wag po kalimutan i-click si VOTE! (°0°)v
dedicated po sayo 'to @alexanderapple kasi hindi ka po nagsasawang magbasa ng story na'to... ^_^ thank you po sa palaging pagcomment mo! :3
=-*-==-*-==-*-==-*-==-*-==-*-==-*-==-*-==-*-==
Dominique's POV:
2weeks na ang nakalipas,Monday na ngayon at may pasok, whew! buti nalang pinayagan pa kami ni Aaron na mag enroll nung last monday, hahaha! bawal na kasi mag-enroll kasi start na ng pasukan nun, pero mas maigi nga yun dahil may nag eenroll pa sa school na'to, kasi madadagdagan na naman yung makukurakot nila...di joke lang hehehe...
kaya naman kami pinayagan pa mag enroll kasi kaibigan ko ang isa sa mga student council, at ang maganda dun, yung president pa...sya yung nakiusap para makapag enroll pa kami at thank God nakapag enroll na nga kami, saan ka pa? ang kilala lang naman sa student council ay yung president at vise president... e ako lang naman ay isang dakaling secretary lang ng mga yun...pero alam ko babaguhin nila yun this year... kaya... HAYAHAY! na ang buhay ko dahil hindi na ako alalay! hahaha!
okay balik tayo sa nangyayari samin ni tukmol...
hindi nya pala alam na dito na rin sya mag aaral sa school na pinapasukan ko, ang adik din nung papa nya este papa namin...sinabi lang sakanya nung mismong Monday nung mag eenroll palang kami, pero buti nalang nasa good mood sya nun...ewan ko ba dyan bipolar din 'tong tukmol na'to e...
nasa room kami at ngayon ay pinagkakaguluhan NANAMAN si Aaron dito sa tabi ko, though sakin sila nagtatanong tungkol kay Aaron, ano daw hobby nya? pagkain na gusto nya? pano daw kami nagkakilala? paano daw kami naging magkapatid? , yep alam na nila dahil kasi yun sa apilyedo namin...pinalitan na nila mama, kaya ngayon Dominique Julianne Villanueva na yung apelyido ko...haist kaurat mas gusto ko Santiago...tsk...tapos eto namang si tukmol bad boy moves sya...yung tahimik tapos pag tumingin ka sakanya matatakot ka...(e kaso ang mga estudyante dito sa Athens University na'to walang talab ang mga ganun, mas gusto pa nga nila yun, may thrill daw)
ang daming nangyari netong mga nakaraang araw, ang bilis lang ng mga pangyayari dahil nung Wednesday sinurpresa kami nila mama sa pagsasabi na ikakasal na sila sa Linggo (kahapon lang), walangya hindi manlang kami tinanung kung kailan sila pwede magpakasal o kaya sana sinabi nila yun 2 weeks before ng kasal... ngayon tuloy after shock pa, hindi manlang kami (o ako lang?) nakapaghanda...buti nga kahit ganun nakakapag isip pa ako ng maayos...kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na sila...ewan ko lang kung kailan ang honeymoon nila, nako! utang na loob sana naman hindi na sila manggulat! yung tipong ilang days nalang saka nila sasabihin... hay nako! *gulo ng buhok dahil sa inis*
okay balik tayo sa reyalidad... at ayun nga panay ang tanung nila sakin kaso ang sagot ko ay puro ngiti ko lang, buti tumatalab kasi tumitigil naman sila o hindi na nila inuulit yung mga tinatanong nila kanina...
by the way kaklase ko nga pala si Aaron, multimedia arts din yung course nya, bale transferee sya kasi sa previous school nya ganun din ang course nya... ang tataas nga ng mga grades nya e...paano kaya nalaman ni mama na same course yung gusto ni Aaron? wala naman kaming napag usapan tungkol doon nung first time kaming magkita sa restaurant...hayy ewan..
"self-study nalang muna guys...dahil hindi naman talaga ako ang prof nyo sa subject na 'to, wala akong maituturo sainyo...pero nag iwan naman ng note ang prof nyo dito para sainyo...assignment nyo para sa next meeting, hindi nakapasok yung prof nyo ngayon kasi may emergency...pagkatapos nyong kopyahin ang nasa board pwede na kayong mag evaporate" ayan nalang ang nasabi nung prof na nasa harap namin, evaporate means pwede ng makaalis.
"oi bakit ang tahimik mo?" tanong ko kay Aaron habang naglalakad kami, kanina pa kasi sya tahimik...by the way hindi talaga sya tinatantanan ng mga classmate ko. 1 week na si Aaron sa school at ngayong week ay pang 2weeks nya na..hindi ba sila nag-sasawa sa kakakulit dito kay Aaron?? eto naman si Aaron tahimik o bad boy moves kapag nasa school, samantalang sa bahay akala mo nakakawalang bata...tsk..pakitang tao lang ba 'to? pero ngayon kaming dalawa nalang ni Aaron ang magkasama..
BINABASA MO ANG
Medyo Bad Boy (BoyXBoy)
Romantizmkung gusto nyo pong malaman kung bakit ganyan yung title ko sa story ko... aba! bawal spoiler! fwahahaha! basahin nyo! xDD boyXboy itey! kaya kung galit kayo sa mga ganito...hala chupi kang kembot ka :D pero sa mga like na like magbasa ng BoyXBoy we...