Akala ko uuwi na kami ni Nathan pero sa isang park kami dumiretso
"Kanina ka pa walang imik sa byahe, may problema ba?" -Nathan
"Ah, Hindi wala akala ko ba hahatid mo ko pauwi?"
"Yup, kaso si papa pauwi pa lang pala sa office mapapa daan sya dito so, kunyare di natin sinasadya na makita sya"
"In short, kunyari nag de-date tayo dito?"
"Ikaw nagsabi nyan Hindi ako"
"Sira ulo ka talagang kwago ka"
"Hahaha .. Joke obviously kasi ganun na yun, halika"
Hinila nya ko sa isang parte nang park na nadadaanan nang sasakyan at umupo kami sa isang bench
"Pag daan ni papa makikita nya tayo dito"
"Anu ba talaga tawag mo sa tatay mo? Daddy o papa?, minsan kasi sasabihin mo papa minsan daddy"
"Hahaha .. Depende yun sa panahon pagnandyan yung mga business partner nya okaya sa harap nang employee or kaya madaming tao Daddy tawag ko, pag kami lang dalawa tyaka pag ikaw o bestfriend ko lang tawag ko talaga papa"
"Bakit naman?"
" hahaha secret"
"Pssh sabihin mo na?"
"Kasi ........ Gusto mo ibili kita nang makakain?"
"Pssh, naiwas sa topic sige ilibre mo ko ah gutom na ko eh"
"Okiedowkie"
Lumakad na sya ah basta kukulitin ko sya
After 2 minutes nakabalik na sya."Here"
"Oh ang dami ah"
"Sabi mo gutom ka na eh"
"Lahat na ata nang tinda ni manang na street food binili mo eh"
"Hindi ah may kulang Jan"
"Anu?"
"Guest"
Pssh tinignan ko naman yung binili nya
Fishball,kwek-kwek,kikiam,hotdog,lumpia,calamares anung missing?"Ah alam ko na"
"Hmm"
"Squidball"
"Hahaha .. Yeah hindi ako nakain nun eh, gusto mo ba?"
"Hahaha, hindi rin ako nakain nang squidball pero favorite ko yung calamares"
Pagkasabi ko nun nagsimula na kami kumain pareho
"Hmm, eh kunyari lang naman yung squidball na yun eh hindi naman sya lasang squid eh unlike Calamares na may squid talaga sa loob"
"Hahaha, parehas kayo nung kaibigan ko yan din yung dahilan nya, pero may isa pa kaming dahilan kung bat pareho kaming hindi nakain nang squidball"
"Ako din may isa pang dahilan"
"Talaga? Anu?"
"Sabay natin sabihin sasabihin ko yung akin sasabihin mo din yung sayo"
"Mag kakaintindihan kaya tayo?"
"Yup, trust me"
At dahil sa trust me na two word sinabi ko na
"Kasi matanda na yung squidball pag inahon sa mantika kulubot na sya sabi ni mama igalang ang matanda pag kinain ko yung kulobot na squidball parang kinain ko na din yung matanda hindi ko na din sila ginalang"
Sabay naming sabi na ikina bigla ko
"Yun din yung sayo?" Tanong ko
"Hahaha, narinig ko lang yun sa kababata ko pero wag ka kahit malamig na yung hotdog at kumulubot na kakainin nya pa rin"
"Hulaan ko, kasi exempted yung hotdog dahil pagkaing pambata naman talaga sya yung squidball kasi lumiliit at nakulubot pag ahon sa mantika meaning tumatanda at may osteoporosis dahil namamaluktot na sya"
"Hahaha, tama baliw yun eh .. Sa lahat nang pagkain squidball lang ang iginagalang nya"
"Eh bakit hindi ka rin nakain nang squidball?"
"Nahawa na ko sakanya"
"So balik tayo sa topic na papa daddy thingy mo"
"Makulit ka talaga, pero nakaka tuwa no parehas tayo di nakain nang squidball"
Oo nga Nakakabigla talaga ngayon lang ako nakakilala nang kagaya nya
"Ililigaw mo lang ba yung topic?"
"Hayyyyyyy .. Kasi trip ko lang"
"Ah"
"OK fine, I used to call him Papa but Simula nang mawala si mama we change I call him Daddy in front of others so they can't remember that once I have a mama and papa"
"Parehas pala tayo wala na rin akong mama pati papa pala"
"Buhay pa si mama pinatay ko lang sya sa isip ko namin ni papa, kasi iniwan nya kami"
"Ha?, eh asan sya?"
"I don't know and I don't care"
"Mama mo pa rin sya"
"Alam mo let's stop this conversation, bibili lang ako nang gulaman"
"Sago sakin"
"I know"
"Bakit Alam mo?" Parang bigla syang natauhan at nagulat sa sinabi ko
" I mean I'm going to buy both, just for you to have a choice"
"Ok"
Lumakad na sya
1 minute
2 minutes
3 minutes
4 minutes
5 minutesBakit parang ang tagal naman nya?
Nasan na nag punta yun?
Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko sya mahanap nasan na ba yun?"Ikaw naman girlfriend ko namiss mo agad ako"
"Sira bakit ba ang tagal mo?"
"Ah, may tumawag kasi sakin eh"
"Ah,ok"
"Here" iniabot nya Sakin yung palamig