'Don't Be A Wuss.'
-unknown
******
agad kaming lumakad ni Rica pa punta sa room na pag lilipatan ni nathan, ngunit sadya siguro talagang mabilis kumilos ang mga nurses dahil naunahan pa nilang mailipat si Nathan doon bago kami makarating gayung pakiwari ko ay Sabay lang kaming umalis.
"Pwede na po kayong pumasok" sabi sa amin nang nurse na naabutan naming palabas na nang room ni Nathan
"Mukang panay ang pag-iisip nya, hindi siguro sya nakatulog nang maayos" sabi ko kay Rica habang titig na titig ako sa mahimbing na natutulog na si nathan, nagulat ako nang lumapit sya sakin at hawakan nya ang aking kamay
"Listen! This is the reason why you need to be strong, kasi kailangan ka ni nathan at danica" sabi nya, sabay hinga nang malalim bago nagpatuloy "higit sa lahat kailangan ka nang sarili mo" titig na titig nyang sinabi ang mga bagay na ito sa akin habang inilalagay ang piraso nang papel sa aking kamay, kalakip nito ang address na hindi ko alam kung kanino "dyan namamalagi ang mama ni nathan" nang sabihin nya iyon ang nakaramdam ako nang excitement ngunit agad iyong napalitan nang pangamba "you have to face it weather you like it or not" may diin ang bawat salitang binibitawan nya, siguro nga ganun din kahalaga si nathan sa kanya pero wala syang magawa sa panahon na ito kaya binibigyan nya ako nang lakas para ako mismo ang humarap at tumuklas nang katotohanan.
*****
"Divina" nagising ako sa tinig nang angel na tumawag sa aking pangalan, wala akong makita bukod sa puro puting kulay nang paligid, nagsimula akong lumakad upang hanapin ang pinanggagalingan nito ngunit hiningal at napagod na ako pero hindi ko pa rin nahanap ang tumatawag sa akin, kilala ko ang tinig na iyon ngunit hindi ako sigurado. Sinubukan kong magsalita at tumawag ngunit walang kahit na anong letra ang lumalabas sa aking bibig, napapagod na ako. Umupo ako at yumuko sa aking mga tuhod, hindi ko napigilan ang pag tulo nang luha sa aking mga mata "susuko ka na lang ba?" Muli ko na namang narinig ang tinig ngunit sa pagkakataong ito batid kong malapit ito sa akin, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak na parang batang inagawan nang candy "hindi kita pinalaking mahina" narinig kong muli ang tinig iniangat ko ang aking ulo, nagtama ang aming mga mata 'papa' isinigaw ito nang aking isip, nandito sya sa aking harapan. Agad akong tumayo at niyakap sya ganun din sya sa akin. "Divina, grow as a strong lady who's not afraid to face anything" pagsisimula nya sa kanyang kwento, gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ako nangungulila sa isang ama "I'm proud of her" sa kabila nang mga luha ay sumilay sa aking Labi ang napaka laking ngiti "pero hindi ko gusto ang ginagawa nya ngayon, masyado syang nag papadala sa kanyang emosyon" humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa aking muka "face it" iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kanya bago muling nilamon nang liwanag ang buong paligid kasama sya.
****
"PAPA" nagising akong hingal na hingal dulot nang isang panaginip.
'Panaginip' tama isang panaginip lang ang naging pag haharap namin ni papa, pero damang dama ko pa rin ang yakap nya, at paulit-ulit sa utak ko lahat nang napag-usapan namin. Hindi ganito, hindi dapat ako maging mahina, kailangan ako nila Danica. Nilingon ko ang himbing pa rin ang tulog na si nathan, dahil sakin nagkaka ganyan ka kung naging matapang lang sana ako nung una pa lang.
natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa silid*knock knock*
matapos kumatok ay deretsong pumasok sa loob si rica. Haharapin ko ito iyon agad ang pumasok sa isip ko"Rica, bantayan mo muna si nathan ha? May pupuntahan lang ako" hindi ko na sya hinayaang makapag salita, agad akong tumayo at dali-daling lumabas nang silid na kinaroroonan ni Nathan.