa loob... may pag uusapan kasi sila ni papa" sabi naman ni mama,huh?? anong pag uusapan namin??
"nak..Aaron.. halika umupo muna tayo...may importante akong gustong sabihin sayo at malaman mo.." seryosong sabi naman ni papa sakin, medyo kabado ako...
"ah sige po..."
"di ba nakwento ko naman sayo yung tungkol samin ng mama mo?? I mean yung totoo mong mama??" seryosong tanong ni papa
"oo naman po,bakit po??"
"at yung tungkol din sa may kapatid ka??"
nag nod lang ako bilang sagot, ano ba yung gusto niyang sabihin sakin??
"yung kapatid mo... nakita ko na siya nak" medyo excited na tono ang narinig ko kay papa, halatang natutuwa siya.. ako naman hindi ko alam kung ano yung irereact ko, hindi ko malaman kung magiging excited ba ako, matutuwa o wala lang?? kasi in the first place hindi ko siya kilala, so anong ikakaexcite ko dun??
"errmm... saan niyo naman siya nakita pa??" curious kong tanong..
"sa bahay niya mismo, ang mama mo kasi umuwi dito galing Korea kaso umalis din siya pagkadaan ng 3 araw.. nagkita kami ng mama mo sa mismong bahay kung saan nakatira yung kapatid mo.."
BINABASA MO ANG
Medyo Bad Boy (BoyXBoy)
Romancekung gusto nyo pong malaman kung bakit ganyan yung title ko sa story ko... aba! bawal spoiler! fwahahaha! basahin nyo! xDD boyXboy itey! kaya kung galit kayo sa mga ganito...hala chupi kang kembot ka :D pero sa mga like na like magbasa ng BoyXBoy we...